Simon
Nasa canteen kami ng kaibigan ko, si Daniel, katatapos lang naming kumain at tumambay muna dito. Magulo sa classroom, andaming mga babaeng pabida. Noong isang linggo pa nga ay pinatawag pa ulit ako sa guidance office dahil doon sa pangti-trip naming sa kaklase naming si Kliara.
“Kliara.” Sambit nitong katabi ko. Napatingin naman ako sa babaeng kakabanggit ko lang sa isip ko kanina.
Tumingin din naman si Kliara saamin.
“Maganda ka daw sabi ni Simon.” Biro ni Daniel. Siniko ko naman sya kaagad.
Umirap lang si Kliara.
“Sorry madam. Crush ka kasi ni Daniel eh. Aminin mo na kasi Dan.” Pang aasar ko naman kay Daniel. Umirap ulit siya at umalis na. May binili lang ata siya.
“Kung ako sa’yo Simon, liligawan ko yang si Kliara. Mabait naman eh, tapos matalino pa.” sabi ni Daniel sa akin.
“Gago, di ko yun type. Baka type mo.” Sagot ko sa kanya.
“Kunwari ka pa, binigyan mo nga ng cheesecake eh. HAHAHAHA” pang aasar nya ulit. Napailing na lang ako.
Ilang araw ko na ring naririnig sa mga kaklase ko yung tungkol sa cheesecake. Gusto ko lang naman talagang mag sorry no’n. Hindi ko alam kung paano siya lapitan pero napansin ko na mahilig syang kumain nong cheesecake na yon kaya bumili ako bago ako lumapit at nag sorry sa kanya.
“Gago ka talaga. Kasalanan mo yun eh.” Saad ko. Talaga namang itong si Daniel ang dahilan kung bakit napatawag tuloy kami sa guidance. Nung nahuli nya kasi yung daga ay binigay niya yon sakin, tiempong nandon si Kliara kaya siya tuloy itinuro nitong si Daniel na takutin ko raw gamit iyon.
Malay ko bang magiging malaking pagkakamali ko pala iyon.
Pero oo, kasalanan ko pa din. Kasi ako ang nag–abot no’n kay Kliara. Si Kliara na walang kamalay-malay. Iniirapan niya ako palagi simula noong nabangga ko siya sa hallway, pero hanggang doon lang naman. Tingin ko ay mabait naman siya. Tulad ng sabi ng magaling kong kaibigan na si Daniel, maganda si Kliara, matalino at mabait, kaya sa palagay ko, kung may liligawan man ako, hindi siya yon.
---
Kliara
“Vaughn, pahiram naman ng notes mo sa Filipino.” Request ko sa katabi kong si Vaughn. Kanina kasing 1 pm ay na stuck ako paggawa ng report ko sa Mapeh kaya habang nagle-lesson si Sir Mike ay panay naman ang sulat ko pero hindi niya alam na sa Mapeh report ko yun.
“Ayoko nga.” Sabi ni Vaughn. Pinisil ko naman sya sa braso dahil alam kong binibiro na naman nya ako.
“Sige na kasi, eto naman ang damot.” Pagsakay ko sa trip nya. Nag puppy eyes pa ako at umakto naman syang diring-diri sakin.
“Sobra to!” panghahampas ko sa kanya. Binuksan ko ang drawer nya para kunin ang notebook nya ng pwersahan at wala na siyang nagawa. I scanned all his notebooks pero wala doon ang notebook na hinahanap ko.
“Vaughn, wala dito yung Filipino mo.” Saad ko. Tinulungan niya ako maghanap at nang ma confirm nya na wala nga doon ang notebook ay napaisip nya.
“Hala, baka naiwan ko doon sa classroom ni Sir Mike.” Saad nya.
“ang clumsy mo naman.” Pailing iling kong inasar si Vaughn. “See? Kung hindi ko pa hinanap, hindi mo rin nalaman na naiwan mo ang notebook mo. Ako na lang ang kukuha mamaya sa classroom ni Sir.” Pag vo-volunteer ko, total hihiramin ko na din naman.
Pagkatapos ng klase namin, natagalan pa ako bago makapunta sa classroom kung saan ko kukunin ang notebook dahil may ti-nake pa akong quiz sa adviser’s office. Wala ng mga estudyante sa hallways at maging sa loob ng mga classrooms.
Nasa bandang likod ng skwelahan yung classroom ni Sir Mike kaya mula third floor ng school building, bumaba pa ako papuntang school grounds at dumaan sa isa pang building sa tapat, tapos dumaan sa likod papunta doon sa classroom na yun. Talagang nasa sulok na ito ng school vicinity at malapit lamang sa end ng border/fence ng school.
Dahil hindi ko naman masyadong close si Sir, dahan dahan lang akong naglakad palapit sa door ng classroom, ngunit, di pa man ako nakakalapit ay nakita ko si Sir na may kasama sa loob. Isang estudyante.
Nang maaninag ko kung ano ang ginagawa nila ay napapikit ako at agad na nagtago sa may wall ng classroom sa bandang pintuan sa labas. What the actual heck!
After a few seconds, nag isip ako ng paraan kung paano ako makakaalis doon nang hindi ako nakikita. Naisipan kong gumapang nalang para hindi nila ako makikita sa bintana. Akmang gagapang na nga ako paalis doon, pero biglang may humawak ng kamay ko. Sa takot at gulat ko sa kanya, sisigaw na dapat ako, pero tinakpan nya naman kaagad ang bibig ko at hinila ako by his side, our position is even quite awkward because his face is very close to mine. He hushed me noong nahila na nya ulit ako sa bandang likod ng classroom na yon.
“Simon?”
I said with my lowest voice. He hushed me again.
“What are you doing here?” I asked.
“Ikaw ang what are you doing. Bakit ka nandon.” Sagot nya naman sakin.
“I don’t know,” I answered. Nakalimutan ko na kung bakit ako napunta doon. “We need to get out of here.” I told him.
“Alam ko. Sumunod ka sa akin.” utos pa niya.
It was actually surprising, that of all people, he would catch me in that situation, him of all people. But nevermind, I am just so relieved to see him.
---
Simon
Pagkatapos ng klase namin, nagpasya akong mag punta sa pinaka likod ng third year section II classroom dahil doon ko iniwan yung yosi ko kanina bago ang klase namin sa Filipino. Nakalimutan kong kunin yon pagkatapos, sayang naman baka umulan pa mamayang gabi, hindi ko na magagamit bukas.
Malapit na ako sa classroom na yon nang mamataan kong papunta din doon si Kliara. Hindi ko alam kung bakit siya papunta doon, pero sinundan ko na lang din sya Binagalan ko lang ang paglalakad ko para hindi niya ako mapansin. Baka akalain na naman kasi nya na pinagti-tripan ko na naman sya.
Nakarating na sya may pintuan, pero hindi sya tumuloy at biglang nagulat at nag tago. Nagtaka ako, at nang makita ko din yun ay nagulat din ako.
Hinila ko si Kliara dahil nakita kong napansin ni Sir Mike na may tao sa labas. Agad ko namang tinakpan ang bibig nya para hindi siya makapagsalita. Dinala ko sya sa likod ng classroom na iyon tsaka ko siya pinakawalan.
Dahan dahan kaming nag lakad papunta sa pader ng likod ng skwelahan at dahil hindi ko naman pwedeng iwan ‘tong si Kliara ay pina-una ko syang pinaakyat.
“Are you serious? Pa’no kung mahulog ako?” Tanong pa niya. Tinakpan ko ulit ang bibig nya dahil baka marinig at makita kami ni Sir Mike.
“Gusto mo bang mahuli tayo ha?” Pabulong kong tanong sa kanya. “Bilis, akyat! Wag kang mag alala, may makakapitan ka sa kabila pagbaba mo.” Sabi ko sa kanya.
“Tangina, fine.” Sabi niya. Natawa pa ko nang nasabi nya yun.
Pina-angkas ko sya gamit ang kamay ko, (cheerleading) at agad naman syang nakaakyat sa pader, pagkatapos no’n ay sumunod agad ako. Ngayon ay nasa tuktok na kaming dalawa ng pader.
“Talon” sabi ko. Nagulat sya sa sinabi ko.
“Ano?” tanong nya.
“Basta, wag na wag kang sisigaw kung ayaw mong mahuli tayo ni Sir Mike, naiintindihan mo?” Hindi ko na pinansin kung ano pa ang mga sinabi nya, at hinawakan ko ang kamay niya. Pagkatapos non ay tumalon ako kasama siya sa pader. Medyo mataas ang pader pero hindi naman ganon ka taas para mabalian ka pag tumalon ka. Mga six feet lang.
“Gago ka talaga.” Sabi niya sakin. “I could’ve died!” reklamo pa niya. Umiling nalang ako.
“Ang lala mo mag isip, pansin mo yun?” komento ko.
“Seriously? Paano kung namatay ako don?” Reklamo niya ulit. Galit na yata.
“Pero hindi naman diba?” sagot ko. “Anong gusto mo, iwan kita don?”
“How dare you! Beast ka talaga. Sabi mo may makakapitan ako pagbaba.” aniya at sinapak pa ako sa braso.
“Meron nga, ako.” Saad ko na natatawa.
“AH TALAGA BA, SIMON!.” sabi niya at sinapak pa ako ulit bago niya inayos ang sarili niya.
Naglakad na kami pabalik sa campus. Hindi pa rin siya matigil ka reklamo. Hindi ko lang siya pinansin hanggang sa kumalma na siya at nagtanong.
---
Kliara
“Nakita mo din ba yun?” tanong ko kay Simon. He isn’t dumb naman not to know what I meant.
“Ang alin?” pabalik na tanong nitong si Simon sa’kin.
“Kunwari ka pa eh.” Asar ko sa kanya. “I mean how could they do that. He’s married.”
“Ang alin nga?” tanong ni Simon. Bwiset talaga.
“Nakakapikon ka talaga! Alam kong nakita mo yon.” Sinuntok ko sya ng mahina sa braso. Alam ko na kung bakit Beast ang tawag ko kasi Bwiset siya.
“Tigilan mo nga ako, kung anong nakita mo, problema mo na yun, basta ako, wala akong alam diyan sa sinasabi mo. “
“Kung ganon bakit mo ako hinatak dito?” I argued. Hindi na siya nakaimik at parang natatawa pa siya.
“See? I knew it!” Pag confirm ko.
Nakarating na kami sa parking lot ng campus ng makita ako ni Vaughn na kasama si Simon.
“Huy, sa’n kayo galling?” he asked.
“Wala. Uhm, --“ hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
“May pinag-usapan lang.” sagot ni Simon sa kanya. Napabaling naman ako kay Simon dahil sa sinabi niyang iyon. Anong may pinag-usapan…
Tumango lang si Vaughn pero tila nagtataka pa rin. “Yung notebook ko, nakuha mo ba?” tanong niya.
“Notebook? – Oo nga pala!, yung notebook nga pala, nakalimutan ko sa sobrang dami ng nangyari. Uuuh uhm, hindi eh, bukas nalang yun. Naka lock na yung classroom ni Sir eh.” Excuse ko kay Vaughn.
“Tanga, wala doon ‘yon, nasa bag ko lang.” sabi ni Vaughn sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Damn you Vaughn! kung alam mo lang ang pinagdaanan ko today para sa notebook na ‘yan. Sabi ko sa utak ko.
“GOOD. YUN NAMAN PALA EH.” I answered as calm as possible. I can even see Simon suppressing a laugh at me.
“Anyway, see you guys tomorrow. “ Saad ko kay tsaka pumunta sa scooter ko na naka-park don.
The next day, I was late because I didn’t get to use my scooter kasi gagamitin ng kuya ko. When I arrived at the classroom our Chemistry class had started. I creeped into my seat at dahil nasa front row kami, katabi ko si Vaughn, we cannot talk dahil malamang mapapagalitan kami ng adviser namin.
Vaughn then, pretending to share with me his notebook, wrote something on it.
‘ANONG MERON SA INYO NI SIMON, EEEE.’
He wrote that. I glared at him and got the notebook for me to write a reply.
‘Stupid. Wala. Nagkasabay lang kami sa parking lot.’ I wrote back.
‘MAMATAY?’ He wrote again.
‘Selos ka, no?’ biro ko para matigil na siya. Nagagalit kasi siya kapag inaasar siya ng ibang kaklase namin na may gusto siya sa’kin. Ofcourse, I know he doesn’t. A guy and a girl can be best friends and never anything more than that.
‘In your dreams’, He replied. We’re still exchanging his notebook. I never knew until now na napaka-chismoso pala ng Vaughn na ‘to. Hahahaha!
“Dreams Come True.” I whispered to Vaughn. Pero, bigo ako dahil narinig kami ng teacher naming at na-warning kaming dalawa. Napansin niya pala na busy kaming dalawa do’n sa notebook.
“Chismoso mo kasi eh.” I complained to Vaughn nang matapos ang klase.
“Haha! eh bakit kasi may pa bulong-bulong ka pang dreams come true. Gaga ka din eh.” Pang-aaway niya sakin. That’s a line na pinauso niya among our group of friends, actually.
“Whatever Vaughn, ibigay mo na nga sakin yung notebook.” I asked.
“No way!” He said, teasing me. Sinuntok ko siya ng mahina sa braso. Kaasar hahaha. Hinawi ko siya paalis sa desk niya at kinuha ko yung notebook.
Freaking notebook. It got me into too much trouble yesterday.
Napatingin ako sa last row kung saan nakaupo si Simon. He was just in his usual, mysterious, pasaway looking self habang nakatitig lang sa mga kaibigan niyang panay ang pag-uusap at kulitan.
I looked away when he caught me glancing in his direction.
“Kliara, Malala ka na.” A devil’s advocate spoke behind me.
“Napaka-judgmental mo Vaughn Isaiah” I argued and he kept teasing me about Simon and what he saw yesterday.
Pilit ko ding tinatakpan yung bibig niya para hindi niya mabanggit ang pangalan ni Simon, kasi kapag narinig pa yun ng iba, mas lalo lang akong aasarin. Miski si Vaughn nga ay na li-link din sa’kin dahil lang sa close kami. Naturally, he would be, dahil seatmates kami at Ex siya ng bestfriend ko, but I would never date Vaughn. I would never date someone my friends have dated.
During break time, nasa canteen ako with my friends, on the other table across ours, I see Simon and his friends, and hindi naman sa coincidence dahil school canteen naman to and we would naturally be seeing each other.
While enjoying my good lunch, Gwen walked by with her friends. We’re batchmates but we had a little bit of history kaya hindi ko siya naging close ever since. But we talk, for sure. Rather, she talks to me. But it’s obvious na nakikipag-plastikan lang siya, that’s why me and my friends don't like her that much.
But now, I kind of want to talk to her, especially with what I saw yesterday.
I turned to Simon who also saw Gwen. But for some reason, iba ang nakikita ko sa mga mata niya. It’s like he knows Gwen on a deeper level and he is somewhat hurt.
“Bee, tara na.” one of my friends told me. May practice kami sa marching band in the afternoon and we need to freshen up a little bit, dahil requirement ‘yon ng Band Master namin.
I’ve got to leave, but then, I can’t help but be curious. So, in the middle of walking, and in front of Simon’s table, I stopped.
“Simon, can I speak with you?” I asked him. My friends were dumbfounded with what I did for whatever reason.