Nagliyab ang init sa katawan ni Jasper na sa kaniyang palagay, hindi na niya mapipigilan pang apulahin. Hindi naman siya santo para makayanang pigilan ang kaniyang sarili gayong nag-iinit at nadadarang siya kay Lala. Kaya sa mga oras na iyon, tinugon ni Jasper ang mainit na halik ni Lala kung saan hinapit niya ito palapit sa kaniya at mas dinama ang mainit nitong katawan. Damang-dama niya ang malambot na pinagpalang dibdib ng dalaga kaya mas lalo siyang nag-init. Naging agresibo si Jasper sa pag-angkin sa labi ng dalaga habang ang kaniyang kamay ay humahagod sa likod nito. Maingat na binuhat ni Jasper ang dalaga patungo sa kuwarto nito hanggang sa maihiga niya ito sa kama. Hindi naghiwalay ang kanilang mga labi at kapwa gumagapang ang kanilang kamay sa katawan ng isa't isa. Halos kapusin

