SIRIUS “Seriously, Kuya?” Bulalas sa kanya ni Astra habang hinihintay nilang maayos ng mga electrician ang pumutok na breaker sa isang office room. “Bakit na naman ba?” Iritadong tugon niya. Salubong ang kanyang mga kilay habang hindi makapaniwala sa tinatapong galit ngayon sa kanya ni Astra. Hindi siya sinagot nito bagkos inirapan nalang siya! Mabilis na naglakad si Astra palabas ng electrical room. Sumunod naman siya dahil nagtataka siya kung bakit nagmamadali ito at kung bakit yamot na naman ito sa kanya. “Bakit ka ba bigla-bigla na namang nagagalit at nagmamadali pang umalis?” Habol niya sa kapatid. Hinarap siya nito at masakit na tinignan. “Ni-lock mo sa opisina ko si Lexie, don't you know that? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa'yo na may tao pa doon?” Mariing sumbat nito sa

