Kabanata 11: Old Graham

982 Words
Dahil sa kaiiyak ay hindi namalayan ni Allana na nakaidlip na pala siya. Nagising lang siya ng maramdaman ang napakalamig na tubig na dumampi sa balat niya. Nabilaukan pa siya ng may kaunting tubig na pumasok sa bibig niya. Umuubo tuloy siyang napaupo sa kama. Halos manginig ang katawan niya dahil sa pagkabasa. Nang mag-angat siya ng tingin ay tumambad sa kaniya ang galit na mukha ni Graham. May hawak itong timba, na siguradong pinaglagyan nito ng tubig na itinapon sa kaniya. "Ano? Masarap ba ha? Ito ang gusto mo hindi ba? Kaya mo ako pinilit na makasal sa'yo dahil gusto mong maging impyerno ang buhay mo hindi ba? Hala. Tumayo ka na diyan. At linisin mo iyong kinalat mo sa kwarto ko. Bwesit ka! Hindi ako nakapasok ng dahil sa pangbu-bwesit mo!" madiin at mahabang litanya ni Graham. Sa dami ng masasakit na sinabi nito ay napapikit nalang si Allana. Maluwag niyang tinanggap ang lahat ng iyon. Kapag ganito palagi ang ginagawa ni Graham sa kaniya ay masasanay rin siya. Balang-araw ay magiging parang normal nalang ang lahat para sa kaniya. Basta hangga't kinakaya ng katawang lupa niya ang mga ginagawa nitong pagpapahirap ay tatanggapin niya iyon ng bukal sa dibdib. Gusto niya rin kasing tulungan si Graham e. Gusto niyang lumuwag ang dibdib nito. Gusto niyang mailabas nito ang lahat ng sama ng loob niya. Para kapag naubos na ang lahat ng iyon ay pagmamahal nalang ang matira. "I'm sorry," mahinang usal ni Allana. "F*ck your sorry! Tumayo ka na d'yan, bago pa kita simulang kaladkarin," pagbabanta ni Graham. Kahit nanginginig ay nagawang makatayo ng tuwid ni Allana. Inalalayan niya lang ang paglalakad niya para hindi siya matumba. Gusto niya muna sanang magpalit ng damit pero natatakot siya na muling masigawan kaya sinunod niya nalang muna ang inuutos nito. Iyon nalang muna ang uunahin niya para matapos na ang kailangan nito sa kaniya. Pagdating sa kwarto ni Graham ay agad ng hinarap ni Allana ang mga kalat sa sahig. Isa-isa niyang dinampot ang mga malalaking piraso nang basag na salamin. Dahil sa kamamadali ay aksidente pa niyang natamaan ang sugat niya kanina. Muli tuloy iyong dumugo. Para hindi tumulo ang dugo ay ipinahid niya nalang sa basang damit niya. Mas binilisan pa niya ang ginagawa niya. Pagkadampot niya ng malalaking piraso ng salamin ay ipinapasok niya iyon sa loob ng vacuum na naiwan niya roon kanina. Nang maliliit na piraso ng salamin nalang ang natira ay ipinahigop niya nalang iyon sa vacuum. Mabuti nalang at wireless ang vacuum na gamit niya, mas madili niya tuloy nakuha ang mga sumiksik sa ilalim ng lamesa at kama. Kumakalat na sa katawan niya ang lamig na nararamdaman niya kaya pagkatapos niya sa ginagawa niya ay patakbo siyang lumabas sa kwarto ni Graham. Dala ang vacuum na ginamit niya ay dumiretso siya sa kwarto niya at nagmamadaling nagpalit ng damit. Hahanapin pa sana niya ang first-aid kit para gamitin sa sugat niya pero ibinato na iyon ni Graham sa kama. "Linisan mo na 'yan bago bago pa na-impeksyon," anito sabay talikod. Lihim na napangiti naman si Allana. Kahit papaano kasi ay nagpapakita parin ng pag-aalala si Graham sa kaniya. Ang ibig sabihin lang noon ay may pag-asa pa talaga sila. Kahit may masamang nangyari ay itinuturing niya iyong blessing in disguise. Dahil kasi doon ay nakita niya rin na may konti paring natitirang pag-aalala sa kaniya si Graham. Pag-aalala na parang noon lang... "Give me your hand," utos ni Graham. Kahit ayaw pa sanang ipakita ni Allana ang nangyari sa kaniya ay wala na siyang nagawa pa ng hilahin na nito ang kamay niya. Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinanunuod ang ginagawa ni Graham sa kaniya. Kahit kailan kasi, pagdating sa ganito ay hindi siya manalo-nalo dito. Hindi kasi ito pumapayag na hinahayaan niya lang ang sugat niya e. Dinaig pa nito ang mama niya sa pagpapakita ng concern sa kaniya. Kahit pa sinabi naman na niyang maliit na gasgas lang naman ang nakuha niya. "Sinabi ko na nga di'ba, 'wag mo ng hawakan at ako nalang ang maglilinis. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo ha? Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo. Nasugatan ka pa," ani Graham habang busy sa paglilinis ng sugat niya. Wala sa loob ni Allana na napangiti ng marinig ang pag-aalala sa tinig ni Graham. Kahit kasalanan niya naman talaga kung bakit nabasag ang mamahalin nitong vase ay nakatutuwang hindi iyon ang sinisermon nito ngayon. Bagkus ay mas nag-aalala pa ito sa nangyari sa kaniya. "A-ahh arayyy," impit na tili ni Allana ng masayaran ng bulak ang pinaka nahiwang bahagi ng sugat niya. Taranta namang tumigil sa pagpupunas si Graham tapos bahagya nitong itinaas ang kamay niya. "Sorry. Masakit ba?" tanong nito sabay ihip sa eksaktong daliri niya na may hiwa. Lalo tuloy siyang napangiti. "At ano pa ang nginingiti-ngiti mo diyan ha? Lukaret ka talaga! Nahiwa ka na nga, tatawa-tawa ka pa," sita naman sa kaniya ni Graham ng makita ang ginagawa niya. "Wala naman. Masaya lang ako dahil naging kaibigan kita. Imagine, mayroon akong kaibigan na sikat tapos tagalinis ko lang ng sugat," ani Allana sabay tawa. "Ah ganoon, tagalinis lang ng sugat?" nakanguso namang wika ni Graham. "What I mean is." Niyakap naman siya ni Allana gamit ang isa nitong kamay. "Sobrang swerte ko dahil kaibigan ko ang tulad mo. Iyon talaga ang gusto kong sabihin." "Sus binola mo pa ako." "Hindi nga. Ang sweet mo kaya." "Ikaw rin naman, minsan." "Ay palagi naman akong sweet ah," naka-pout na wika ni Allana. "Oh sige na, sabi mo e. Umisog ka na nga at ng matapos na itong ginagawa ko. Ang likot likot mo e," ani Graham sabay tulak sa kaniya. Muli namang napangiti si Allana. Muli ay tahimik niyang pinanuod ang ginagawa ni Graham sa sugat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD