Chapter 3

1064 Words
Chapter 3 “Xianne!” malakas na daing ni Dani. Parang kinuryente ang kanyang tagiliran. Malakas ang pagkakasiko sa kanya ni Xianne. Halos lumuwa ang kanyang mga mata. “What the h*ll?” malakas nitong singhal nang mamataan siyang namimilipit sa sakit. “Dani?” gulat nitong tanong. “Oo, ako ‘to!” singhal niya. “A-Aray ko! Tulungan mo nga ako!” reklamo niya at mabilis naman itong lumapit. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” naiinis nitong tanong. Salubong talaga ang kilay nito at mukhang hindi ito natuwa na makita siya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa sofang pang-isahan at pabagsak na umupo. “Dito na ako titira kasama mo,” seryoso at sigurado niyang sagot sa kaibigan. Nanlaki kaagad ang mga mata nito. “Ano? At sino naman ang nagsabing pumapayag ako?” Halos pumiyok pa si Xianne sa sobrang pagkakadiin ng bawat katagang sinabi nito. “Ako,” palaban na sagot ni Dani. “Ha!” pumalatak ang dalaga. “Sira ba ang ulo mo? Paano ko ako nahanap?” galit pa rin nitong tanong sa kanya. “Mahahanap ba kita kung sira ang ulo ko? Psh! Pinahanap kita kay Daddy, of course!” mayabang niyang sagot. Lalong napangiwi sa inis ang kaibigan. “Hay, naku! Bahala ka sa buhay mo!” singhal ni Xianne saka naglakad papasok sa sariling kwarto. Ngingisi-ngisi naman si Dani dahil alam niyang wala na itong magagawa dahil nandito na siya. “Magandang umaga para sa magandang binibini sa bahay na ito!” nakangiting bungad ni Dani sa sariling repleksyon sa salamin. Mabilis siyang naligo at nagluto ng kanilang agahan pagkatapos. Siya ang naatasang mag-asikaso ng kanilang pagkain sa araw-araw bilang parusa. Talagang nainis sa kanya si Xianne pero dahil magkaibigan naman sila ay wala na itong nagawa kundi ang tanggapin siya. Natawa siya nang mahina ngunit napaismid din pagkatapos niyang maalala ang ginawa nitong pagsiko sa kanya kahapon. Lalo siyang napangiwi dahil ramdam niya pa ang sakit sa kanyang tiyan. Nauna na rin siyang kumain dahil ayaw daw nitong makasabay siya. Nakapa-brutal ng kaibigan niya. Nauna na rin siyang pumasok dahil utos iyon ng may-ari ng tinitirhan niya. Talagang nainis ito sa kanya. “Psh! Ang sabihin niya, mahilo ako kahahanap sa magiging room ko,” pagmamaktol niya sa loob ng sariling kotse. Hindi man lang ako i-tour ng lokaret na 'yon. She was about to park her car nang may biglang sumingit at dere-deretsong pumarada sa puwesto niya-sana-kaso naunahan siya nito. Iritado niyang pinindot ng ilang beses ang busina ng kanyang sasakyan. “Grrr! Whoever you are bas.tard, I’ll ki’ll you!” sigaw niya sa loob ng kotse kahit alam niyang hindi siya nito maririnig. The person on the other car rolled down the car's window, a big sarcastic smile plastered on the driver's fu’cking face. Da’mn je’rk! Binuksan ni Dani ang bintana ng kotse and raise her middle finger on him and mouthed 'F uck you' dahil sa sobrang inis niya. She smirked at him bago nagmaneho palayo. She saw his face redened with shocked in her rearview mirror. Napangiti siya. Ngiting tagumpay. Ipinagdasal na lang niyang hindi sila magkikita ng lalaking iyon. “God! Mabuti na lang at may space pa rito,” maarte niyang sabi habang ipinaparada ang sasakyan. Medyo malayo ito sa entrance ng school pero ayos lang sa kanya. She grab her things quickly. Sinipat niya muna ang sarili sa salamin ng kotse at mabagal na naglakad papasok sa campus. Biglang umingay ang paligid pagpasok niya pa lang sa gate. Iginala niya ang kanyang paningin habang nagtataka. “My god! New student na naman!” “Who is she kaya?” “Ang ganda niya” Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Napangiti siya. Hindi niya aakalaing makakatanggap siya ng papuri mula sa mga taong hindi niya kilala. Proud pa niyang ibinalandra ang sarili habang nagpakembot-kembot na naglalakad. She swayed her hips with elegance. Tumatabibang halos lahat ng kanyang mga nakakasalubong. My gosh! Sobrang ganda ko na ba para mag-give-way sila? Napangisi siya. She felt so pretty. Dahil maganda naman talaga siya. Nakahinga siya nang maluwag nang makita na ang room niya. Mabilis siyang pumasok doon saka iginala ang paningin. Someone caught her attention. That da’mn je’rk! Kaklase niya pa talaga ang lalaking unang nagpainis sa araw niya. Napangiwi siya lalo. Hindi niya napigilang irapan ang lalaki nang mapansin siya nito. “Wow! So, mag kaklase pala tayo?” tanong ni Da’mn Je’rk kay Dani. Binigyan niya lang ang lalaki ng walang emosyong tingin. Gusto niyang tingnan kung maiinis ba ito sa kanya o hindi. “Ang lagkit mo namang makatingin?” malakas na komento ng lalaki kaya natuon na rin ang atensyon ng kanilang mga kaklase sa kanilang dalawa. Napangiwi si Dani. Yucks! Baka ikaw itong malagkit kung makatingin. Ang kulit din ng isang 'to. Umupo muna siya bago tumingin ulit sa lalaki. “Well, by the way, my name is Lance!” nakangiti pa nitong pagpapakilala sakanya. Taas-kilay niya itong tinitigan. Who cares? Inilahad pa nito ang kamay pero hindi niya iyon tinanggap. Tinawanan ito ng mga nanonood pero wala siyang pakialam. Alam niyang naiinis na ito sa kanya. Sasagutin niya na sana ito nang biglang pumasok si Xianne. Psh! Pa importante talaga 'tong isang 'to, eh. Lahat ng mata nakatuon sa dalaga. Akalain niya nga namang pati ang kaibigan ay sikat din. She don't know why but the atmosphere feels weird. She smell something fishy. Ang weird ng tingin nila sa kaibigan niya. “Pst! Girl, dito tayo!” tawag niya kaibigan kaya naman kaagad din itong lumapit sa kanya. “Dito ako nakaupo kahapon,” malamig nitong tugon. “Hoy, bakit ang sungit mo?” usisa niya habang tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kasama. “Ano ba? Tigilan mo nga 'yan,” naiinis nitong sabi “Psh! Baka sa sobrang sungit mo mag-menopause ka bigla!” pang-iinis niya saka bumungisngis. “Tsk,” ang tanging sagot nito Ang sungit talaga ng bestie ko. Pumasok na ang Lecturer nila kaya naman nagpakilala siya kaagad. “Hello, everyone! My name is Daniella Denise Ron. Just call me Dani! Thank you!” nakangiting pakilala niya saka pakembot-kembot na bumalik sa kanyang upuan. Umupo siya. Pinandilatan niya ang nagpakilalang Lance dahil ang bastos nito kung makatingin sa kanya. Hindi siya natutuwa sa pangiti-ngiti nito, mukha itong supot. Kumukulo talaga ang dugo niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD