Habang tahimik na nagbabasa ng mga dokumento ay bigla nalang bumukas ang pinto ng opisina ni Graham. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakakalokong ngiti ng isang kaibigan ang bumungad sa kaniya.
"Damn you pare. Nagpakasal ka na pala, hindi mo man lang ako inimbitahan ha," ani Raven. Pagkatapos nitong hampasin sa balikat si Graham ay naupo ito sa upuang nakaharap sa mesa nito.
"Imbitahin? Eh gag* ka pala eh. Wala ka namang permanenteng address, kaya saan kita padadalhan aber?"
"Hoy! Hindi ako nagpunta dito para maging topic no. Tell me about your wedding? Kamusta na si Bebeca?" Ka-kamot kamot ng ulong sagot nito.
Nang marinig ni Graham ang pangalan na iyon ay biglang nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi niya. Napansin naman agad iyon ni Raven na naging dahilan ng pangungunot ng noo nito.
"Ah, meron ba akong hindi nabalitaan?" curious na tanong ng kaibigan. Biglang sumeryoso ang mukha nito. Bahagya itong lumapit sa pwesto ni Graham at parang batang naghihintay marinig ang isang bed time story.
Si Graham naman ay itinabi muna ang mga papeles na nasa lamesa niya at minasahe ang kaniyang sentido. "I married someone else."
"YOU WHAT? WHY?" gulat na gulat na tanong ni Raven.
"It's a long story man."
"Damn pare! Kahit gaano pa 'yan kahaba, I'm willing to listen. Tell me, ano ang nangyari at bakit ibang babae ang pinakasalan mo ha?"
Bumuga muna ng hangin si Graham. Tinigilan na niya ang pagmamasahe sa kaniyang sentido at ipinatong nalang niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.
He told everything to Raven, every detail of his story. Lahat wala siyang pinalampas. Ultimo iyong bed scene nila ni Allana na hindi niya naman matandaan.
"Come on. Malay mo naman totoo 'yong sinasabi ng asawa mo? Na ikaw talaga ang ama ng baby niya."
Natawa lang siya sa sinabi nito. Sigurado siyang nagsisinungaling si Allana tungkol doon dahil natatandaan niya na si Bebeca ang katabi niya sa kama ng magising siya kinabukasan.
"Naaaa that's impossible. Hindi talaga ako ang ama ng anak niya," matigas niyang paninindigan.
Napupuno na naman ng tensyon ang utak niya kaya tumayo siya at kumuha ng baso sa mesang nasa sulok ng kwarto at nagsalin ng whisky.
"So what are you planning to do, about your wife? Wait. what's her name again?"
Bago sagutin ang tanong ni Raven ay hinigop niya muna ang isinalin niyang alak. "Allana."
"Allana?"
"Yeah."
"What a coincidence. May nakilala kasi akong babae kahapon eh. That's exactly her name is. Allana."
"Don't tell me, itong nakilala mo ay nagpa-check up sa OB?"
Halos lumawa ang mata ni Raven dahil sa narinig. Agad itong tumayo at lumakad palapit kay Graham. "Damn Graham, is she your wife?"
"I think so."
"Tsk. Gag* ka pare! Hindi mo man lang sinamahan ang asawa mo na magpa-check up."
Binigyan niya ng masamang tingin si Raven. "Maka-gag* ka naman. Ano parang hindi ka nakikinig sa kwento ko ah."
"Siraulo, eh kasi naman buntis iyong asawa mo tapos hindi mo man lang sinamahan. Alam mo bang takot siya sa karayom ha?"
"Paano mo nalaman?"
"Wala naman. I just became her husband for a day. Tadaaa." natatawang sabi nito.
Naiiling na muling nagsalin ng whisky sa baso si Graham.
TSK! At may gana pang humanap ng proxy ang babaeng 'yon. WOW! Ano bang gusto niyang palabasin? Na walang kwenta ang asawa niya kaya siya mag-isa ng araw na iyon?
"So nakipag landian pala sa'yo ang babaeng iyon kahapon."
Kumuha rin si Raven ng basong nakataob sa ibabaw ng mesang nasa harap nilang dalawa at inagaw ang hawak na whisky ni Graham.
"Landian is a very strong word man. She just requested my apperance. That's all," he said while pouring whisky on his glass.
"Tsk! At bakit parang pinagtatanggol mo pa ang babaeng iyon? Damn pare, she ruined my life."
Bumuntong hininga naman si Raven. Uminom muna siya ng whisky bago nagsalita. "So anong balak mong gawin? Sasaktan mo siya? Bubugbugin? Come on man. That's not the right way to treat a woman. Kung ayaw mo pala talaga sa kaniya, oh edi makipaghiwalay ka na. File an annulment. Makipag hiwalay ka nalang, kesa kung anu-ano pa ang pinagpa-planuhan mo diyan."
"At sa tingin mo ba papayag siya ha? Alam mo ba ang ginawa ng daddy niya para lang matuloy ang kasal na iyon? Siguradong hindi niya tatanggapin ang annulment na sinasabi mo."
"Hindi mo pa naman sinusubukan ah."
"So iniisip mo talagang papayag siya. Eh kahapon mo nga lang siya nakilala. You don't know anything about her. You don't know her."
"Well I know that she's afraid of needle," natatawang sagot ni Raven.
"Ulol. At ipagyayabang mo talaga 'yang konting nalalaman mo."
"Haha. Come on. Subukan mo parin. If hindi siya pumayag sa annulment. I have a plan. Just call me. Ok." tatango-tangong sagot naman ni Raven.
Loko. Nakikisawsaw pa sa problema ko.
-----***-----
Pakanta-kanta pa si Allana habang nagluluto ng dinner. Simula ng marinig niya ang heartbeat ng baby nila ni Graham ay parang bumalik ang lahat ng nawalang energy sa katawan niya.
"Hmmmm hmmm hmmm-" Napatigil nalang siya sa pag ha-hum ng may folder na inihampas si Graham sa mesang nasa harap niya. Hindi niya man lang naramdaman ang paglapit nito. Marahil ay dala iyon ng pagdiriwang niya.
"Ano 'to?" tanong ni Allana. Dinampot niya ang folder at binuklat. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mabasa ang nakasulat doon. Malungkot siyang tumingin kay Graham.
"Annulment paper. Pirma mo nalang ang kulang para matapos na ang kalokohan na 'to," galit nitong sabi while crossing his arms.
Parang gustong umiyak ni Allana. Hindi siya makapaniwala na ganoon kadaling gumawa ng desisyon ni Graham. Dalawang linggo palang silang mag-asawa. Hindi pa sapat iyon para maipakita niya ang pagmamahal niya dito.
"A-annulment? Gusto mo ng makipaghiwalay? Pero wala pa nga tayong..."
"Bwesit! Hindi ko alam kung paano ka nakakatagal sa ganitong set up Allana. But me? I'm tired. Kaya pirmahan mo na 'yan at maghiwalay na tayo. Actually kasalanan ko rin naman ito e. Maling-mali talaga na pumayag pa ako sa kasal," frustrate na sabi ni Graham.
"Pero Graham. Ayaw mo man lang bang subukan. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon o." Lalapitan sana siya ni Allana pero bigla siyang umatras.
"Pagkakataon? You don't deserve it!" anito. Lumakad na ito palabas ng kusina. Dali-dali naman itong hinabol ni Allana.
"Graham..." sigaw niya. Sa kamamadali niya ay aksidente siyang natapilok. Nawala siya sa balanse at napaupo. Mabuti nalang at hindi malakas ang pagkakatumba niya.
Tiningnan niya si Graham. Napalingon naman ito ng marinig ang nangyari sa kaniya. Pero saglit lang iyon dahil agad din itong nagpatuloy sa paglalakad.
Bigla niyang naalala ang nangyari sa coffee shop ng magsabi siya dito tungkol sa ipinagbubuntis niya. Ganoon na ganoon kasi ang reaksyon nito ngayon. Parang wala talaga itong pakialam sa kaniya.
Nang hindi na matanaw ni Allana si Graham ay tsaka niya sinubukang tumayo. Malungkot siyang bumalik sa kusina. Dahil bahagyang masakit ang paa niya ay ika ika siyang naglakad. Binalikan niya ang folder na may lamang annulment paper. Dinampot niya iyon at muling binasa. Sa babang bahagi nito ay nakita niya ang pirma ni Graham. Blangko naman ang isang linya kung saan nakasulat ang pangalan niya. Pirma nalang niya ang kulang at matatapos na ang lahat sa kanila. Hindi niya iyon kaya. Para sa kaniya ay masyado pang maaga para gawin iyon. Kailangan pa niya ng mas mahabang oras.
Hinding-hindi kita susukuan Graham. Alam ko, hindi mo rin ako matitiis. Nararamadaman ko, kahit papaano ay may pagpapahalaga ka parin sa akin. Dahil kahit gaano ka kagalit ay hindi mo ako pinagbubuhatan ng kamay. You still respect me. You still care. Sandaling panahon nalang siguro. Matatanggap mo rin ako.