“NAKITA mo ba ang hitsura niya?” tanong sa akin ni Sir Reyes. Nasa loob kami ngayon ng isang room kung saan naroon ang mga pulis na nagtatrabaho. Kasalukuyan kaming kinakausap ng aming guro at ng kasama nitong hepe ng kapulisan tungkol sa note na nakuha ko sa locker. “Naka-facemask siya ng kulay itim,” wika ko, “nakasuot siya ng black hoodie jacket, at nakatayo siya malapit sa amin sa locker.” Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa nangyari kanina. Sinundan namin ang pinanggalingan niya ngunit nabigo lamang kami nina Philip na maabutan siya. Ang mas nakadagdag pa ng takot ko ay ang nilalaman ng sulat na aming nakita sa locker ko. punong-puno iyon ng pagbabanta. “Mukhang mautak ang nasa likod ng lahat ng ito,” wika naman ng pulis, “kabisado niya ang lahat ng galaw n’yo.” “May m

