HNMNA.6
PAG DATING KO sa bahay ay medyo madilim na. Pag pasok ko ay agad ko nakita si Papa at Mommy sa sala na nag uusap.
" Kumukuha lang ako ng tempo, Stella, Kaya nga ito na oh' malapit na natin makuha ang Company kunting tiis na lang, hmm? " dinig kong saad ni Papa kay Mommy. Hindi nila namalayan ang pag dating ko. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila, about business, siguro nila yon.
" Nandito na po ako Papa, Mommy, " mahina kong sabi. Sabay naman sila napalingon sa kinaroroonan ko.
" Why are you taking so long Amanda? Hala mag palit ka na ng damit mo at maya maya na lang ay nandito na sina Torte, at ang familya niya. " mahabang litanya ni Papa. Sa mainahon na boses. Nakaramdam ako ng panlalamig sa sinabi ni Papa. Hindi ko kilala ang lalaking 'yon.
" Papa na naman- " na putol sa ere ang sasabi ko ng mag salita si Mommy.
" Stop argumenting us, Amanda. Para sa ikabubuti mo rin naman ito. Right Honey?. " mataray niyang saad.
" Umakyat kana sa kuwarto mo, Amanda. At ayus na yan sarili mo. " dagdag na saad ng akin ama. Wala na akong nagawa kun'di nag papadyak na umaakyat. Pag pasok ko sa kwarto ko ay pabalibag kong inihagis ang bag ko sa kama. Naiinis ako kay papa hindi ba niya Iniisip na gusto ko pa mag aral? At sino ba naman ang lalaki na mag kaka gusto sakin. Baka pag tawanan lang ako no'n, isipin pa siguro na halimaw ako. Gaya ng madalas na sinasabi ng karamihan lalong lalo na ang dalawa kong Ate.
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng maramdaman kong humapdi ang pisngi ko, napaupo ako sa wala sa oras. Napahawak ako sa pisngi ko na masakit at doon ko napansin ang madilim na mukha ni Papa, na halos ilibing na niya akong buhay.
" P-papa." Mangha kong tanong. Habang hawak hawak ko ang pisngi ko. At sa tingin ko ay sinampal yon ni Papa. Dahil hindi naman siguro bigla na lang mamanhid sa sakit ang mukha ko ng walang dahilan. Kahit hindi ko tignan sa salamin ang mukha ko ay sigurado akong kumapal na yon.
" What I've tell you, Amanda?...... Sabi ko ayusin mo ang sarili mo, dahil darating sila Torte tonight? And why are you just at sleeping here? Did I tell you to sleep? Hmm? " mariin at cold baritones voice ni Papa. Alam kong galit siya sakin. Dahil nanlilisik ang mga Mata nitong nakatitig sakin. Napayuko ako, habang hawak hawak ko parin ang pisngi ko.
" I'm sorry po Papa. " mahina kong saad. I bite my lower lips, Para pigilan ang pag patak ng luha ko.
" Hala! Mag bihis ka na. At nag hihintay na sila sa'yo sa baba. At hindi ka princessa, Para mag pa importante. " aniya pa na Papa,
WALA NA akong nagawa, kahit labag sa loob ko ay tumayo na ako at nag bihis. Pag katapos ko mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko na inabala ang sarili na mag ayos, dahil baka pag tawanan pa nila ako. Sa mukha kong ito? Never mind, di naman mahalaga sa'kin kung magustohan nila ako O hindi. Pababa na sana ako, pero rinig na rinig ko ang tawanan at kwentohan ng pamilya ko at mga bisita namin. Mukhang masaya silang lahat, ano kaya magiging reaksyon ng mga ito pag nakita nila ako. Baka nga lahat sila ma speechless, dahil nakakita ng halimaw. Nag lakad ako papunta sa dinning room.
Humugot ako ng malalim na hininga bago timikhim para makuha ang attention ng mga ito.
" Oh nand'yan kana pala Amanda, come here, kanina kapa hinihintay ni Torte at ang mga magulang niya. " masayang saad ni Papa. Tama nga ang hinala ko lahat sila na speechless,
" What are you waiting for, lumapit kana dito. " magalang na sabi ni Mommy. Ngayon lang niya ito narinig na mag salita sa kaniya ng ganito. Dahil kadalasan ay puro pa sigaw at binabaliwa siya. Lumapit ako sa kanila at umupo sa dati kung pwesto. Mag kaharap naman sila ate Shirley at Torte.
" Good evening po. " pag bati ko sa dalawang may edad. Alam ko na magulang yon ni Torte. Speaking of Torte, gwapo nga naman ang binata. Very manly ang looks nito. Medyo dark and muscular, maitim at bilugan nitong mata at malalantik ang eyelashes and thick eyebrows.
"Good evening din sayo iha, ito na ba si Amanda, Antonio? " nakangiting saad ng babae. Sa 'kin parin nakatingin ito.
" Oo Tarah, si Amanda na nga yan. " nakangiting sagot ni Pap.
" Oh my God, dalagang dalaga kana nga, at napakaganda mo naman, iha. " magiliw' ng saad ng babae. I mean si Tarah pala. Pero hindi ko alam kung complement ba yon or pang iinsulto sa sinabi niyong maganda siya. Nakita ko pang humagikhik si Ate Shirley sa sinabi ng nanay ni Torte. Napaku ko na lamang ako at napakagat labi. Nakatakip parin ang kalahating buhok ko sa kaliwang pisngi ko.
" Of course, Tita. She's really pretty. Did you see? It's not obvious na maganda ang mukha niya!" mapang uyam na wika ni Ate Shirley. Sinamahan pa ito ng bungisngis.
" Shirley?! " saway ni Papa, kay Ate Shirley. Gusto ko na nga sanang mag laho dito sa kinauupoan ko. Ito nga ang sinasabi ko, pag tatawanan naman nila ako.
" Amanda. Don't misinterpret what Mom said earlier, dahil totoo naman na maganda ka. Even though you have scar on your left face, pumaibabaw parin ang maganda mong mukha. It's pure beauty. " napalingon ako sa nag salita. Hindi ko kasi inaasahan na lalabas sa bibig nito. Si Torte ang sumagot sa sasabihin ng Ina. Ngumiti ito sa kaniya. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag nguso ni Ate Shirley na mukha pang may ibinubulong sa kawalan.
" Let's eat instead. " wika ni Papa. Nag simula na kaming kumain at tanging sila papa ang mga magulang ni Torte ang nag uusap about business. Wala naman akong maintindihan. Si Ate Shirley naman ay panay pacute kay Torte, pero parang baliwala naman ito kay Torte. Si Ate Serna naman ay busy sa hawak nitong cellphone. Pag katapos namin kumain ay sa sala na ipinag patuloy nila Papa ang pag uusap ng mga magulang ni Torte.
" So after two months we settle ang kasal ni Torte at Amanda, Dominic. " Saad ni Papa. Napatingin naman ako sa kanila. Nakita ko pang pag ngiti ng mommy ni Torte, sa akin.
" Will, Wala naman problema sa'kin yan Antonio. Beside. Pumapayag ba si Amanda? " tumingin sakin ang Daddy ni Torte. Ganun din sila Papa.
" Ofcourse pumapayag si Amanda, right Amana? Hmmm? " sabat naman ni Mommy.
" Diba Mas mabuti pang pag kilalanin Natin muna Si Amanda at Torte. Mukha kasing nakalimotan na ni Amanda si Torte. " aniya ng Mommy ni Torte.
" It's okey to me to getting know each other, ayaw ko kasi biglain si Amanda. Tito Antonio. " Napatingin ako kay Torte. Nag kasalubong ang mga mata namin dahil sakin ito nakatingin. Hindi ko alam mukhang kinakabahan ako sa sinabi niya getting know each other, bakit ayaw niyang tumutol hindi ba niya nakikita ang mukha ko?
" P-pero P-papa nag aaral pa po ako. " halos pa bulong kong sabi. Sa totoo lang ayaw ko pa pumasok sa mga ganitong bagay. Gusto ko muna makapag tapos at may maipag malaki sa kanila.
" It's not matter Amanda, kahit mag asawa na tayo pwede ka parin mag aral. I respect you, what you want. " lalo ako nainis sa sinabi ni Torte,
" My decision is final, Amanda. " mainahon na saad ni Papa pero bakas parin ang pag ka maawtoredad nitong boses. Napayuko ako at pinag laroan ang mga hintuturo kong darili. Alam kong talo na ako. Hindi na lang ako umimik kahit sa loob loob ko ay naiiyak at nag pupuyos sa inis.
Hanggang sa nag paalam na sila Torte ay nanatili akong tahimik. Nag paalam din ako kila Papa at Mommy na aakyat sa kuwarto ko. Bahagya ko na pipihitin ang door knob ng kuwarto ko ay bigla na lamang ako hinablut ni Ate Shirley.
" Wag kang feeling maganda, dahil wala ka no'n. Paayaw ayaw ka pa kuno pero ang totoo gustong gusto mo rin naman. Bulag lang yata si Torte. Ano ba ang nakita niya sayo yang mukhang mong Halimaw! " galit na saad ni Ate Shirley, Bakas sa boses nito ang Inis.
" Ano ba ang pinag sasabi mo Ate Shirley. " mahina kong saad. Pilit kong hinihila ang braso ko na hawak ni Ate Shirley, dahil ramdam ko na ang sakit sanhi ng pag kak hawak nito. Ngumisi naman ito.
" Alam mo bang na alibarbaran ako sa pag mumukha mo! Ang pangit pangit mo kasi. Nakakasuya tignan. " Gigil nitong saad. Na lalong diniinan ang pag kaka hawak sa braso ko. Napapikit ako dahil subrang sakit na ang braso ko.
" Let her go Ate Sha. Baka mag ngaw ngaw lang yan dito ng iyak. Come to my room. Ate Sha I'd till you something exciting. " nakangiting wika ni Ate Serna. Nangislap naman ang mga mata ni Ate Shirley sa sinabi ni Ate Serna. Nakahinga naman ako ng bitawan ni Ate Shirley ang braso ko. Bahagya ko yon na himas.
Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay napasandal ako sa likod ng pinto. Napatingala ako sa kisame. Doon pumatay ang luha ko. Bakit ganito ang trato nila sakin. Bakit ang layo nila sa'kin. Dahil ba sa hitsura ko? Hindi ko naman ito giusto na mag karoon ako ng ganitong mukha. Parang wala man lang akong kakampi sa pamamahay na ito. Si Mommy ayaw nga niya ako tapunan ng tingin.
Kinabukasan maaga naman akong nagising tulad ng madalas kung ginagawa tuwing natatapos ako mag walis sa labas ng bakuran ay ipinag hahanda ko ang mga kailangan ni NayNay Ledya sa pag luluto ng almosal.
" Magandang umaga Amanda. Bakit ang aga mo na naman magising ngayon. Nanaginip ka naman ba? " ani ni NayNay Ledya. Na kakapasok lang sa loob ng kusina.
" Hindi ho Naynay Ledya, hindi lang po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. " mahinang sagot ko.
" Dahil ba yon sa nangyari kagabi? Nak Alam kong nasa tamang edad kana sa edad mong dalawamput apat na gulang ka na, pero sa kalagayan mo. Marami ka pang mga bagay na kailangan malaman sa pag katao mo. " makahulugang wika niya. Nakatingin ako sa mukha ni Naynay Ledya. Bakas sa mukha nito na may bumabagabag. Tila bang may Alam ito sa totoong nangyari sakin kung bakit walan ako ng alala.
" Naynay, may nalalaman ho ba kayo kung bakit hindi ko maalala ang kabataan ko? At sino yong babaeng madalas kong napapanaginipan na tinatawag kong mama? " nagugilan na rin ako kung bakit Ibang iba ang trato nila sakin. Para bang hindi nila ako tunay na anak. Kasi ang layo ng trato nila sakin sa dalawa kong kapatid.
Nakita ko naman na bahagyang natigilan siya. Bumubuka ang bibig niya pero walang salita na lumalabas doon.
" Naynay Ledya. " tawag ko sa pangalan niya. Muka kasing lumibad na sa kabilang mundo.
" Ha? Ahh, Em.... Kasi-" naiwan sa ere ang sasabi ni Naynay ng pumasok sa loob ng kusina si Kuya Lester.
" Morning sainiyong dalawa. Mag ka kape sana ako. " wika nito.
" Ah, sige mag timpla kana ng kape Lester, ikaw naman Amanda maligo ka na at makagayak na rin papunta school. " aniya ni Naynay. Wala sa sariling napatango na lang ako. Hindi na ako nag salita pa at lumabas na sa kusina at tingo ang akin silid. Pag katapos kong maligo at makapag bihis ay nag madali na akong lumabas ng kuwarto ko Plano ko sa school na lang ako mag almosal. Ayaw ko muna makita ang pag mumukha ng mga tao dito sa bahay.