Kabanata 8: Bahay

1099 Words
Limang araw ang mabilis na lumipas. Limang araw na walang espesyal na nangyayari. Walang Graham na umuwi sa cottage na dapat sana ay magiging couple nest ng bagong mag-asawa. "This is the best honeymoon ever." mapait na bulong ni Allana sa sarili. Muli siyang yumuko para pagmasdan ang mga isdang lumalangoy sa paanan niya. Naroon siya ngayon sa likod ng tinutuluyan nila ni Graham. Doon sa likod kung saan mayroong hagdan na nakadiretso sa dagat. Nakalublob ang paa niya sa tubig dagat habang nagmumuni-muni. Nangako siyang magpapakatatag para sa baby niya. Ayaw niyang lumaki ito na walang buong pamilya kaya kahit ano pa ang ibato sa kaniya ni Graham ay nakahanda na siyang tanggapin iyon. Ilang araw na siyang naghahanda para doon. Limang araw na. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya. Kakayanin niya ang lahat para sa baby niya. Basta gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para muling makuha ang loob ni Graham. Kahit ano ay titiisin niya, dahil naniniwala siya na balang-araw ay matatanggap rin silang mag-ina nito. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat pero sa huli, magiging worth it naman iyon. "Iligpit mo na ang mga gamit mo. Uuwi na tayo." Halos mapatalon si Allana ng marinig ang boses ng lalaking iniisip niya. Nakatayo na ito sa likuran niya. Dahil sa pag-iisip niya ng malalim ay hindi niya namalayan ang paglapit nito. Dali-dali siyang tumayo para harapin ito. Binigyan niya ito ng napakatamis na ngiti. Limang araw niya rin itong hindi nakita kaya kahit papaano ay na miss niya ito. "Kumain ka na ba?" tanong ni Allana. Pinasadahan niya ng tingin si Graham. Doon niya lang napansin na nanlalalim ang mga mata nito. Parang hindi ito nakakatulog ng maayos. Bahagya naring dumami ang bigote nito. Parang stress na stress ito. Parang hindi rin ito kumakain ng maayos. Ilang araw lang, pero parang marami na ang nagbago sa pisikal na anyo ni Graham. Amoy alak pa ito. Bigla tuloy nakaramdam ng pag-aalala si Allana. "Ayos ka lang ba Graham?" Hahawakan sana ni Allana ang noo nito para alamin kung may sakit ba ito pero pinigilan naman agad siya ni Graham. Sinalubong nito ang kamay niya at hinawakan siya sa braso. "Kung hindi ka sasabay, mag-isa akong uuwi," ani Graham. Ibinato niya ang kamay ni Allana at nagmamadaling pumasok sa kubo nila. Dumiretso siya sa kwarto na pinag-iwanan niya ng maleta niya na hindi naman niya nagalaw ang laman. Samantala si Allana naman at tarantang sumunod sa kaniya. Nagmamadali nitong iniligpit ang mga gamit at isinilid sa kaniya ring maleta. Hindi na niya sinuyod pa ang buong kubo. Basta kung ano na lang ang makita niya ay iyon na lang ang dinampot niya. Nang mailagay na niya sa maleta ang mga gamit niya ay nagmamadali na siyang lumabas. Dahil nauna na si Graham na lumabas ay binilisan narin niya dahil natatakot siyang maiwanan. Mabuti nalang at hinintay naman siya nito sa may pintuan. Nang makita siya ni Graham ay sinimulan na nito ang paglalakad sa mahabang tulay. Sinabayan naman siya ni Allana. "Ang ganda dito no?" pagbubukas ng usapan ni Allana. Nakangiti niyang inilibot ang tingin sa lugar. Nanatili lang na tahimik si Graham. Diretso itong nakatingin sa dinadaanan nila. Wala man lang kangiti-ngiti sa mukha nito. "Alam mo, balang araw gusto kong bumalik dito," pagpapatuloy ni Allana. Hindi niya parin inaalis ang nakapaskil na ngiti sa labi niya. Nilingon niya at tinitigan ang katabi niyang asawa. Totoong gusto niya iyong gawin. Gusto niyang bumalik sa islang iyon ng kasama si Graham. Umaasa siya na sana sa pagkakataong iyon ay magkasama naman nilang libutin ang isla. Gusto niyang makasabay itong muli sa paglalakad sa tulay na iyon habang masayang nakikipag kwentuhan sa kaniya. Hindi katulad ngayon na para siyang walang kasama dahil sa sobrang tahimik nito. "Bumalik tayo dito ha," masiglang wika pa ni Allana. Bigla namang tumigil sa paglalakad niya si Graham. Tiningnan siya nito ng masama. Nang muling humarap si Graham sa nilalakaran nila ay naging mabilis na ang paglalakad nito. Sa laki ng hakbang na ginagawa nito ay napilitan ng tumakbo si Allana para makasabay parin dito. Mabuti na nga lang at hindi ito tumakbo, dahil kung ganoon ay siguradong maiiwanan siya. -----***----- Sa isang pribadong subdibisyon sa Quezon City siya dinala ni Graham. Ipinakilala siya nito sa mga guwardiya bilang kaniyang asawa, kaya naman ang saya-saya ni Allana. Kahit hindi siya nagsasalita ay hanggang tenga naman ang ngiti niya na tila ikinaiirita ni Graham kaya paminsan ay sinasamaan siya ng tingin nito. Pero dedma lang siya. Hindi niya naman kasi mapigilan ang sarili na magdiwang e. Nang itigil ni Graham ang sasakyan ay nagtapon ito ng malungkot na tingin sa bahay na hinintuan nila. Pinagmasdan din iyon ni Allana. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang mukha ni Graham kahit maayos naman ang bahay. Puro kanto ang bahay na iyon. Mayroong malaking salamin na bintana sa pinakaharap. Kulay cream ang nakasabit na kurtina sa bintanang iyon. Bagay na bagay sa kulay ng bahay na pinaghalong itim at gray. Habang pinagmamasdan ni Allana ang bahay ay biglang bumukas ang garahe nito. Ipinasok doon ni Graham ang sasakyan. Nang maiayos na niya ang lahat ay bumaba na siya ng kotse. Agad namang sumunod sa kaniya si Allana. Excited pa ito dahil first time niyang makikita ang magiging bahay nila. Ang lugar kung saan sila bubuo ng pamilya. May maliit na gate mula sa garahe papunta sa garden at entrance ng bahay. Nakasunod lang si Allana sa ginagawa ni Graham. Hanggang sa buksan na nito ang front door. Namamanghang iginala ni Allana ang tingin niya sa loob ng bahay. May nakakabit na chandelier sa pinaka gitna ng ceiling. Katapat na katapat ng front door ang hagdanan na paakyat sa second floor. Mayroon pang maliit na balkonahe sa taas. Tila nakahanda na iyon para sa anumang pagtitipon. Hindi alam ni Allana na may ganoong bahay pala si Graham. Ang akala niya kasi ay condo lang ang pag-aari nito. Hindi parin naman kasi siya nadadala doon nito kaya hindi niya alam kung kailan pa nito naging pag-aari ang bahay na iyon. "Ang ganda naman dito. Dito ba talaga tayo titira?" namamanghang sambit ni Allana. "Gumawa ka ng sandwich," imbes na sagot ay isang utos ang narinig niya mula kay Graham. Tatanungin pa sana niya ito kung nasaan ang kusina pero tuloy-tuloy na itong umakyat sa hagdan. Hindi nga nito inalaman kung narinig ba niya ng maayos ang sinabi nito. Basta nalang itong umalis at tinalikuran siya. Napakamot nalang tuloy siya ng ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD