Chapter 14 : Minotaur

1124 Words
Selene POV "Nandito na tayo sa ibaba," rinig naming sabi ni Ginoong Axter kaya naman pinakiramdaman namin ang buong paligid. "Ang bigat ng paligid," sabi ni Wright at tama naman siya dahil nasa pinakailalim na kami ng lupa. "Mabigat nga sa pakiramdam ngunit nakakahinga naman tayo ng maayos," sabi naman ni Enzo at bigla siyang pumikit saka siya nag-focus. Nakita namin na nagpakawala siya ng aura na ang laman ay hangin. Nakaramdam tuloy kami ng panlalamig saglit pagkatapos ay may kaunting pagbabago ang nangyari sa paligid namin. "Magpatuloy na tayo," sabi sa amin ni Sebastian habang patuloy pa rin siyang nagpalalabas ng apoy sa kanyang palad para maging silbi naming liwanag. "Wala po ba talagang sulo dito? Kung patuloy na magpapalabas ng apoy si Sebastian unti-unti rin na mababawasan ang kanyang enerhiya," sabi ko dahil sa aming lahat na nandito ay si Sebastian ang alam kong mas malakas sa amin. "Ayos lang ako hihinaan ko na lang ang pagpapalabas ng apoy sa kamay ko. Kapag kasi hindi ko ginawa ito ay aatake sa atin ang mga paniking kanina pa sumusunod sa atin," napatingin naman kami sa paligid namin dahil sa sinabi ni Sebastian. Hindi man lang namin napansin na mayroon na palang kalaban ang kanina pa nakasunod sa amin. Mga pulang paniki sila kaya ibig sabihin nakakakita lamang sila sa dilim at mas matalas ang pang amoy nila kumpara sa mga karaniwang paniki na makikita sa kagubatan at sa kweba. Ang mga pulang paniki ay hindi ka aatakehin kapag may liwanag dahil hindi ka nila nakikita at nadarama. Sa pagkakaalam ko ay mas matindi ang lason na dala nito kapag nakagat ka niya at mabilis din itong kakalat sa katawan mo hanggang sa mabawian ka ng buhay. Napatingin naman kami sa balahibo ng akwas saka iyon lumiwanag pagkatapos ay nagkaroon ng sariling pwersa ang balahibo ng akwas kaya naman nagawa nitong paangatin sa kinatatayuan niya si Ginoong Axter. Pagkatapos ay kusang gumalaw ng mabilis ang katawan ni Ginoong Axter na para siyang hinihila ng pwersa ng balahibo ng akwas. "Sundan natin!" sabi ni Sebastian kaya naman nagsimula na kaming tumakbo upang mahabol pa namin si Ginoong Axter. Takbo lang kami ng takbo at madami kaming nilikuan. Para bang dinadala kami nito sa tamang daan. Mas maigi na ito dahil hindi na kami mahihirapan pa. Nagawa naman namin na sundan si Ginoong Axter hanggang sa tumigil ito sa napakalaki at napakatangkad na pintong nakasara pa. Ng makumpleto kami ay biglang yumanig ang aming kinatatayuan. Mabilis naman iyong nawala pagkatapos ay unti-unti na bumukas ang pintuan. Napatakip nga kami ng aming mga mata dahil nakakasilaw ang liwanag na nagmumula doon sa loob. Pero bago tuluyang bumukas ang pintuan ay huminto ito sa pagbukas at mayroong nagsalita. "Handa ba kayong ibuwis ang buhay niyo upang makalabas sa house of hell? Walang puwang ang mga mahihinang nilalang sa house of hell dahil ang katumbas nun ay kamatayan!" Wala na kaming inaksayang oras at sabay-sabay kaming sumagot sa kung sino man ang nagsalitang iyon. "Handa kami!" "Kung ganun maligayang pagdating sa house of hell stage 1. Pumasok na kayo!" Sabay-sabay kaming pumasok at ang nakakasilaw na liwanag ay unti-unti nawawala at napalitan iyon ng isang nakakabinging sigaw na tila ba ay may isang napakalaking nilalang ang muling nabuhay sa pagtapak namin sa lugar na ito. "Mas malaki pa iyan sa mga golem!" nakatingala na sabi ni Leanna. Pati ako ay napatingala. Isa iyang minotaur. Kalahating tao at kalahating toro at may malaki rin siyang sungay. Ang ginagamit niyang sandata ay ang tinatawag na axe. Hindi ito isang ordinaryong axe lamang dahil ang mga minotaur ang naghuhulma nito depende sa gaano katibay, kalaki at kalakas ang gustuhin nila karamihan sa mga ginagawa nila ay ang double sided axe o sa mas kilalang tawag na Labrys. Sa isang hampas lang nito sa'yo ay maaari mong ikamatay o ikahati ng iyong katawan. "Ibig sabihin kailangan natin talunin ang minotaur na ito upang makalabas tayo ng buhay?" tanong ni Lysse kaya naman napatango ako sa kanya. "Ganun na nga. At sa pagkakatanda ko ito pa lang ang stage 1. Ibig sabihin kapag natalo natin ang minotaur na iyan may iba pa tayong stage na kailangan lampasan. Ang hindi natin alam ay kung ilang stage ang kailangan nating maipanalo upang makalabas tayo ng buhay. Tama ba Ginoong Axter?" mahabang sabi ko saka ako seryosong napatingin sa kanya. Sabihin na natin na malakas siyang mandirigma. Ngunit may katandaan na ang kanyang katawan. Hindi namin alam kung kaya pa niya na makisabay sa lakas ng minotaur na ito. Kaya bakit ang napakakalmado naman niya? O talagang mataas lang ang kumpansya niya sa kanyang sarili? Hindi ko talaga mabasa ang isang ito. "Ha? Ah oo tama ka Selene," nakangiting sagot niya. Sa tuwing binanggit niya ang pangalan ko ay para bang sanay na sanay na siya na tawagin ang pangalan ko maging sa pagtitig niya. Para bang matagal na niya ako kilala. Napatalon naman kami bigla dahil habang nag-uusap pala kami ay biglang sinuntok ng minotaur ang kinatatayuan niya at gumapang sa may pwesto namin ang impact nun. Nakita ko kung gaano kalaki ang naging pinsala nun. Habang nasa ere kami ay napansin ko na wala pa siyang hawak na kahit na anong sandata. Balak ba niya na labanan kami sa sarili niyang mga kamao? Napakunot ang noo ko dahil kahit na may mga usok ay nakikita ko na may tatlong may mga sungay din ang nagtatago doon pero nakikita ko na gumagalaw din sila. Kelan pa sila nandoon? Nanlaki ang mata ko dahil biglang sumugod si Enzo sa malaking minotaur. "Enzo wag!" halos sabay na sigaw namin ni Leanna ng makalapag na kami sa lupa. Pero huli na hindi na makakaiwas si Enzo bigla na lang sumulpot na tatlong maliit na minotaur sa harap at dalawang gilid niya at sabay siya ng mga ito na hinampas ng kanilang labrys. Dahil hindi inaasahan ni Enzo ang pag-atake ng tatlong maliit na minotaur na iyon ay hindi siya nakaiwas at hindi niya rin nagawa na sanggain ang kanilang mga atake kaya naman mula sa ere at mabilis na bumulusok paibaba si Enzo. Nakita namin na nakabulagta na ngayon si Enzo sa lupa habang nagdurugo ang kanyang noo. Napakuyom ako ng aking kamao. Kung magiging padalos-dalos ang kilos namin wala kaming pag-asa na manalo dito. At pala-isipan pa sa akin ang kahina-hinalang kilos ni Ginoong Axter. Sana nga lang ay wala na mapahamak sa amin sa mga oras na ito dahil hindi naman namin alam kung ano pa ang mga kailangan namin na pagdaanan para makalabas ng buhay dito. Isa pa kailangan na din namin magmadali dahil oras ang kalaban namin para mailigtas si Prinsesa Charity Luna at ang prinsipe ng Tierra Kingdom. "Kailangan natin bumuo ng plano." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD