Chapter 2: Kissed

865 Words
Selena [POV] ____________ "Buong maghapon 'yata akong matamlay, Mabuti na lang at kahit papaano ay nagagawa pa niyang kumilos bago umuwi ang asawa. Kagabi pa siya nag aalala dahil magdamag itong hindi imuwi. Marami ang tumatakbo sa kanyang isip. pero Sino ba siya para mag demand dito? Kahit papaano ay ayaw niya na isipin nito na pabigat siya. Nasa bahay na nga lang ay wala pa siyang ginagawa. Nahihiya na rin siya sa lalaki. Bukod kasi sa asawa ay ano pa ba ang papel niya sa buhay nito? Eh kulang na lang ay maghiwalay sila. 'yon na lang siguro ang kinakapitan niya para hindi ito iwan ng tuluyan. Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kanilang kama at pumasok sa banyo. Mas maiging maligo siya baka sakaling mabawasan ang kanyang isipin. Napakatahimik ng buong bahay, Namimiss na niya ang buhay noon bago pa siya kunin at pakasalan ni Greco. About two-years ago ay nagpakasal silang dalawa. Masaya naman sila noong nagsisimula palang. ramdam niya ang pagmamahal ng asawa sa kanya, Maalaga ito at sweet. Lagi itong on the go sa mga pa surprise ay walang patid din. Ulila na siyang lubos. Lumaki siya sa bahay ampunan mula noong sampung taon siya. Pinatay ang kanyang ama na isang Pulis. Habang nasa serbisyo ay binaril ito sa ulo. Walang naituro na suspek sa pagkamatay nito. Iyon ang naging dahilan ng pagkaka atake sa puso ng kanyang ina. Isang butihing may bahay ang kanyang mommy. Simple lang ang buhay nila noon. Naalala niya pa ay masayahin ang kanyang magulang at tapat sa tungkulin ang kanyang Daddy. Dead on the spot ang ina ni Selena ng atakehin ito sa puso. Iyak siya ng iyak noon. Dahil magkasabay na nawala sa kanya ang dalawang tao na mahal niya. Walang kumupkop sa kanya maski mga malalapit na kamag anak, Sabi nila ay bakit daw siya tutulongan ng mga ito gayong wala naman daw siyang pera? Dito natanto ng batang isipan ni Selena ang halaga ng pera at katayuan sa buhay, Kung minsan hindi man ito sukatan pero nakakatulong 'yon para sundin at irespeto ka ng tao. Pero iyon lang ba ang basehan? Isang bahay ampunan ang nag alok sa kanya na dumito muna. Natuwa siya. Hindi pa siya tuluyang pinapabayaan ng diyos. wala siyang naging problema sa ampunan. Sumapit ang kanyang kaarawan. Her eighteenth birthday. Ipinag diwang iyon sa bahay ampunan. May mga dumalo noon na isang pamilya na malaki ang naitutulong sa ampunan dahil sa charity ng pamilya. Ang pamilya Silvano. Greco's family. Mabait ang mama nito. Si Mrs. Lucy Silvano. Tahimik pero palangiti naman ang ama. Si Mr. Richard Silvano. May dalawa silang anak, Greco is the eldest. Second ay si Gael. Kaedaran niya lang si Gael. Isinayaw pa siya nito pero nahuli niyang nakasimangot ang kuya nito habang nakatingin sa kanila. Later on, Nalaman niya na may gusto pala ito sa kanya. Crush naman niya ito noon. kaso masungit nga. Pero nang ligawan siya.nito ay pumayag siya. She was twenty when he asked her to marry him..She said yes. They got married the same year. Now Selena is turning 22 this august. Iwan niya kung alam pa ba iyon ng asawa. Last year lang ay bigla nalang ito nanlamig sa kanya. One night someone send her a picture wherein. Greco and the beautiful woman is about to kiss. They currently inside his car. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang ex-girlfriend nito si Maxine. Never niya itong kinompronta tungkol doon. Hinintay niya itong magpaliwanag sana... pero wala. Kung sino man iyon ay mukhang updated ito sa lahat ng lakad ng asawa niya. Katulad na lang ngayon.. Nag send ito ng larawan kung saan nakikita niya sa screen ng cellphone ang magandang ngiti ni Maxine habang nasa isang restuarant ito at si Greco kumakain at mukhang masaya habang magkaharap. Para itong mag kasintahan na nag de-date! Nakaramdam naman siya nang di maipaliwanag na kirot sa bahagi nang kanyang puso. Masaya ang babae Habang nakahawak sa braso ng asawa niya. Isinend niya ito sa secret files niya kung saan naroon ang lahat ng larawan na.sinisend.sa.kanya ng kung sino mang tao na 'to. Nagtataka man... pinagpapasalamat naman niya iyon. Dahil dito ay nalalaman niya kung ano.ang ginagawa ng asawa. Pero nahihiwagaan pa rin si Selena. Isa kaya siyang stalker? Consistent kasi ito walang palya. Maliban na lang kung nakauwi na ang asawa. Napakurap siya ng tumunog ang kanilang gate. Automatic iyon kaya kahit hindi mo buksan ay kusa iyong bubukas kapag si Greco ang papasok. Natanaw niya itong bumaba mula sa sasakyan. Naka dungaw. lang siya sa bintana ng kanilang silid. Tanaw nito ang garahe kaya hindi nakaligtas sa kanya ang pag baba nito hawak ang isang- pumpon ng pulang rosas! Bago ito tuluyang pumasok ay tumingala ito sa bintana kong saan siya naroon. Kaagad siyang nakapagtago. Kumalabog ng mabilis ang kanyang dibdib sa lakas ng t***k nito. Para siyang hihimatayin. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng silid. "Baby," Napatingin siya ng pumasok ito. Malamlam na mga mata ang nakatunghay sa kanya. Tinawid nito ang pagitan nila at nagulat siya sa sunod nitong ginawa! He grab her neck and kissed her abruptly! Bigla siyang nanigas at hindi nakakilos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD