Four days had passed. After one happy long day with their moms ay muling naging tahimik ang kanilang bahay. "Malapit na ako sissy." Napangiti si Allana ng mabasa ang text ng kaibigan niya. Sa totoo lang nawala na sa isip niya ang pag-aaya ng kaibigan. Kung hindi pa ito nag text sa kaniya ay hindi niya maaalala ang baby's shower na sinasabi nito. Sobrang dami kasing gumugulo sa isip niya e. Isa na doon si Graham. Pagkatapos kasi silang bisitahin ng kanilang mga ina ay palagi na itong umuuwi ng lasing. Palagi siyang binubulyawan. Sinasabihan ng mga masasakit na salita. At minsan ay nahahampas pa. She's starting to feel the hell he's talking about. Wala lang siyang lakas ng loob na umahon sa apoy na nilalanguyan niya. Ayaw niya dahil umaasa parin siya na iikot na ang roleta ng kapalaran n

