HNMNA 9.
SA MGA LUMIPAS na mga araw ay naging maayos ang lahat sakin. Nag usap din sila Papa at Daddy ni Torte tungkol sa kasal namin. Gusto raw nilang madaliin ang pag papakasal namin ni Torte. Sa ka gustohan umano ni Papa. Kaya ngayon ay official na ang engagement namin ni Torte at next month ay kasal na namin.
" Naku congrats Inday Amy. Ako ang bridesmaids mo ha. " masayang wika ni Louisa. Nandito kami ngayon sa canteen ng Sanford University. May one week na rin kaming engage ni Torte. At alam yong ng buong mundo. Dahil sikat na modelo si Torte sa Ibang bansa.
" Oo naman, sino pa ba ang kukunin ko, eh ikaw lang naman ang nag iisa kong kaibigan. " natatawa kong wika kay Louisa.
" Pero di ka ba nababahala na ang pakakasalan mo ay isang sikat na model sa enternational? Alam naman natin na maraming babae ang nakaabang sa kan'ya? Ito pa ha. Sa mukha palang niya Inday Amy, Babaero na. Tapos ikaw.. " bilang natutop ni Louisa ang bibig ng mapag stato niya ang lumabas sa bibig niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
" Na pangit ako at mukhang 'Halimaw?' ganun ba? " idugtong ko sa sinabi ni Louisa. Hindi ko alam bigla kasing parang may humiwa sa pusok ko sa sinabi niya. Hindi naman ako sasaktan sa sinabi ni Louisa, pero yon din naman talaga ang pumapasuk sa isip ko. Mabilis naman umiling si Louisa.
" Hindi sa ganun, Inday Amy. Dahil maganda ka naman talaga, para sa'kin. Pero na ko-curious lang talaga ako. Kaya ko yon nasabi." malungkot na saad ni Louisa.
Umowi ako ng bahay na mabigat ang loob ko. Hindi kasi nawawala sa isip ko ang sinabi ni Louisa. Tahimik lang ako nakaupo sa likod ng kotse. Si Kuya Lester ang sumunod sakin ngayon dahil may importante daw na lakad si Torte, Kaya hindi niya ako masusundo.
" Bakit ang tahimik mo Amanda? Malungkot ka ba dahil hindi si Torte ang sumundo sayo? " parang nag tatampong pasaring ni kuya Lester. Tumingin ako sa harap at nag abot ang amin mga mata sa review mirror.
" Hindi naman sa ganun Kuya Lester may Iniisip lang ako. " tugon ko. Sa totoo lang hindi ko na alam ang isipin, tama ba talaga itong pinasok ko? Imbes na nag hahanap ako ng kakampi at makaka unawa sakin ay baka lalo lang ako masaktan.
" Alam mo, Amanda. Kung minsan kailangan mong maging matatag, para hindi ka lait laitin at tapak-tapakan ng iba. Minsan ang akala mong kaibigan O karamay ay sila pa ang may kayang humila sa'yo pababa. Maski pamilya mo kailangan mo rin mag ingat. Ika nga sa Inglis. Don't trust to much to other's, trust your self. To sealed your dignity. " seryosong wika ni Kuya Lester. Na tameme ako sa sinabi nito. Mukhang may gustong tumbokin ng mga sinabi ni Kuya Lester.
" Sabi sa nabasa kong aklat. If they will accept you right away, then will you have to doubt their abilities, dahil na kakatakot ang isang bagay na madali lang makuha, dahil kanina hinala yon. " sigunda pa nito. Mahilig din pala ito mag basa ng mga libro.
"A-anong ibig mong sabihin Kuya Lester?" kunot noo kong saad.
"That's the first thing you have to learn in dealing with others, Amanda. Because the behavior of other is very dangerous. " muli nitong saad, kaysa sagotin ang tanong ko. Pero parang sinagot na rin naman niya yon, sa pamamagitang ng mga patama niyang sinabi. Pero hindi ko talaga ma gets ang mga pinupunto ni kuya Lester.
Hanggang sa dumating na kami ng bahay ay Wala na kaming imikan ni Kuya Lester. Malaking pala isipan ang mga sinabi niya. Binigyan pa ako ng exam ni Kuya Lester, na kailangan kong pag aralan.
Pag pasok ko ay tahimik ang bahay. Maski mga katulong ay hindi ko ring nakita sa kitchen. Pumonta ako sa veranda na malapit sa swimming pool, dahil madalas doon tumatambay sila Mommy at ang dalawa kong Ate. Pag dating ko sa Veranda ay wala ni isang tao.
Naisip ko na lamang na baka nga hindi pa sila dumadating. Pero na doon naman ang kotse ni Ate Shirley sa garahe. At may isang kotse na nakaparada din sa labas ng gate namin. Hindi ko lang yon napansin kung kanino dahil lutang na ang isip ko sa mga sinabi ni Kuya Lester. Napaaga kasi ako ng uwi dahil wala ang isang professor namin sa isang subject, Kaya minabuti ko na lamang ang umowi dahil bigla ako tinamad.
Matutulog na lang muna ako or mag rereview. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng makarinig ako ng pag bukas at sara ng pinto. Napatingin ako sa taas. Tumambad ang mukha ni Torte, na magulo ang buhok. Galing ito sa gawi ng kuwarto ni Ate Serna At Ate Shirley. Mag katabi kasi ang kuwarto nila. Ang kuwarto naman kasi nila Mommy at papa ay, malapit sa kuwarto ko. Na gulat itong Napa tingin sakin.
" A-Amanda!" gulat at utal niyang sabi. Napatingin ako sa sout niyang polo na tabingi ang pag kakabuttones nito at mukang wala sa ayos ang pag kaka tak in nito sa pantalon niya.
" Anong ginagawa mo dito, Torte? " kaswal kong saad. Napapa awang ang bibig nito, napapa tingin pa ito sa pinang galingan. Bakas din sa mata nito ang takot at pag alinlangan.
" Ah, k-kasi—"
" Amanda, . Nandyan na daw ang coordinator ng kasal niyo ni Sir Torte. Kasama ang mommy ni Sir Torte. " pag pa pahayag ni Naynay Ledya na sumungaw ito mula sa kitchen, na ikina putol ng sasabihin ni Torte. Tumingin ulit ako sa gawi ni Torte nakita ko itong napalunok. Muka pang napatayo ng tuwid.
" Sige po NayNay, baba na po ako. " tugon ko kay Naynay Ledya. Na kay Torte pa rin ang tingin ko. Naguguluhan man ako pero sinan tabi ko muna yon, muli ako bumaba at tinungo ang malaking gate at hinanap ang Mommy ni Torte.
" I'm glad na naabutan kita dito iha, By the way ito nga pala si Pauleen ang mag di-design ng kasal niyo ni Torte...tika asan na si Torte, di ba kotse niya yon? Bakit hindi siya lumabas. " lumagpas pa ang tingin nito sa likod ko. Tila ba hinahanap doon ang anak. Nakadungaw kasi ito sa bin tana ng sinasakyan niya.
" Ah, opo madam Tarah. Dumating po si sir Torte, kanina mag ka sunod lang silang dumating ni Sinyorita Shirley. " singit na saad ni Mang Badong. Na security guard namin dito sa bahay. Hindi ko alam parang may pumiga sa puso ko. Sa sinabi ni Mang Badong. Pero niwaksi ko yon dahil baka naman napapraning na ako. Kung ano ano na lang ang pumapasuk sa utak ko. Nagging obsessed na ba ako kay Torte ngayon? Pinilig ko ang ulo ko. Ngumiti ako sa Mommy ni Torte.
" P-palabas na po yon Tita. Hello! Pauleen. Magandang hapon sa'yo. " pilit kong ngumingiti sa kanila at inabot ang kamay ko sa babae na nag ngangalan Pauleen. Inabot naman niya ang kamay ko para makakipag shakehand dito.
" Hello dear, nice to meet you too. Ikaw pala ang magiging asawa ni Torte? " maarte at makahulogan nitong sabi, na pinasadaan pa ako ng tingin mula ulo hanggang balikat. Dahil hindi naman niya nakikita ang kabuoan ko dahil na sa loob siya ng sasakyan ng Mommy ni Torte. Ako naman ay sa labas.
" Yes! Pauleen childhood sweetheart kasi sila ni Torte back then. Isa Torte ask for us na pakakasalan daw niya si Amanda. Ang childhood sweetheart niya. " masayang pamamalita ng Mommy ni Torte kay Pauleen. Bakas sa mukha ng babae na pag disgusting sa akin.
" Si Pauleen pala, Amanda. Ang close friend ni Torte sa estate. " pag pa paliwanag ng Mommy ni Torte na si Tita Tarah. Tumango lang naman ako. Hindi ako nag komento pa dahil. Alam ko naman na hindi interesado sa'kin. May samething yata ito sila ni Torte.
" Oh, Ayan na pala si Torte. Anak kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot ang tawag ko!?" pasaring ni Tita Tarah ang mommy ni Torte.
" Ah.... Kasi naiwan ko sa kotse Mom. Pasensyan kana. " aniya ni Torte. Tumingin ako sa kanya pero umiwas ito.
" Oh siya sa bahay na tayo mag usap. Dala naman ni Pauleen ang mga signed na pag pipili an niyo sa kasal niyo. " nakangiti saad ni Tita Tarah. Mukang siya pa ang excited kay sa akin.
" Hi! Pau..... Mom, hindi naman kailangan ang bunga. Pili lang naman ang invitado di ba. " wika ni Torte. Nakalapit na rin ito sa amin.
" No! Can not be! Marriage comes only once in a person's life. So don't say it's not excellent . You respect Amanda, Torte. " wika ng mommy ni Torte. Narinig kong nag buntong hininga si Torte, sa likod ko. Muka yatang hindi gusto ni Torte ang idea ng Ina. Na pabungahin ang kasal namin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang ako nawalan ng gana. Ang bigay ng pakiramdam ko.
" Ah... Tita Tarah puwede po bang bukas na lang po natin tignan, design ni Pauleen? Bigla po kasi sumama ang pakiramdam ko, eh. " katwiran ko.
" Naku iha. Di Kaya buntis ka na?! " tiling sigaw ng mommy ni Torte na ikinagulat ko. Nanindig tuloy ang balahibo ko sa sinabi niya.
" Ho? "
"mommy?! " sabay naming wika ni Torte.
" H-hindi po Tita. Marami Lang po kasi kaming ginawa sa school, Kaya nga ho siguro sumama ang pakiramdam ko. Kaya nga po maaga ako umowi ngayon. " pag sisinungaling ko. Kahit hindi ko tignan ang mukha ko sa salamin ay alam kong pula g pula na ang pisngi ko, sa sinabi ng mommy ni Torte. Buntis agad? Eh ni halik nga walang namamagitan sa amin ni Torte.
" Are you okey, Amanda? Anong masakit sa'yo. " nag alalang sambit ni Torte.
" Akala ko mag kaka apo na ako... Mabuti pa Torte ipasok mo na sa loob si Amanda para naman makapag pahinga na siya. " Aniya ni Tita Tarah.
" Wag na, kaya ko naman. " tangi ko. Nag pumilit pa sana si Torte pero 'insist' na lang kaya ayon wala ng nagawa ang huli.
Paakyat na sana ako ng hagdan ng maalala ko si Ate Shirley. Hindi ko maintindihan ang sarili. Namalayan ko na lang, nasa tapat na ako ng kuwarto ni Ate Shirley. Na curious Lang ako kung ano ba ang ginagawa Niya ngayon. Or saan ba galing kanina si Torte. Kaninong kwarto siya galing.
Dahan dahan ko pinihit ang doorknob ng kuwarto ni Ate Shirley. Pumikit muna ako at humugot ng buntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang sasalubong sakin. Pag bukas ng pinto ay sinilip ko ang loob, tahimik lang ito at walang ingay na maririnig, tanging tunog ng aircon nito ang maririnig mo sa loob ng kuwarto ni Ate Shirley. Dumako ang paningin ko sa kama ni Ate Shirley, nag kalat ang damit at bra panty nito sa gilid ng kama niya. Hanggang sa tumakas ang paningin ko sa taas ng kama nakita ko si Ate Shirley na nakahubad at nakadapa itong natutulog. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako. May mga boses akong naririnig sa inner head ko. Pero baka naman dala lamang yong ng pag ka insecurities ko kay Ate Shirley. Hindi naman siguro magagawa ni Ate na gagawin ang lalaking papakasalan ko, kapatid naman niya ako. Isasara ko na sana ang pinto ng kuwarto ni Ate ng marinig kong mag salita ito. Doon ako natigilan ng marinig ko ang pangalan ng binangit niya.
" Torte, Honey ko. "