Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit halos madaling araw na rin akong nakatulog dahil sa asawa kong gutom! Kung di pa ako nagmakaawa na kailangan ko nang matulog ay di pa 'yata ako titigilan! Tiningnan ko ang orasan sa bedside table. Mag aalas-sais pa lang ng umaga. Tulog pa rin si Greco, Nakadapa ito at tanging makapal na kumot lang ang nakatakip sa katawan. Wala pa rin kasi itong saplot mula pa kagabi. Napangiti ako nang maalala ang pinag usapan namin bago kami matulog kagabi. "Don't talk to my male employee, I swear, If they try to hover you... I fired them imediately!" "Paano 'yan? Eh, doon na ako magta-trabaho mula ngayon. Ano, Hindi ako pipiringan mo rin ba ako?" "Tsk. just follow what I said." "Praning," bulong ko. Tumayo na ako at nagtungo na kaagad ng banyo.

