Chapter 16

267 Words
Selene POV "Sa wakaaaas!" sigaw naming lahat dahil sa wakas ay nakuha na namin ang balahibo ng akwas. Nakalipas na kasi ang tatlong araw saka lang nagpakita ang ibong akwas. Kaso nahirapan pa din kami dahil ang likot ng ibong akwas. Malakas din ang kanyang pakiramdam, mas malakas pa kay Leanna ang pakiramdam ng ibong akwas. Nakakuha kami ng balahibo ng akwas dahil napansin namin na hindi pala masyadong nakakakita ang ibong akwas. Kaya naman kinuha na namin ang pagkakataon na iyon upang maisahan namin ang akwas kaya nakakuha kami ng kanyang balahibo. Ako naman nananatili ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin sa papalubog na araw. Napapatanong ako. Kapangyarihan lang ba ang mahalaga sa mundong ito? Kapag mahina ka wala kang laban sa mas malakas sayo. At meron namang malakas na nga pero hindi pa din makuntento sa kapangyarihan nila. Pati mga inosente nadadamay dahil sa kapangyarihan. "Selene tara na," nakangiting aya sa akin ni Lysse kaya naman napalingon ako. "Tapusin na natin ito para makabalik na agad tayo sa academy. Pagbalik natin ng academy pwede niyo ba ako tulungan para magpalakas?" buong tapang na sabi ko kila Sebastian at Lysse. Noong una ay nagulat sila parehas pero ngumiti din naman sila sa akin. Ngayon ko lang talaga narealize ang mga bagay bagay. Marahil ay umikot lang ang buhay ko sa loob ng academy ng tatlong taon. Sa mundong ito kung gusto mo talagang ipagtanggol ang nakakarami kailangan mo muna maging malakas at matatag para maharap mo nang maayos ang mga problema. Lalo na ang masasamang dark shadow na walang ginawa kundi ang pumatay na lang ng pumatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD