Epi__4
Dinala na lahat ni Alex at Ellen ang mga gamit nila sa may pinto....tig isa sila Ng maleta at may mga bitbit pa silang bag, may mga pasalubong din silang dalawang kaing na mangga sa mga tita Nena ni Ellen.
" Mga anak sige na at paalis na ang jeep nasasakyan ninyo..." sabi ni mang Dario.
" Ellen anak... yong mga bilin ko sayo haaaa... at pagdating ninyo ni Alex sa terminal wag kayo aalis hangat wala pa ang mga tita at tito ninyo haaa...mga anak...! sabi ng mama ni Ellen.
" Opo mama.... alam po namin ni Alex yon wag kana po mag-alala ! "
Opo Tita Nena wag na po kayo mag-alala sa amin.."
" Syaaa mag-iingat kayong dalawa !"
sabi pa ng mama ni Ellen.
" Auring aalis na ang mga bata parine ka muna Aiyyyy....! Sandali naman Dario at hinde ko pa nababalot itong minatamis na mangga para kila Nilda ehhhh...!
" Abaaaa asawa ko..! dali-dalian mo naman at aalis ang mga bata..!
" Mga anakkkkk....humahangos na sabi ni aling Aurora...ito na sabihin niyo kay Nena at Arnaldo pag pasensiyahan na nila yang mga dala ninyo haaa..? at mag-iingat kayong dalawa ! tatawag ka parate Alexandra anak ha...? ikaw Ellen wag kayo maghihiwalay ni Alex haaa ?
" Opooooo... sabay nang dalawang dalaga...Nandoon lahat ng mga kapatid ni alex,nagpapa-alamanan sila sa isat-isa, pati mga kapitbahay nila nandoon din sa terminal...
malapit lang kase ang terminal sa bahay nila.
Lumipas ang mga oras nakarating na sila ng manila terminala sa may Cubao... kinusot kusot nila ang mga mata,nakatulog sila sa kanilang biyahe.
" Oh syaaa beshie baba na tayo at maghintay nalang tayo kila tita ! " anang Ellen kay Alex.
" Cge Len sunod na ako sayo! " tugon naman ni Alex..
after 10mins dumating na ang mga tito at tita nila...bago kase umalis ang jeep na sinakyan nila sa Quezon ay nag chat na si Ellen sa tita Nena niya ng mag transfer na sila ng Bus
nag Update din si Ellen sa tita niya kaya alam na ng mag-asawa ang oras sila darating ng terminal.
" Ellen...! Alex...! " hello mga anak..! kagagandang mga dalaga na pala ninyo ahhhh...! " Sabi ng tita nila.
" Puwede bang pang beauty contest tita haaa...? " sabay tawa ni Ellen at Alex... "Abahhhh syempre pang laban natin yan lahing Quezon yeeeerrrrnnn...hahaha.. ! "
Ang saya namin...pati si tito Arnaldo nakikitawa din go ng go sa mga jokes ng darling niya.Yan si tita Nena...parating masaya ! ayaw niya ang nakasimangot kase daw yong wringkles maglalabasan ayaw niya maging tanderrrrsss agaddd...
" Arnaldo...! sweetheart ikaw na magsakay sa kotse ng mgA gamit nitong mga bata haaaaa at mabibigat Ai...! Unahin mo yong mga mangga ipasok para maipuwesto mo ng maayos ahhhh "
" Okey heart ako na bahala dito don't worry mag relax na kayo sa loob mainit dito sa labas.
Pumasok na sila sa kotse antayin nalang nila matapos magkarga ng mga dala.
umabot din ng 45mins ang biyahe nila mula cubao pa makati kung saan doon ang bahay nila Nena at Arnaldo...alam mo naman ang traffic sa manila.
" Ellen Alex...! diretso na kayo sa kuwarto ninyo at maligo na kayo muna habang hinahanda namin ang dinner natin haaaa.. " Opo tita.."
sabay sabi ni Ellen at Alex.
Kagabi kinausap na sila ng Tita Nena nila kung saan may hiring na Company...sa ATLAS SHIPPING daw yon at kailangan nka corporate attire para maganda tingnan...
bago pa sila dumating pinamili na ni Nena nang susuotin para may magamit sa pag-aaply...
" Ladies...! be ready at 6:45 A.M ok...! " Yes Tita..." sagot ng dalawa...
ihahatid muna sa interview bago siya papasok sa banko na malapit lang din naman doon sa area at puwede ngang lakarin nalang...pero dahil sa may car ang tita nila syempre hinde siya maglalakad....
Pagdating nila sa tapat ng ATLAS SHIPPING naghanap muna si Nena sa parking lot ng bakante kase sasamahan niya ang dalawa...
nagtanong si Nena sa Information kung saan ang interview ng mga applicants ngayon...
"Hello ma'am good morning..." where po bah ang interview for your job hiring...? "
" Yes ma'am hello...Good morning..! " May I know what position are you applying for...? " formal na sabi ng nasa front desk..
" Ma'am we are applying for marketing manager as you've been posted that job vacancy in your web page..." Sagot ni Alex.
" Okey....you may proceed to 2nd floor room 209 and look for Ms Gladys as she will be incharge for the marketing manager position..."
" Thank you ma'am...!! " magkasabay halos na sabi nila Alex at Ellen...
" Mga anak diko na kayo sasamahan pa sa second floor haaa alam niyo na ang gagawin ninyong dalawa...! relax...look to interviewers eyes....
Set straight....hands relax on your lap or if the chair have handrills put your hands on that...Answer the question properly...And lastly____
"BE BEAUTIFUL AS ALWAYS ...!" Sabay sabi ni Alex at Ellen at nagtawanan sila pero pigil lang dahil pinagtitinginan na sila ng mga taong nasa paligid nila...
" Good luck beauties...! " sabay flying kiss ng tita nila at umalis na.
Marami ding mga applicante sa position ng marketing manager,nasa 15 ang bilang nila..
" Beshie...pagalingan nalang talaga sa pagsagot at para ma impress natin ang interviewer ano..! karami natin,kinakabahan ako ehhhh...!" Sabi ni Ellen...
" Kaya natin ito Ellen...manalig lang tayo sa sarili natin at magdasal tayo..." Sagot naman niya...
Lunch time na pero hinde pa natatawag ang pangalan nila,kaya kumain muna sila sa canteen nang building at agad rin silang bumalik sa 2nd floor....Pagka-upo palang nila tinawag ni Mis Gladys si Ellen...
" Next is Ellen Delos Santos..." Yes ma'am...! " sabay tayo na ni Ellen...
" Please follow me... ! " sabi ni Ms Gladys...
" Besh Good luck....!" saad naman ni Alex.
" Fight...! Fight...! " Naka taas pa ang mga kamay habang naka tikom ang mga palad na sabing mahina ni Alex...Nag smile nalang si Ellen saka nagdasal pumikit bago pumasok sa isang pinto..
" Lord..please guide me poooh....