“Malapit na kami. I’ll call you again. Stand by na kayo,” saad ni Sarah sa kabilang linya pagkatapos ay ibinaba na ang telepono.
“Kanina ka pa?” bulalas niya na napitlag pa nang makitang nakasilip si Katlyn sa likod mg comfort room.
Nag-stop over lang sila dahil gustong mag-toilet ni Sarah. Nagrereklamo pa ito kanina kung balak bang pabayaan siya ng kuya niya na mamilipit at maihi na lang sa kotse. Eksaktong malapit na sila sa stop over kaya naman tiniis na niya. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya sa sobrang gulat kay Katlyn.
“Hindi naman. Kararating ko lang. Kanina ka pa kasi hinihintay ng kuya mo. Bakit? May problem ba?” sagot naman ni Katlyn na natunghay sa dalagang parang nakakita ng multo.
“A, wala naman. Let’s go, Ate. Baka gabihin na tayo,” yaya niya kay Katlyn at hinawakan pa ito sa braso at sabay na tinungo ang parking kung saan naroon ang sasakyan. Nasa loob lang sina Miko at Aldred na abala sa pagpa-plano ng pakulo nila para kay Katlyn.
“There you are,” kunwaring inip na sabi ni Aldred. Sa totoo ay gusto lang talaga nitong magtagal ito kasama ni Sarah.
Mahilig mag-surprise si Aldred sa dalaga. Simple lang din naman si Katlyn kaya kahit na anong surprise pa ang gawin ni Aldred ay talaga namang nasusurpresa pa rin siya. Naalala pa niya noong nagpropose ang binata sa kaniya. Hindi niya akalain na aakyatin nito ang puno na pagkataas-taas para lang magsabit ng tarpaulin sa proposal nito.
“Anong ginagawa mo riyan?” tanong ni Kat. Kauuwi lang niya ng bahay galing sa opisina. Nagsabi si Aldred na hindi siya susunduin nito. Naabutan na lang siya nitong nasa taas ng puno. Puwede naman niyang ipagawa sa iba pero iba talaga mag-effort ang binata. Hangga’t kaya niyang gawin ay siya na ang gagawa.
“Hintayin mo ‘ko riyan sa baba, Mahal,” sabi pa ng binata sa kaniya. Naiiling na lang siyang tiningnan nang may pag-aalala ang binata. Sa taas ng puno na iyon ay tiyak na bali ang buto nito sakaling magkamali ito at mahulog.
“Mag-ingat ka, Mahal.” Kumindat naman ito at nag-flying kiss pa sa kaniya habang alalay lang ito sa pagbaba.
Sa tapat ng bahay nina Katlyn ito nag-set-up ng surprise. May malaking puno roon sa hardin at napalilibutan ng bulaklak ang fish pond na gawa naman ng lolo ng dalaga. Pamana na ang bahay na iyon sa kaniyang ng lola nito nang yumao sa halip na sa magulang nito. Giliw na giliw kasi ang matanda sa dalaga. Wala namang naging pagtutol ang magulang niya sa bagay na iyon.
“Kinabahan ako sa’yo. Matanda na ang punong iyan. Baka mamaya ay bumigay na sa’yo ‘yan.” Humalakhak lamang si Aldred sa dalaga.
“O, may nakatatawa ba ro’n?” usisa ni Katlyn.
“Kahit bumigay pa siya. Hinding-hindi ko siya papatulan. Ikaw kaya ang mahal ko,” nakatawang sabi nito mula sa seryosong mukha.
“Puro ka kalokohan.” Manipis na kurot sa tagiliran ang tinamo niya sa dalaga.
“Aray naman,” reklamo ni Aldred pero tumawa rin naman kaagad.
“Ano ba kasing ginagawa mo sa itaas?” tukoy na sabi nito sa itaas ng puno. Sa halip na sumagot ay hinawakan ang magkabilang nalikat niya at marahang hinagkan ang labi ng dalaga. Saglit naman na naestatuwa si Katlyn pagkatapos ay natauhan din nang humiwalay ang labi ni Aldred sa labi niya.
“Ano na namang pakulo mo? Bakit ang sweet o ngayon? May kasalanan ka ba sa’kin?” sabay kagat ang pang-ibabang labi na sabi nito. Hindi naman ganoon si Aldred ngunit lagi niya itong binibiro nang ganoon kapag naglalambing ito.
“Ako? Ang goodboy ko kaya,” nangising sabi nito. Nae-excite na kasi siya sa surprise niya.
“Halika nga, Mahal ko,” saad niya rito at ipinagdaop ang palad nila saka naglakad nang kaunti paharap sa fond na may fountain sa gitna. Nang makapuwesto ay pumalakpak si Aldred at nagliwanag ang paligid. Doon lamang napansin ni Katlyn na may mga nakasabit pa lang makukulay na ilaw sa itaas.
“Wow! Iyan ba ang pinaghirapan mo kaya umakyat ka ng puno?” Tumango naman si Aldred na may pagpapa-cute na may kasamang paawa rito.
“Halika nga rito. Kiss natin iyang kamay mong napakasipag.” Inilapit naman ng binata ang kamay niya.
“Kakakilig ka naman, Mahal ko,” saad pa ni Katlyn matapos idampi ang labi sa kamay nito.
“Of course. Gusto ko, lagi kang kinikilig sa akin,” pagmamayabang pa ng binata. Totoo naman. Sa simula pa lang ng relasyon nila hanggang sa ilang taon nilang pagiging magnobyo at nobya ay wala nang ginawa si Aldred kung hindi ay magpakilig.
“Relax ka lang.” Kinuha ng binata ang upuang inihanda niya kanina at pinaupo roon ang dalaga. Pagkaupo nito ay biglang namatay ang ilaw.
“Mahal, madilim.” Tinangkang kapain ni Katlyn ang binata ngunit wala na ito sa tabi niya. Panandalian siyang nabulag sa ilang segundong dilim na iyon. Bago pa man siya tumayo ay nagkailaw na ulit. At sa ilalim ng puno ay nakatayo roon ang binata.
“Ano’ng ginagawa mo riyan, Mahal?” tanong ni Katlyn.
Ngumiti lang si Aldred at hinila ang tali na nakasabit sa may puno. Kasabay ng pagbagsak ng tarpaulin ay ang pag-ulan ng white rose petals sa ulo ng nakaupong dalaga na kagagawan ni Miko at Sarah. Katuwang ang mga ito ni Aldred. Napatingala ang dalaga sa kung saan nanggagaling ang mga petals.
At nakita nito na ang salari ay sina Miko at Sarah. Pagharap muli ni Katlyn ay nasa harap na niya si Aldred na nakatayo. May hawak na itim na maliit na kahon. Alam na niya ang ibig sabihin dahil nakasulat iyon sa tarpaulin ngunit nais niyang marinig ito mula sa binata.
“I’ve been preparing this surprise since day 1. Nang ligawan kita at maging tayo, ang pakasalan ka ang priority ko. And I can’t wait for this moment to say this—,” Pinutol ng binata ang sariling sasabihin habang nakatunghay sa nakaupong dalaga.
“Will you marry me, Mahal? Please marry me, Katlyn Alonzo?” Napakagat sa ibang labi ang dalaga sa labis na kasiyahan. Ganoon din siya rito. Tutol man nang kapatid ni Katlyn sa kanila ni Aldred ay iyon na ang pangarap niya. Ang makasama habang buhay si Aldred; ang maikasal dito. Tumango ito sa binata at saka sumagot.
“Yes, Mahal. I will marry you,” matamis na ngiting sagot ng dalaga. At isinuot ng binata ang singsing sa daliri niya. Isang mahigpit na yakap at matamis na halik ang iginawad niya rito.
At ngayon nga ay may pakiramdam siyang sinadyang pasundan ni Aldred si Sarah sa kaniya para makapagplano ito. Pero ayaw niyang pangunahan ito at gusto rin naman niyang masurpresa kahit na may ideya na siya. Isang malambing na ngiti ang ibinato niya kay Aldred.
Pasimpleng umirap naman si Sarah sa dalaga na wala namang nakapansin. Sumakay na itong muli sa kotse at bumiyahe na sila. Katulad kanina ay sa harap pa rin ang dalawang lalaki at sa likod nila ang dalawang babae. Plano rin ni Miko na magtapat muli kay Sarah. Panalangin lamang niya ay tanggapin na nito ang panliligaw niya.
Nang makarating sa destinasyo nila ay agad na nag-ayos ng gamit ang mga ito at sinimulan na ang ang paghahanda para sa pag-akyat. May ilaw naman sa daraanan nila paakyat ngunit sa itaas ay wala na. Pero hindi pa sila tutuloy ngayong gabi. Kinabukasan pa. Sa kubo muna sila mananatili hanggang mag-umaga.