Khylle's Pov: "Hija, may lakad ka ba ngayon?" Mula sa pagkakasubsob sa lamesa ay nag-angat ako ng mukha at walang siglang tiningnan si Tito Colorado. "Wala naman po akong lakad ngayon," walang kabuhay-buhay na sabi ko. "Umuwi lang po talaga ako para naman kahit paano ay mahigaan ko ang kama ko dito sa bahay natin." Ilang araw na din ang nagdaan mula nang harapin namin ang kasong may kinalaman sa boxing gloves na natanggap namin ngunit hanggang ngayon ay wala pa din kaming nakikita. Iniisa-isa pa namin ang mga cold cases na naka-assign sa team nina Detective Joseff at hindi iyon madali. Para kaming naghahanap ng isang bagay na hindi namin alam kung ano. Ginagamit na din ni Detective Joseff ang connection n'ya para makipag-ugnayan sa ibang detective na nasa ibang presinto. Kaya madala

