Michaela * Ano pong ibig ninyong sabihin? Anak patawarin mo kami ng tatay mo. Umiiyak sa sabi ni nanay.Nanginginig ang aking buong katawan sa mga nangyayari dahil hindi pa man diretsahang sinasabi ni nanay ang katotohanan ay nakumpirma ko na agad ng umiyak ito. Teka nay, pa-paano pong nangyari? a-anong ibig sabihin ng lahat ng ito? Anak, patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sayo.Napamahal na kami sayo ng tatay mo.Balak naman talaga namin noon na ibalik ka sa mga magulang mo pero hindi namin alam kung paano, saan, at sino ang mga magulang mo.Hanggang sa habang nag tatagal ang mga araw, linggo bwan at taon sobra ka ng napalapit sa amin ng tatay mo.Maniwala ka anak mahal na mahal kita.Patawarin mo kami kung hindi namin ito nagawang sabihin sayo ng tatay mo dahil wala kaming lakas ng

