Lysse POV "Mag-iingat kayo," paalala sa amin ni Sebastian. Nandito kasi kami ulit sa deep forest para kumuha ng balahibo ng ibon na akwas ang tawag. Ngayon ko lang nalaman na nay ganun palang uri ng ibon dito. Ayon kay Sally iba-iba ang kulay ng balahibo ng akwas. Bihira lang din daw ito magpakita at mahirap siyang hulihin. Kaya hindi namin alam kung ilang araw pa kami magtatagal dito sa kagubatan. Ligtas naman ang natirang mamamayan ng White Land sa Lasou Tribe doon namin sila dinala. "Sa tingin ko magtatagal pa tayo ng ilang araw dito," sabi ko naman sa kanila. "Talasan lang natin ang ating paningin at pakiramdam. Lalo na ikaw Leanna dahil iyon ang kakayahan mo. Baka mamaya may sumugod nanaman na mga kalaban sa atin," maawtoridad na sabi ni Sebastian. "Kailangan na rin natin magmada

