UMALINGAWNGAW sa buong bakuran ng mga Del Rio ang tunog ng malakas na busina ng sasakyan mula sa labas ng gate. Sunod-sunod iyon na tila hindi na makapaghintay ang kung sinuman na nasa harap ng manibela na may makapagbukas ng gate. Mula sa ginagawang paghihiwa ng gulay ay siniko si Savana ni Gracia. Kasalukuyan nilang inaayos ang ulam para sa pananghalian. Inginuso nito ang labas. “Ikaw na ang lumabas doon. Baka nakaidlip nanaman si Adonis ko kaya hindi niya naririnig ang doorbell.” “Sige.” Sagot niya. Muling nagsunod-sunod ang tunog ng busina. Napasimangot si Savana. “Sino ba iyon? May inaasahan ba tayong bisita ngayon? Bakit naman mukhang atat na atat yatang makapasok dito sa loob?” ipinunas niya ang kamay sa suot na apron. “Naku! Ganyan talaga si Sir Louie. Ayaw ng pinaghihintay sa

