Nang magdilat siya ng mata ay hawak ni Oshin ang kamay niya. Dala ng matinding nerbiyos ay nahimatay siya kanina. Nang maalala niya ang nangyari ay nanumbalik ang matinding pag-aalala niya. Agad niyang hinila ang kamay ni Oshin kaya napatingin ito sa kaniya. "Gising ka na." Nakangiting sabi ni Oshin. "A-ang baby k-ko? Oshin ang baby ko?" may pag-aalalang tanong niya. Tinapunan siya nito ng pilit na ngiti. "Hindi pa bumabalik ang doktor na tumingin sayo, kaya hindi ko pa masasabi," malungkot na sagot nito. Agad naglandas sa pisngi ni Allana ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Hindi niya inakala na aabot ang lahat sa ganito. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari sa baby niya. Pakiramdam niya ay isa siyang walang kwentang ina, dahil hinayaan niyang mangy

