Chapter 11 "Sa tingin mo kasya kaya ito sa kambal?" Napatingin pa si Troy sa hawak 'kong damit at naiiling ako nitong tinignan. "Malaking bata iyong anak ni Summer at Night. Mas malaking size na lang ang kuhanin mo." Tumango naman ako sa kaniya at inabot iyon sa sales lady. Dadalaw kasi ako sa bahay nila Night at Summer ngayon dahil hindi naman kami nakapag usap ng maayos ni Night noong magkita kami sa bahay ni Troy. Panay kasi ang pa-epal at kontra ni Troy at natadtad din ako ng tanong sa iba pa nilang mga kaibigan. Daig 'ko pa ang naka-hot seat sa kanila noong araw na 'yun. Puro naman kay Troy ang tanong nila sa akin. Ito namang si Troy, ayaw akong payagan na pumunta sa bahay nila ni Night ng mag isa. Aba daig 'ko pa may security guard oras oras dahil sa pag bantay niya. Sinubukan

