"Where the hell are you Allana?" Hinihingal na tumakbo palabas ng mansion si Graham. Yes, hindi siya umalis para puntahan si Bebeca. He chooses to stay like what the Quinn Coin decides for him. Kahit papaano ay nakapag isip-isip rin siya sa mga sinabi ng mga kapatid niya. Lately ay palagi niya ngang sinusunod ang gusto. Kapag gumagawa siya ng desisyon ay hindi na niya pinahahalagahan ang mga taong nasa paligid niya. Palagi nalang sarili niya ang iniisip niya at ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya ay nasasaktan siya at iyon ang iniintindi niya. Iyong attitude niyang iyon ang gumawa ng butas sa pagkatao niya. Hindi siya makaramdam ng kasiyahan ngayon dahil galit ang iniisip niya. Ngayon ay pinili niyang isantabi muna ang galit na iyon. For once ay susubukan naman niyang intindihan

