NAKAHARAP ako sa laptop ko ngayon, pinagmamasdan ko ang mga litrato ng mga taong gumagamit. Nagbasa-basa rin ako ng mga information tungkol sa magic. Nakasaksi na 'ko ng mahika, pinatunayan na 'to sa akin ni sir Joseph pero ang hirap lang kasi paniwalaan na totoo itong nag-e-exist.
Yung assignment na pinagawa niya ay ni-google ko na lang, hindi ko na rin binasa dahil nakakatamad, ang haba. Idi-discuss din naman ni sir iyon kung kaya't bakit ko pa aaralin?
Nakatulala ako sa screen nung laptop nung mag-pop up sa f*******: ko na nag-a-aya ng video call si mama. Halos ilang araw na rin pala ang lumipas simula nung nag-dorm na ako dito sa school.
Kinuha ko ang earphone na nakapatong sa kama at ikinabit sa laptop ko. I answered the call. "Jamieee!" malakas ang pagkakasabi ni mama na mukhang excited talaga siyang Makita ako. Sa bagay, ito ang unang pagkakataon na nagkahiwalay kami ng matagal.
"'Ma, kung makasigaw ka naman. Baka masita ka na naman nung mga kapit-bahay nating galit sa mundo." Natatawa kong sabi.
"Wala akong pakialam sa kanila, minsan lang kita Makita. Kumusta ka naman diyan, anak?" Tanong ni mama at saglit akong napatahimik. "Anak?"
"Ah... parang ayos naman po." Hindi ko masabing ang weird nung mga naging karanasan ko sa school na 'to, bukod sa mahihirap ang subjects ay kakaiba rin ang pinag-aaralan naming sa class zero. "Parang? Hindi ka ba Masaya diyan?"
Pilit akong ngumiti upang mawala ang pag-aalala ni mama. "Hindi ako fully okay, 'ma. Wala kayo sa tabi ko eh. Kayo ba kumusta diyan?"
Nagkwentuhan na kami ni mama at tumagal ang usapan naming hanggang alas-onse nang gabi. In-end niya na ang tawag dahil napapagalitan na rin siya ni mama dahil gabing-gabi na rin. Pagkatapos naming mag-usap ay plano ko na ring matulog nung makatanggap ako ng text from unknown number.
From: 0926473668
Good evening Class Zero, this is sir Joseph. We will meet tomorrow, 4:30pm at school fields.
Ha? Bakit naman namin kailangan pumunta doon bukas? Ipinatong ko na sa mini cabinet ang cellphone ko at natulog na ako.
***
"JAMIEEE!" Isang malakas na sigaw ni Aris ang sumalubong sa akin matapos ang klase nila. "Totoo ba ang nasagap ng Bluetooth ko? May PE class daw mamaya sa fields ang buong class Zero?" Tanong niya sa akin.
"Naunahan mo pa 'ko, hindi ko nga alam na PE pala ang klase namin mamaya." Sabi ko naman sa kanya.
"So totoo nga ang balita? Buti na lang prepared kami, mga 'te!" sabi niya at may isang Manila paper na inilabas si Diana at Casey. Binuksan nila ang manila paper.
GO, SEVEN! WE LOVE YOU!
"'Diba!? We're so prepared, girls scout kami!" Sabi ni Aris at kunwari pang humawi ng buhok ang bakla.
"You know what, kayo ang patunay ng salitang 'baduy.'" Sabi ko at nawala naman ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Hay naku! Hindi mo ba alam na members kaming tatlo ng fansclub ni Seven? Noong Monday lang ginawa yung group na 'yon sa f*******: pero mahigit 700 na ang naka-join." Paliwanag naman ni Casey, as if naman na interesado ako sa Seven na iyon.
Naglakad na kami papunta sa CR at nagpalita ako ng PE Uniform namin. "Wow naman, suggestion lang, Jamie, ha!" sabi ni Diana kung kaya't napatingin ako sa kanya. "Magsuot ka na rin ng foam diyan sa dede mo, wala eh."
"Galing talaga sa'yo, ha!" ganti ko pero napatawa na lang kaming dalawa. As the time goes by, nagiging komportable na akong kasama sila. Sa section ko ay wala naman akong naging kaibigan.
Pumunta na ako sa malawak na field habang sina Aris ay hawak-hawak ay nakaupo sa mga bleachers at hawak-hawak ang banner na gawa nila. "Good afternoon, sir," bati ko kay sir Joseph at ngumiti naman ito bilang ganti sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay isa-isa nang nagdadatingan ang mga kasama ko sa class zero. Kahit papaano ay may kakilala naman na ako sa kanila dahil dalawang beses na kaming nag-mi-meet, in-observe ko na rin sila kahapon.
Si Girly, ang ultra maldita ng class zero. Maiksi ang buhok nito at laging nakasukbit sa balikat niya ang make-up kit niya. Hindi ko na rin tinatangka na kausapin siya dahil mukhang tatarayan niya lang naman ako.
Si Seven, ang lalaking tinitilian ngayon ng mga kababaihan at kabaklaan ng school namin. Kaso nga lang ay super sungit niyang lalaking iyan, ilang beses niya na akong na-trashtalk dahil daw sa kabobohan kong taglay.
Si Ace, ang kaagaw ni Seven sa kasikatan. Kung si Seven ay parang wala lang sa kanya ang kasikatan niya, si Ace naman ay feel na feel niya. He has a slicked back hair na bumagay naman sa kanyang mukha, matangos ang ilong, at kulay hazel brown ang kanyang mata.
Ang kambal na si Kiran at Kiryu na super cute tingnan, although, total opposite ang kanilang ugali. At si Mild na sobrang kalmado at ang madalas kong kasama sa buong class 0 dahil parati kaming sabay kumakain ng dinner na dalawa.
Yung natitirang lima, hindi ko pa nao-observe pero paniguradong makikilala ko rin naman sila. "Sorry dahil biglaan ko kayong pinatawag dito kahit wala naman dapat tayong klase. By the way, may nagka-conflict ba sa schedule? May subject ba kayong natamaan?"
Nagtaas ng kamay si Kiryu. "Ako sir, kaso nakakaantok yung klase niya kung kaya't dito na lang ako um-attend." Proud niyang sabi na para bang nakakamangha ang ginawa niya.
Sir Joseph sighed at wala na siyang nagawa. "Pinatawag ko kayo para simulan ang physical training ninyo, nakikita ninyo ang mga obstacle na nasa likod ko?" Itinuro niya ang mga gulong at fence na nakaayos sa field, mayroon ding monkey bar at parang net na kinakailangan gumapang para malagpasan.
"'Wag mo sabihin sir na pagpapawisan kami sa activity na 'to and kinakailangan naming gumapang? That's so eeew!" sabi ni Girly at naglagay ng foundation sa mukha. Alam naman niyang Physical training ang gagawin namin, pero kung makapaglagay pa rin siya ng make-up sa mukha niya ay akala mo prom ang a-attend-an naming.
Ngumiti si sir. "Yes, you need to do this activity," Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil isa sa pinaka ayoko—physical activity. Malayo kami sa mga estudyanteng nanunuod na nakaupo sa bleachers kung kaya't maayos na nakakapag-discuss si sir. "Sinabi ko naman sa inyo, kinakailangan na nating simulan ang training ninyo as soon as possible. Okay umayos na kayo,"
"Bakit hindi ninyo na lang kami turuan ng magic sir?" Tanong ko.
"That's a good question, Jamie. Kinakailangan muna nating ihanda ang katawan ninyo bago tayo magsimula sa pagkontrol sa inyong magi. You need to have a great strength para makontrol ito, or else, kayo ang kokontrolin ng inyong mga kapangyarihan." Napatango-tango naman ako sa sinabi ni sir at kahit papaano ay naliwanagan na ako.
Siguro ay iniisip ng ibang estudyante na nagkakaroon lang kami ng isang normal na PE class, hindi nila alam na training ito para makontrol ang kapangyarihan DAW naming.
Unang sumabak si Kiran at saglit pa siyang nag-stretching, medyo buff nga ang pangangatawan nitong si Kiran ke'sa kay Kiryu kung kaya't feeling ko ay magiging maganda ang performance niya sa activity na 'to.
Pumito si sir at nagsimula ng tumakbo si Kiran, malakas na nagsisigawan ang mga nanunuod na animo'y nasa isang relay contest si Kiran. Mabilis na natalunan ni Kiran ang mga fences na unang obstacle. Actually, lahat ng obstacle ay mabilis niyang nagawa.
Naabot ni Kiran ang finish line at humihingal siyang naglakad sa direksyon namin, inabutan naman siya ng tubig ng kanyang kakambal.
"1:45 seconds, not bad." Sabi ni sir Joseph. "Teddy, it's your turn." Sabi ni sir at naglakad naman na si Teddy patungo sa starting line.
Halos lahat ng lalaki sa class zero ay maganda ang naging performance sa physical training na ito, napapansin ko ang pagtango ni sir at napapangiti kapag mabilis nilang nagagawa ang pagtapos sa mga obstacles.
"Girly, Kailangan mong mag-exercise pa lalo. As of now, ikaw ang pinakamabagal." Sabi ni sir pero umirap lang si Girly.
"As if naman na gusto kong gawin 'to, Oh my god, I need to retouch." Kinuha na naman ni Girly ang make up kit niyang nakapatong sa upuan.
"Jamie, it's your turn." Sabi ni sir at naglakad na ako patungo sa starting line. Hindi ko alam pero kinakabahan ako nung Makita ko pa lang ang mga obstacles na dapat lagpasan. Lord, kayo na po ang bahala sa akin.
"Go JAMIEEE!" Nangingibabaw ang boses ni Aris na nakaupo sa bench.
Pumito si sir at nagsimula na akong tumakbo. Unang obstacles na kinalaban ko ay ang mga fences na harang. Ilang beses ko ring nabangga ang mga fences dahil hindi ko ito matalunan ng maayos.
Sumunod ay ang mga gulong na dapat talunan... ilang beses akong nasubsob dito dahil napapatid ako sa gilid ng gulong.
The next one, Monkey bar... akala ko ay magiging maganda ang performance ko dito kaso ay isang malaking akala lang pala ang lahat. Ilang beses akong nahulog sa monkey bar, hindi ko alam kung bakit mabilis lang 'tong nagawa nila Seven.
The last one ay yung net. Gumapang ako nang gumapang pero sumabit ang buhok ko sa gilid ng net kung kaya't medyo nagtagal ako... hindi lang pala 'medyo' dahil nagtagal talaga ako.
Nung marating ko ang finish line ay tahimik ang lahat. "Natapos ko rin!" Malakas kong sigaw at humiga sa field.
"Wow, Jamie, akala ko next week mo pa matatapos yung obstacles." Sabi ni Kiryu at siya lang ang nag-iisang pumalakpak sa akin.
Lumapit sa akin si sir at tinulungan akong tumayo. "Jamie, hindi ka ba nag-e-exercise?" Tanong ni sir.
"Nag-e-exercise," Sumeryoso ang tingin sa akin ni sir. "Joke lang, hindi po talaga ako nag-e-exercise."
Sir Joseph sighed at pinapunta niya kaming lahat sa classroom ng class zero. Matapos ang activity namin ay nagsiuwian na rin ang mga nanunuod kabilang na sila Diana.
"Yung activity natin kanina, class, in-observe ko lang kung ano ang mga kapasidad ninyo." Sabi ni sir at panay ang lagok ko ng tubig dahil parang natuyuan ang lalamunan ko sa pinaggagawa naming. "More likely, kinakailangan ninyo pang gawin ang physical training for the next three weeks. Jamie and Girly... kailangan ninyong mag-exert ng extra effort para makahabol sa skills ng mga kasama ninyo."
Ni-dismissed naman kamin agad ni sir Joseph dahil pagod daw kami at magkita-kita na lang kami bukas.
Parang sumusuko na ang katawang lupa ko sa mga ginagawa sa class zero. Huhu!