Chapter 29 "s**t! Sumagot ka! Tang ina!" Napahampas ako sa manibela ng hindi pa rin sinasagot ni Raine ang tawag 'ko. Mag aalas dose na ng madaling araw at hindi pa.rin soya umuuwi. Sabi niya sandali lang siya at sasamahan niya lang si Godwill pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi. Mababaliw na ako kakaisip sa kung anong nangyayari, sa kung anong ginagawa niya o kung sino ang kasama niya. Hindi 'ko mapigilan ang mag isip ng hindi maganda. Sinubukan 'kong kalmahin iyong sarili 'ko kaya naisipan 'ko ng i-track iyong location niya at kumunot na lang ng noo 'ko ng mapansing pamilyar na address ang lumitaw. Hayop! Si Godwill ba talaga ang kasama niya o si Lee? Bakit address ni Lee ang lumalabas? Mas lalong nag iinit at nag ngangalit sa galit iyong puso 'ko ng ma isip na magkasama

