Chapter 18 "Masyado yata ang galit mo sa mga target." Natigilan ako sa pag papaputok ng baril ng marinig ang pamilyar na boses. Nakangiti itong lumapit sa akin at dinampot iyong baril sa lamesa. "H-Hindi naman. Anong ginagawa mo rito?" Sinipat pa nito iyong target board bago ilniya iyon pinaputukan at sapul iyon sa ulo. "Hmmm.. Nakalimutan mo yata na parents 'ko may ari nito." Nakangiti ako ulit nitong binalingan kaya hindi 'ko napigilan ang mapangiti. Nakakagaan sa loob at pakiramdam iyong mga ngiti niya. "I know pero diba may graduation practice kayo?" "Pumupunta lang ako for compliance at attendance. Mas gusto 'ko mag firing. Ikaw? H-Hindi mo ba kasama si kuya Troy?" Inilibot pa ni Godwill ang mata sa buong aligid na tila hinahanap ang anino ni Troy pero na iling lang ako sa ka

