Sa isang condo unit sa Taguig ako dinala ni Greco. Nagtataka ako kung bakit dito kami pumunta. Pero hindi na ako nagtanong hinayaan ko na lang siya na hilahin ako papasok.
Siya na rin ang nagbuhat ng mga dala namin. Nag impake pa ako, akala ko naman ay bakasyon ang pupuntahan namin.
Eh sa manila rin naman pala. tsk. umaasa pa naman siya na masosolo niya ang asawa kahit sandali. Pero mukhang malabo.
Sino naman kaya ang pupuntahan namin dito? Nakabili kaya siya ng condo dito?
Hindi niya masagot dahil matagal na rin walang nangyayaring pag uusap sa pagitan nila tungkol sa bagay-bagay.
Ngayon na nga lang ito naging clingy ulit sa kanya e. Mukhang nilayasan ata ito ng sapi sa katawan kaya mabait na naman sa kanya.
Kung ganoon pala ay sana araw-araw na lang itong may sapi. Natawa siya sa isip.
Napansin siya nito at kinunotan ng noo pero hindi naman nagsalita.
Kasalukuyan na silang sakay ng elevator. Nagtaka pa siya dahil wala silang kasabay.
Pinindot nito ang button. Floor 18. Matapos ay nilingon siya.
"Hindi mo ba tatanongin bakit tayo nandito?" Para ano pa? sasagutin naman kaya niya, aber?
Umiling ako.
"Hindi na."
"Your not like that do you? I remember you always persistent by asking me anything you want to know, Especially when it comes to my errands,"
"Sabi mo nga, Dati. Hindi na ngayon," Tinitigan niya ako ng taimtim saka bumontong hininga. Para saan naman kaya iyon?
Hindi na rin naman siya nagsalita hanggang sa marating namin ang 18th floor.
Hinawakan niya ako sa kamay bago kami lumabas ng elevator. Hindi ko naman maiwasan humanga sa nakikita ko.
Napaka engrande kasi ng condo na 'to. Napansin ko rin kanina sa baba palang kung gaano ito ka mamahalin.
From it's design and furnitures. It pairs with White and Gold painted all over the whole areas.
Lahat ng nadadaanan din naming mga pinto ay magaganda ang labas. Kahit itong hallway na tinatahak namin ay may velvet carpet pa.
Kumikinang rin ang mga ilaw sa bawat pinto na dinaanan namin. Agaw pansin naman ang malaking chandelier sa gitna nitong hallway. Napatingala ako habang tinitignan iyon.
Parang mga diyamante ang naroong desisyo sa sobrang kinang. Nakakadagdag siya sa ganda ng atmospher ng condo na 'to.
Huminto kami sa tapat ng isang kulay brown na pinto. Pero hindi katulad ng mga nadaanan naming pinto kanina na kulay ginto ang mga pinto. Ito ay simple at nasa dulong bahagi pa.
Pumindot siya ng numero sa passcode na nakakabit sa dingding. Nilingon niya ako. "Remember the passcode,"
Tumango ako. Nakita ko naman. 0923 ang code.
Inaya na niya akong pumasok sa loob. Pero bago iyon ay nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago pumasok.
Isinara naman niya ito agad. Inilapag niya sa couch ang mga bag na dala namin. Saka may pinindot sa tabi ko.
Nagliwanag ang paligid. switch pala iyong pinindot niya.
Mas napagmasdan ko ang kabuuan nitong condo. Simple lang siya. Parang hindi ito ang eneexpect kong itsura nito. Kung pag babasehan kasi sa labas ay mukha itong mumurahing condo unit.
Pero wala sa akin problema ang ganito. Mas simple mas maganda.
Hindi naman siya lumaking marangya ang buhay. Kung tutuusin ay ang ganitong klaseng tirahan ay pangarap na ito maituturing ng mga katulad nilang mahirap lang.
Pero siyempre malaking katanungan sa kanya bakit mag iistay ang asawa niya sa ganitong klase ng lugar.
Di hamak na kaya nitong kumuha ng presidential suit o 'yong mamahalin na condo e. Why this?
Naupo siya sa couch na kulay itim. Base sa kulay ng kagamitan ay masasabi niyang lalaki ang may ari nito.
Bukod sa maliit na sofa at mesa sa harap niya, Ay isang flat screen tv at stereo ang nasa kanang bahagi ng sala. May iba't-ibang vinyls din siyang nakita roon.
Mamaya ay lalapitan niya iyon para tingnan.
Tinour siya ni Greco sa buong Condo unit. May maliit na kitchen at dinning.
May mga kagamitan rin gaya ng Rice cooker, air fryer, at coffee maker. may oven at bread toaster din.
Para lang pala itong bahay nila. Kompleto sa kusina. May mini Ref din. Nang buksan iyon ay napanganga siya sa laman. Puno iyon ng pagkain. May gulay. karne, isda. prutas at iba pa!
Mukhang pinaghandaan talaga ng asawa niya ang pag punta nila.
Matapos ay dinala naman siya nito sa taas kung saan ang kwarto daw nila.
Pagpasok ay kulay itim din ang pintura sa dingding. Pati na rin ang sapin at mga unan.
Kasalukuyan itong nasa banyo naliligo. Sa kaliwang bahagi lang ito ng kwarto. katabi ng pinto papunta naman sa mini-closet nito.
Inabala na muna niya ang sarili sa pag tingin sa mga librong naka display sa bookshelp na nasa gilid katabi ng working table. May nakapatong roong isang laptop.
Madalas kaya siya nandito? Para kasing hindi ito ordinaryong condo lang. mukhang matagal na itong may nakatira. Wait, Dito kaya siya natutulog kapag hindi siya umuuwi sa bahay? Sino naman kaya ang kasama niya babae kaya?
D-Dito ba... dito kaya sil-
Iwan ba niya pero biglang nahaplosan ng selos ang puso niya. Naiimagine pa niya ang imahe ng asawa habang may katabing ibang babae sa kama.
Habang ginagawa ang bagay na 'yon!
Bigla nalang naninikip ang dibdib niya! Wala sa sarili niyang naibato ang noo'y haak na pala niyang libro.
tumama ito sa mga libro sa harap niya dahilan para mag laglagan ang mga ito isa-isa. Nag likha iyon ng ingay sa bawat paglagatak nito sa sahig.
Tila siya nataranta ng kung anong unang pupulotin. Tinignan niya ang pinto ng banyo. Naririnig pa naman niya ang lagaslas ng tubig.
Minadali niya ang pag pupulot at muli ang mga itong ibinalik sa dating pwesto. Pero iwan kung yon ba talaga kasi nagka halo halo na ang mga ito.
Bahala na. Importante mabalik ito sa lalagyan bago lumabas ang asawa. nakakahiya baka magalit ito. at sabihing nakikialam siya.
Hindi naman kasi niya sinasadya. Nadala lang siya sa matinding selos.
Huminga pa siya ng malalim at binura na sa isip ang mga malalaswang imahe ng mga ito.
Kahit naman naging malamig ito sa kanya nang nakaraang isang taon ay hindi naman niya nalaman na may babae nga ito.
Puro picture lang naman kasi ang pinapadala sa kanya ng anonymous sender niya. Stalker ito ng asawa niya pero hindi pa lubos-lubosin diba?
Naisipan niyang mahiga muna mukhang matagal maligo ang asawa. Kahit noon pa naman ay matagal itong kumilos animo'y isang dalaga.
Napakalambot ng kama. Dahil sa pagod at pag iisip ay hindi niya namalayan nakatulog siya.
*****
Naalimpungatan si Selena ng maamoy makaramdam ng tila matang nagmamasid sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mata.
Madilim na ang paligid. Anong oras na ba? napahaba yata ang tulog niya.
Napabalikwas siya ng bangon nag maalala si Greco.
Seguradong naiinip na ito sa baba. Baka nagugutom na rin ito. kailangan niyang magluto.
Pero akmang hahawakan ang seradora ng mapansin niya sa kanyang gilid ang isang bulto.
Nakatayo ito sa tabi mismo ng pinto. Nakatitig ito sa kanya. Hindi niya ito maaninag dahil madilim. Pero base sa tangkad nito alam niyang malaking lalaki ito.
Sisigaw na sana siya ng bigla nitong takpan ang kanyang bibig!
"Hmmmp!" pinilit niyang kumawala sa hawak nito pero malakas ito.
Nagpupumiglas siya pero mas diniinan pa nito ang pag takip ng palad sa kanyang bibig.
"F**k! Stop wiggling! they might hear us!" tila gigil nitong salita. Napatigil naman siya. Pamilyar sa kanya ang boses at amoy--"G-Greco?"
Saka lang niya napansin ang amoy nito. sininghot niya ito. amoy nga ng asawa niya. Ito lang kasi ang lalaking kilala niya na hindi gumagamit ng pabango.
Pero ang bango-bango pa rin. Natural scent kumbaga. Ngunit nagtataka siya sa kilos nito.
Binitiwan nito ang bibig niya. Akma siyang magsasalita ng maunahan siya nito.
"Stop talking. I'll explain later, c'mon," Hinila siya nito papunta sa likod ng mga bookshelp. Ngayon lang niya napansin na may pinto ito sa likod. Binuksan niya iyon at una siyang pinapasok. Maliit lang iyon at hindi agad mapapansin, Gaya nalang kanina. hindi niya ito nakita.
Sumunod ito sa kanya saka dahang-dahan hinila palapit ang bookshelp para itakip sa pinto. Kung sa labas titignan hindi mo aakalain na sa likod niyon ay may sikretong pinto pala. Pero bakit?
"We'll stay here habang hindi pa sila nakakaalis."
Sabi niya. Nagtatagis ang bagang niya. madilim din ang anyo niya.
"A-Anong nangyayari, Greco? S-Sinong sila?"
Takang-taka ako.
"I will explain everything to you... kapag nasigurado ko na ang kaligtasan mo," Hinalikan siya nito sa noo.
Sobrang lapit ng katawan nila. Masyadong maliit kung saan sila naroon.
Nakayakap ito sa kanya. Panaka-naka nitong pinapatakan ng halik ang buhok niya. Nangangamba man ay parang bula iyong nawala dahil sa ginagawa nito.
Nakaka bigay ng kapanatagan ang bisig nito. Pakiramdam niya ay ligtas siya kapag kasama ang asawa.
Hindi na siya nagtanong. Kapag nakaalis na sila sa maliit na lugar na 'to ay iisa-isahin niya ang pagtatanong.
Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon ng makarinig sila ng mga kaluskos. Muntik pa siyang mapaigtad ng malakas na kalabog ang narinig niya. Mabuti nalang at tinakpan ng asawa ang bibig niya.
"Cleared! mukhang natunugan tayo ng gagong 'yon!"
Dinig niyang sabi ng isang lalaki.
"Mukhang hindi pa nauubusan ng swerte sa katawan ang Silvanong yon! Sa susunod ay sisiguraduhin kong hindi na siya makakalusot!"
Isa pang tinig ang nagsalita. Base sa boses ng mga ito ay tila nakakatakot ang mga iyon.
"Yong babae? Nalaman niyo ba kung nasaan?"
"Oo, papunta na ang mga kasama natin do'n."
"Mabuti. tignan natin kung hindi mabaliw ang siraulong 'yon kapag nalaman niya ang gagawin natin sa pinakamamahal niya,"
Naghalakhakan ang mga ito. Nasa apat o tatlong lalaki yata ang nasa loob ng kanilang silid.
Binalot ng kakaibang takot si Selena. Anong sinasabi ng mga ito. Pero panibugho naman ang naramdaman niya para sa asawa.
Sinong babae ang tinutukoy ng mga ito? At ano daw, mababaliw ang asawa ko kapag may nangyari sa pinakamamahal nito?
Hindi niya namalayan ay umiiyak na pala siya . Pigil pigil niya ang pagsinghot niya para hindi sila marinig ng mga tao sa labas.
"Tara na! Baka abutan tayo ng mga tao ni Silvano!"
Narinig niya ang pag bukas-sara ng pinto ng kwarto. Natahimik din bigla.
Tanging pag hinga nilang dalawa at tahimik niyang pag luha ang maririnig sa sulok ng maliit na pintong iyon.
Napansin naman ni Greco ang pag iyak niya. Inangat nito ang mukha niya na punong-puno ng luha.
Marahan nitong pinunasan ang luha sa mukha niya. He cupped her face. Kinintalan siya nito ng magaang halik sa labi.
"Stop crying... whatever you heard earlier just don't mind it, Okay? Sa akin ka lang maniwala."
Nakikiusap ang tono nito. Pero mas lalo lang ako naiyak.
"S-Sinong babae 'yon, G-Greco? P-Pinakamamahal?"
"I told you to trust me, okay?"
"Pero gusto ko malaman. M-May babae ka ba?"
Sumisinok-sinok na siya.
Tumitig naman sandali si Greco sa kanya bago nagsalita.
"Wala akong ibang babae. Your my wife, my life, Your the one I loved the most."
Napahinto siya sa pag iyak. Totoo ba ang sinabi nito?
p-pero...
"Listen... I'm sorry if naging malamig ako sa 'yo. I didn't meant it. I was forced to do that."
Napakunot naman ang noo niya.
"N-Nino?"
Ilang segundo naman itong tahimik bago siya nagawang sagutin.
"Maxine, Do you still remember her?"
Ako naman ang natigilan. Maxine? Ofcourse I still remember her. How can I forget that b*tch!
Isa ito sa mga naging bisita noon sa kasal nila ng asawa.
Sa pag kakaalam ko ay dati itong ex-girlfriend ni Greco since college pa.
Hindi niya ito gusto dahil sa lantaran kung aakitin nito ang asawa niya.
Iilang besen na rin niya itong naabutan sa opisina ng asawa noon na kulang nalang ay maghubad sa harap nito.
Tapos ngayon ito pala ang dahilan kaya binaliwala siya ng asawa ng isang taon? what the--
"Pero bakit naman niya gagawin 'yon? May relasyon ba kayo no'n Greco?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala. Pero siya ang laging nag papakita ng motibo s akin. lagi... Pero never ko naman pinatulan kasi kasal na ako,"
"Kapag ba hindi ka kasal, papatulan mo 'yon?"
Inis kong sabi. Natawa naman siya.
"Hindi rin."
"Eh bakit mo sinunod ang babaeng 'yon? pinaglololoko mo ba ako, ha?"
"Love, please.. forgive me. I did those to protect you from her,"
"At bakit naman? wala naman akong kasalanan sa kanya."
Naiinis na talaga ako sa babaeng 'yon. talagang handang gawin ang lahat kahit ang magpapatay para maangkin ang asawa ko!
"She said. She will kill you if hindi kita hiniwalayan, Sa takot ko ay pinalabas ko na nagkakasira tayong dalawa. Iyon nga ang mga pag iwas ko at hindi pag uwi ng madalas sa atin. Dito ako natutulog kapag hindi ako nauwi sa atin. Alam kong pinasusundan niya ako sa mga tao niya kaya nililihis ko sila lagi. Pero ito ang unang beses na pinuntahan ako ng mga tao niya dito. At balak pa 'yata akong ipapatay!"
Nakatiim bagang siya habang nagsasalita. Dama ko naman ang kaseryosohan sa tinig niya.
Hinaplos niya ang mukha ko.
"I'm sorry, From now on. Hindi na ako papayag na magpasailalim sa kanila. Nanghihina ako kapag hindi kita nakikita e. Mas malakas ako kapag nasa tabi kita."
Nag init bigla ang mukha ko. Para namang may mainir na bagay na humaplos sa puso ko sa mga sinasabi niyang ito sa akin.
"Wag mo nga akong bolahin!"
Pinandilatan ko siya. May konting liwanang naman ang tumatagos mula sa pinto kaya hindi naman gaanong madilim.
He just chuckled.
"Hindi kita binobola misis ko,"
"Iwan ko sa 'yo."
Muli lang siyang natawa.
Ilang minuto pa ang pinalipas namin bago kami nagpasyang lumabas.
Sabi naman niya ay hindi na babalik ang mga iyon dahil hindi naman sila nakita ng mga ito. Pero natatakot parin ako. But he assured me that were going to be fine.
May mga tao rin naman daw siya na nag uupdate sa kanya sa mga magiging kilos ng Maxine na 'yon!
Baliw na babae.
Nakaramdam ako ng gutom kaya napag pasyahan naming magpadeliver na lang nang pagkain.
Habang nag aantay ay inayos namin ang mga nagkalat na kagamitan sa sala na mukhang sinadyang ikalat ng mga tao kanina.
Kahit natatakot ay hindi naman magkamayaw ang puso ko sa saya dahil atleast nagkaroon ng linaw ang lahat sa akin.
Isa ito sa na-unlocked na isipin sa akin. May dahilan pala siya.