“WE ARE gathered here today...” Nakaharap na kami sa altar. Sinimulan na ng pari ang seremonya. Hindi ko binitiwan ang kamay ng aking bride. Nanlalamig ang aking kamay. Hindi ako kinakabahan o natatakot. Nasisiguro ko na hindi niya ako tatakbuhan. Hindi ko lang mapayapa ang aking damdamin. Adrenaline rush. Hanggang bukas ay hindi pa marahil iyon huhupa. Samantala, ganoon din ang nadarama ng aking bride. Ramdam ko ang tensiyon sa kanyang katawan. Humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking kaming kamay. Nag-rehearse na kami kaya kabisado na namin ang aming mga gagawin sa seremonya. Sa wakas ay dumating din kami sa puntong pinakahihintay ko. Exchange of vows. Nagharap kaming dalawa. Nginitian ko siya. Hindi ko man nakikita sa kasalukuyan ang aking mukha, alam kong puno ng pag-ibig ang aki

