Chapter One: Episode 11

1831 Words
Simon Natapos din ang match, nanalo kami. Hindi ako makapaniwala na nanalo kami pero yun nga, at ang pinaka impossible pa don, ako yung nakapag-panalo samin. Sobrang saya nilang lahat, pati si Sir Mike at pinagkakaguluhan nila ako, pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagawa ko yung winning goal. Hindi pa ako ganon ka bilis kumilos kaya may halong kaba ako habang naglalaro, pero nung na sa akin yung bola, bigla kong naisip yung sinabi sa akin ni Sir Mike na mag focus lang ako, kaya nag focus lang ako na hindi maagaw sa akin yung bola at tsaka ko sinubukang itawid yun sa goal keeper. “Congrats Simon! Ang galing mo dude!” Sinabi sa akin ng ka team ko. Nagpasalamat lang ako isa-isa sa kanila at nang matapos na silang pagkaguluhan ako ay pinanood namin ulit yung banda nila Kliara na sumasayaw sa gitna. Naisip ko, kung hindi kami nagkakilala, malamang, wala ako sa football team ngayon, at malamang, hindi ko nagawa ang mga bagay na nagawa ko ngayong araw na ‘to. Kaya sobrang guilty pa rin ako sa mga sinabi ko sa kanya nung party. Nang matapos na sila sa pagsasayaw ay lumapit silang lahat sa amin. Gabi na rin kaya uuwi na din kami pagkatapos naming magligpit ng mga gamit. “Congrats Simon! Congrats Sir, Congrats team!” bati nila sa amin. “Salamat,” saad ko sa kanila. “Picture tayo!” Biglang sabi ng isang kasama nila Kliara, at pinaunlakan naman ng mga ka team ko iyon. “Simon, dito ka sa gitna.” Sabi nang mga seniors ko sa akin. Sumunod na lang din ako para matapos na. Pero hindi pa din pala dahil pagkatapos no’n, halos isa isa sa kanila ay nagpapicture pa kasama ako. Hindi ako mahilig sa mga picture2x kaya nailang ako sa mga pangyayari, isa pa, nasa gilid lang si Kliara kaya alam kong nakikita niya ako, at ayaw kong masabi niya na nagpapasikat ako dahil lang naka goal ako. Pagkatapos nang isa pang nagpapicture sa akin ay kinuha ko na yung bag ko na malapit lang sa kinatatayuan ni Kliara. Nang kukunin ko na yun ay tumingin siya sa akin at nagsalita. “Congrats Simon. You did well.” Sinabi niya sa mahinang boses. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sasagutin ko na sana siya ng salamat pero umalis na siya, kaya agad ko siyang hinabol at pinigilan, hawak ko ang braso niya. “Sandali.” Saad ko at napatingin siya sa’kin. “Salamat—” napahiya ako dahil napatingin din si Abi sa akin sa ginawa ko. “Pwede bang magpapicture tayo?” halos matampal ko ang bibig ko sa pangalawang sinabi ko. Wala na kasi akong ibang maisip na sasabihin sa kanila at napapahiya na talaga ako. “Picture daw kayo Bee.” Sinabi ni Abi kay Kliara na mukhang nagulat din sa mga sinabi ko. Hiningi sa akin ni Abigail yung cellphone na gagamitin sa pagkuha ng picture, pero nakalimutan ko palang magdala ng cellphone. Tsk! Ang tanga mo talaga Simon! “Sa-sa cellphone ko nalang.” Sabi ni Kliara nang ma gets niya na wala akong cellphone. Binigay niya yung cellphone niya. “Okay, closer Bee and Simon.” Sabi ni Abigail ngunit hindi gumalaw si Kliara. Hinatak ko siya sa bewang at pinalapit sa’kin, at nagsimula ng mag flash yung camera ng cellphone niya. Kahit nagulat siya sa ginawa ko ay humarap pa rin siya sakin pagkatapos. “Sorry.” Saad ko sa kanya. “Alis na kami. Congrats ulit.” Sabi niya at nagmamadaling inaya na si Abi na umalis.Siguro ay nailang din siya sa ginawa ko. Nakakahiya talaga. Sabay-sabay kaming lahat na hinatid ng bus, pero si Kliara, doon lang siya bumaba sa kanila. Nanalo din pala ang basketball team, at sobrang masaya si Kliara ng mabalitaan yon. Sa sobrang saya niya, niyakap niya si Vaughn sa bus. Nakita ko yun dahil magkatabi silang dalawa at nakita ko iyon noong paupo na ako sa pwesto ko. Silang dalawa ni Abigail ang magkasama kanina, pero hindi ko na nakita si Abigail sa bus. Tss! Pag-uwi ko sa amin, tinggal ko yung medal na sinuot sa akin kanina, at naabutan ako ni William na ginagawa yon dahil nasa sala siya. “Ano yang medal mo kuya?” tanong niya sakin. “Wala.” Sagot ko. Lumapit siya sakin at kinuha yung medal. “Wow! NANALO KAYO SA FOOTBALL?” tanong niya. “Ano naman?” tanong ko. “MAAAAA. NANALO SI KUYA, AY HINDI YUNG FOOTBALL TEAM NG SCHOOL.” Sigaw niya. Maya-maya’y lumabas si mama sa kwarto niya. “Ano ba yun?” tanong niya. “Nanalo sila kuya doon sa district meet. Football player na kasi siya.” Explain ni William. “Ayyy nako, ang iingay niyo. Hindi ko naman maintindihan yang mga ganap niyo.” Sabi niya. “Ma, ako kasi yung naka goal –” Hindi pa man ako nakatapos sa pagsasalita ay pinutol na ni mama ang sinabi ko “Matulog na kayo. Ikaw maligo ka na, ang dugyot ng itsura mo.” Sabi niya sa’kin tsaka pumasok sa kwarto niya. “Congrats Kuya. Good night.” Sabi ni William at pumasok na din sa kwarto niya/namin. Simula no’ng nag eighteen ako, hindi na ako sinuportaan ng Papa kong taga Australia, ganon kasi do’n, kapag 18 na, bahala ka na sa buhay mo. Kaya simula din noon, medyo naghirap na kami dahil wala namang trabaho si Mama at yung Tito ko naman, na Papa ni William, nasa construction. May dalawa pa kaming kapatid na nasa elementary pa, kaya naman, parang wala na lang ako sa bahay na to. Kaya, kapag naka graduate na ako ng High School, magta-trabaho na din ako para may ma-i-ambag naman ako. Humiga na lang din ako pagkatapos kong maligo at habang pinipilit kong makatulog, naisip ko na naman si Kliara. “William.” Tawag ko sa kapatid ko. Isa pa ‘to eh. Sarap batukan, minsan inaaway ako, minsan naman may pa Kuya2x na nalalaman. “Hmmm.” sagot niya. Hindi pa din pala siya nakakatulog. “Kaibigan mo si Kliara diba?” tanong ko. Nakita ko kasi nung una na close sila. “Oo bakit,” tanong niya. “Boyfriend ba niya si Vaughn?” tanong ko pabalik. Susulitin ko na habang close pa kami ngayong gabing ‘to. “Ang alam ko ex ni Axl si Vaughn. Hindi naman siguro papatulan ni Kliara yung ex ng kaibigan niya.” Sabi niya sakin. “Teka, ba’t ako tinatanong mo, kayo naman ang classmates.” Dagdag pa niya. Hindi ako nakasagot. “Kailan nag break si Vaughn at Axel?” tanong ko pa. “Hindi ko alam, ba’t ang dami mong tanong jan” sagot niya naman. Umaandar na naman yung pagka bastos niya. “Kung ganon sino ang boyfriend ni Kliara.” Sabi ko. “Wala nga, break na sila ni Jake daw eh.” Sumagot naman siya. Parang tanga talaga. Kung totoo ang mga sinasabi ni William. Ibig sabihin, totoong mag bestfriend lang si Kliara at Vaughn. Pero hindi eh, ang sweet nila sa isa’t-isa. Imposibleng hindi sila. “Bakit tanong ng tanong ka tungkol kay Kliara? Crush mo no?” pahabol pa ni William. “Matulog ka na nga ang ingay mo.” Saway ko sa kanya. “Eh, wala ka namang chance do’n eh, ang layo mo kay Jake. Mabait yun eh.” Sabi niya tsaka nagsabing matutulog na. Edi wala. Sinabi ko bang gusto ko yun. Tss! Kliara Instant fame si Simon nung ma-announce sa buong school ang achievement niya sa District Meet. Yung iba nagka-instant crush pa sa kanya lalo na’t nai-feature siya sa school paper. Pero kahit ganun hindi ko naman naramdaman that he felt proud about it or bragged about it. Now that I think about it, masyado na siyang lowkey ngayon. Even in class, hindi na siya nagpapasaway. I don’t know what happened but everytime I look at him, he seems so cold and he looks sad. “Kliara Marie” ayan na naman at tinatawag na naman ako ni Vaughn. “Shut up, porket MVP ka!” “Anong konek? Sapakin kita jan, apaka waley mo.” “Che! Ano ba’ng kailangan mo?” tanong ko. “Bilhan mo akong guitar.” Saad niya na nagpapa-cute pa. “In your dreams, tingin mo afford ko yun.” Sagot ko. “Sige na Kliara Marie, mayaman ka naman eh. Tsaka diba nagtanong ka anong reward ang gusto ko?” – Vaughn. “Nope. Not a guitar. We’re not mayaman.” “We’re not mayaman” he mimicked me. “Apaka arte. Bilhan mo na ako, ha? Ha?!” he begged. “Ayoko nga, ang kulit.” Buti nalang at nakuha akong scholar nang school kaya walang masyadong gastos ang parents ko sa akin, except for the scooter and my allowance. The last thing I asked from my mum was the money which I donated for Simon’s football jersey and all other stuff for football para sa school. I thought about it again, and nahihiya ako sa ginawa ko. I never once asked my parents money so I can buy something for a man. Not even for my brothers, not even for Jake. Kung may binili man ako kay Jake, it was from my allowance. But anyway, masaya na rin akong nakatulong kay Simon. He made it worth it on his own effort, kahit na hindi namin nagawa yung mga plans namin. - “For your upcoming second quarter examinations, I will be requiring you to present a song in front of your classmates, and you will be graded through your performances accordingly.” Sabi ng MAPEH teacher namin bago nag end ang session namin sa Music. Now we are going to clean our assigned areas so that we can go home. With my stick broom, I went out, and naabutan ko ang ibang classmates ko sa labas, they are looking at something. or.... someone. I looked up sa second floor ng building and saw what they were busy gossiping about. "Sila na kaya?" sabi ng isa kong ka-klase. "Hindi ko alam, first time kong nakita si Gwen with Simon eh." sagot ng isa. "Bee.." someone called me, I snapped out of my thoughts. "Tawag ka ni Miss Fern." - my classmate said. "Okay, papunta na." iniwan ko na sila doon at pumunta na kay Miss Fern. The last time we talked, he said he doesn’t wanna court Gwen anymore so he’s cutting off all connections from both of us. But it doesn’t seem like it. Maybe he realized he really likes Gwen. And maybe she also realized now that Simon is not so bad at all. If they are a thing now, I should be happy because finally, natupad na ang plans ko para sa kanila. But, I wasn't happy at all. I found myself there standing and watching them and it's as if it was the worst day of my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD