Ahhhhhhhhh! bastos! Malakas ko itong sinipa dahilan para malaglag ito sa sahig.Agad akong natigilan sa pag sipa dito ng marinig ko ang pag ungol nito nang di sinasadya ay tumama ang ulo nito sa sahig.Nanatili itong tulog at walang kamalay malay sa nangyayari sa labis na kalasingan.Agad ko itong nilapitan at ipinatong ang aking tenga sakanyang dibdib upang siguraduhin na humihinga pa ito.Nang makumpirma kong humihinga pa din ito ay laking kampante ko.Agad akong kumuha ng makapal na comforter upang mag silbing sapin nito sakanyang likod.Mas malabo pa kasi sa mga mata nito na mabuhat ko siya paakyat ng sofa bed.Sa tangkad niyang ito ay di kakayanin ng aking katawan.Mula sa taas ay bitbit bitbit ko pababa ang mga unan at kumot.Sinigurado kong komportable ito at maayos.Ngunit napa iling na la

