Sandali lang po sir! Wika ko at agad binawi ang aking kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nito matapos masira ang takong ng suot suot kong sapatos dahil sa patuloy na pag hila nito sa aking kamay.Dali kong tinanggal ito mula sa pagkaka-suot sa aking paa at naiiling itong pinag masdan. Ganyan ba talaga kayong mahihirap na kahit inaapi na at tinatapak tapakan mas pipiliin pa ring manahimik kesa ang lumaban? Saad ni Jace na nag patigil sa akin mula sa pag pukpok ng takong ng aking sapatos. Sir, ayoko lang ho ng gulo. Maadiing sambit ko at nag patuloy sa pag pukpok ng takong ng aking sapatos. Look at you! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo na sa loob ng halos anim na bwan na pag tatrabaho ay hindi mo man lang nagawang bumili ng bagong sapatos? Saad nito na nag patigil sa akin.Ngayon

