Back to Sense

1879 Words
MULA sa kuwarto ko ay matatanaw ang malawak na field sa labas, nakikita ko kung paano mag-practice ang class zero, nakikita ko rin ang dami ng tao na nanunuod sa kanila. I used to be part of that group. Itinabing ko muli ang kurtina upang hindi Makita ang nasa labas. "Dapat masanay ka na sa ganitong simpleng buhay, Jamie." Sabi ko sa aking sarili.   Ipinatong ko ang aking bag sa study table at saglit na nagbihis, nakita ko ang listahan na ibinigay sa akin ni sir Santos, maybe, kailangan ko na lang i-divert ang isipan ko sa ibang bagay. Baka kapag nanatili ako rito ay patuloy ko lang silipin sa labas ang nagpa-practice na class zero.   Lumabas ako ng dorm, sinuot ko ang pulang jacket ko dahil medyo may kalamigan sa labas. Palabas na sana ako nung makasalubong ko si Seven malapit sa main gate, pinupunasan niya ang kanyang buhok dahil basa ito ng pawis.   He looked at me at para hindi awkward ay nagsalita na ako. "Tapos na ang practice ninyo?" tanong ko.   "Ano pa bang pakialam mo? You're not part of Class zero anymore." Nawala ang ngiti sa aking labi at nagtuloy-tuloy na siya pabalik sa dorm ng mga lalaki. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi ni Seven pero tama naman siya, hindi ko na dapat ini-involve ang sarili ko sa class zero dahil umalis na ako doon.   Naglakad ako paalis at pumuntang mall. Una akong pumunta sa National bookstore dahil karamihan ng mga kailangan para sa magaganap na orientation ay nandito. "Styrofoam... gunting... glitters..." Binabanggit ko ang pangalan ng mga dapat kong bilihin habang kinukuha ito sa shelf nito.   Honestly, nahihirapan pa rin ako mag-adjust lalo na't ilang linggo din akong tumagal sa class zero. Hindi ko nami-miss ang kanilang ginagawa doon, nami-miss ko ang pinagsamahan namin.   Napatigil ako sa pagkuha ng mga bibilhin ko nung biglang tumigil ang mga tao sa paligid, nawala rin ang maingay na music na pinapatugtog ng mall. "D-Devil hour?" Tanong ko sa aking sarili. Kung may devil hour ngayon dito ay paniguradong may Lawbreaker sa paligid at mayroong ding miyembro ng class 0 dahil nagawa niyang patigilin ang oras.   Ibinaba ko ang basket na naglalaman ng aking pinamili at tumakbo palabas ng bookstore, isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa left side ng mall.   Ang daming tao ngayon dito sa mall, paniguradong lahat sila'y madadamay sa g**o. Kahit pa nakahinto ang oras, ang sabi sa amin ni sir Joseph ay mamamatay pa rin ang tao sa oras na masaktan sila ng Lawbreakers. Tanging ang mga bagay na nasira lang ang maibabalik sa ayos kapag natapos ang devil hour ngunit hindi ang mga buhay na nawala.   I am scared that I am alone this time, I am not with class zero. Tumatakbo ako tungo sa kung saan nanggaling ang pagsabog at nakita ko ang isang lalaki. Patay ang kulay ng kanyang balat at may dugo sa kanyang dibdib. Medyo mahaba ang buhok nito at may suot itong itim na jacket.   Nagtago ako sa likod ng isang stall. Nabigla ako nung biglang magkaroon ng liwanag ang kanyang kamay at kasabay ng pagkawala ng liwanag ay may hawak na siyang isang bomba. "Mas maraming buhay na mawawala, mas lalo akong lalakas!" Sabi niya at isang malakas na pagsabog ang aking narinig.   Ipinikit ko ang aking mata at tinakpan ito upang hindi mapuwing sa mga debris na nililipad ng hangin. I should not involve myself in this situation, hindi na dapat ako nangingialam dahil trabaho ito ng class zero. They're the one who's eliminating the lawbreakers.   Pero sa tuwing mapapadako ang tingin ko sa mga taong kinikitil ng lawbreakers, hindi ko maiwasang hindi masaktan.   Isa pang pagsabog ang aking narinig and this time ay mas malakas ito, meaning to say, malapit na ang lawbreaker sa aking direksyon. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga mukha ng nakahintong mga inosenteng tao... Hindi nila deserved na mawala sa mundong ito.   Ikinuyom ko ang aking palad at lumabas sa aking pinagtataguan. Nakita ko ang lawbreaker na may hawak na isang bomba at parang pinaglalaruan niya ito sa kanyang kamay. "Itigil mo na 'yan!" Malakas kong sigaw. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang sa mga oras na ito. Definitely, ayokong mamatay pero ayoko rin makakita ng mga inosenteng tao na nawawala nang walang kalaban-laban.   Napabaling ang tingin sa akin nung lalaki at parang may korteng diamond na tattoo sa kanyang noo. "Class zero." sabi niya sa akin at lumaki ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ito normal na ngiti dahil nagdulot ito ng pagtaas ng aking balahibo.   Napaatras ako ng ilang hakbang pero nung mga nakita ko ang mga nakahintong tao. No. I should protect them, hindi ko sila hahayaan na masaktan muli ng lalaking ito. "P-Paano mo nalaman na taga-class zero ako?"   "Dahil nakakagalaw ka sa devil hour. At isa pa, class zero lang naman ang tanging organisasyon na sumisira sa aming mga plano," sabi niya habang pinaglalaruan ang isang bomba sa kanyang kamay. "Ngayon, ipakita mo sa akin ang iyong kakayahan, bata."   Naghagis ng bomba ang lawbreaker at dali-dali naman akong nagtago sa likod ng isang malaki at makapal na pillar. Eto ang ayoko sa pagiging class zero, they always put their own lives at risk.   "Ehhh, wala ka talagang planong ipakita ang kakayahan mo?" narinig kong sabi niya. Makapal na usok ang bumabalot sa paligid kung kaya't nahihirapan akong makakita.   Sa muli kong pagdilat ng aking mata ay nasa harap ko na ang lawbreaker, malapad ang kanyang ngiti na para bang isang demonyo. "Paalam na sa'yo," sabi niya at biglang tumulis ang mga kuko nito.   Ito na ba ang magiging katapusan ko? Ipinikit ko ang aking mata at hinintay na tumama sa akin ang matatalim niyang kuko ngunit isang malakas na pagtama ang aking narinig na para bang may umatake sa lawbreaker.   Pagdilat ko ay may nakabagsak na isang malaking bakal sa tiyan nung lawbreaker at may isang lalaki na naglalakad tungo sa aming direksyon-- si Seven. Hindi ko alam na nandito rin pala si Seven.   "Dumbass." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Dapat sa pagkakataong ito ay naiinis ako sa kanya pero nagpapasalamat ako ngayon kay Seven. Kung hindi siya dumating ay baka patay na ako.   Masama kong tiningnan ang lawbreaker at may kakaibang lakas akong naramdaman. "Mga class zero!" Sigaw nung lawbreaker at isang malakas na pagsabog ang aming narinig.   Unti-unting naglakad papalapit sa amin ang Lawbreaker at nung tiningnan ko siya sa mata... May kakaiba akong nakita, tila ba nabasa ko ang ilang impormasyon na nasa kanyang isip.   "Ang pangalan mo ay Lupin, kaya mong lumikha ng mga bomba. May isa kang lider na sinusunod na siyang may pakana ng ganitong klaseng g**o!" Sigaw ko, sa kung paano ko nabasa ang kanyang naiisip, hindi ko rin alam.   Pumikit si Lupin at hindi ko na muli nabasa ang tumatakbo sa kanyang isip. "So, your ability is knowledge absorption. Delikado pala manatili," Sabi niya at iniiwasan niyang tumingin sa aking mata. "Itigil na natin ang paglalarong ito, Class zero, masaya ako na nakilala kayo. Hanggang sa muli nating pagkikita."   Naghagis siya ng isang bomba sa sahig at makapal na usok ang bumalot sa paligid, kasabay nang pagkawala nung usok ay pagkawala ni Lupin. Ngayon ay may nalaman ako tungkol sa kanya, hindi siya isang basta-bastang lawbreaker dahil kabilang siya sa isang mataas na organisasyon na binubuo ng masasamang loob.   Napaupo ako sa sahig, at muling naayos ang mga nasirang bagay at unti-unti nang gumalaw ang mga tao sa paligid. Natapos na ang devil hour. "Are you okay?" tanong ni Seven sa akin.   "O-Okay lang ako," sinubukan kong tumayo pero may matindi akong sakit na naramdaman sa aking hita, hindi ko napansin na may sugat pala ako rito.   Hindi nagsalita si Seven bagkus ay umupo siya patalikod sa akin. Naguluhan ako sa kanyang ginawa. "Sakay." sabi niya sa akin.   "Ha?"   "Bingi ka ba? Sumakay ka na kako sa likod ko, matatagalan tyong makabalik sa Merton kung iika-ika kang maglalakad doon." Sabi niya sa akin. Akala ko pa naman ay concerned talaga ang lalaking ito, uwing-uwi lang pala.   "A-Ayoko nga!" Reklamo ko.   "E'di 'wag. Iiwanan na lang kita rito." Akmang tatayo na siya ngunit hinila ko ang sleeve niya para mapaupo siya ulit.   "E-eto na, sasakay na." Sabi ko at inikot ang kamay ko sa leeg niya upang makakapit. Baka hindi na ako makabalik sa Merton Academy kung paaalisin ko pa siya this time.   “Ang dami pa kasing arte." Sabi niya at tumayo na. Pinagtitinginan kami ng mga tao rito sa mall pero tila walang pakialam itong si Seven.   ***   NAGING tahimik ang paglalakad namin ni Seven at mahigpit lang akong nakakapit sa leeg niya. Naglalakad kami ngayon sa isang kanto at malayo-layo pa kaming dalawa sa Merton Academy. "Seven..." tawag ko sa kanya.    Hindi ito kumibo pero itinuloy ko pa rin ang aking sinasabi. "Iniisip ko lang, paano ang mga taong namamatay sa oras ng devil hour, anong nangyayari sa kanila?" Tanong ko.   Ilang mga tahol ng aso ang naririnig sa paligid at tanging streetlights lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. "They are forgotten. Kapag namatay sila sa Devil hour, kakalimutan na lang sila ng mga taong nakakakilala sa kanila na para bang hindi sila nag-e-exist. Sa ganoong paraan ay napapanatili ang balanse ng ating mundo at nagiging lihim pa rin ang tungkol sa devil hour." paliwanag niya sa akin.   Mas masakit pala na mamatay ka sa Devil hour, kakalimutan ka ng lahat na para bang hindi ka nabuhay sa mundo.   "Ba't mo napiling manatili sa Class zero, Seven? Kahit alam mong maaaring malagay sa peligro ang buhay mo." Sabi ko muli sa kanya.   Huminto siya saglit at inayos ang pagkakapasan niya sa akin. "Bakit ba ang dami mong tanong?" Kung nakaharap lang sa akin si Seven ay paniguradong nakakunot na ang noo ng lalaking ito dahil sa inis sa akin.   "Ako kasi, natakot ako na baka mamatay ako. That's the main reason why I quitted." Hindi ako magpapakaplastik. Hindi ko ilalagay sa peligro ang buhay ko lalo na't alam kong malulungkot sila mama.   "My mom passed away when I was a child. At that time, wala akong nagawa para buhayin ang ina ko. The reason why I stayed... Ayokong mangyari sa ibang tao ang sinapit ko noong bata ako. Kung makakapagligtas ako ng maraming tao kapalit ang buhay ko, gagawin ko. We are gifted with this ability, gagamitin ko ang kapangyarihan ko para makatulong sa iba."   Hindi ko inaaasahan na mag-o-open up si Seven tungkol dito. Lumiko kami sa isang kanto at natatanaw ko na ang Merton Academy.   Somehow ay natauhan ako sa sinabi ni Seven dahil kagaya kanina... Ayoko ring may mga taong mamatay dahil sa mga lawbreakers. "Nakapagdesisyon na ako,"   Hindi kumibo si Seven at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. "Babalik na ako sa Class zero. Tama ka, dapat na gamitin ko ang kapangyarihang ito para makatulong sa ibang tao."   Ilang segundong hindi kumibo si Seven. "Ang bigat mo." Iyon na lang ang kanyang sinabi.   "Hoy ang kapal mo! Ang payat-payat ko lang, ang sabihin mo, weak ka lang." ganti ko sa kanya.   "Taba."   "Weak!"   Nakarating kami sa Merton Academy at dinala ako ni Seven sa clinic, dahil nga walang nurse sa ganitong oras ay siya na rin ang naggamot ng sugat ko sa hita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD