CHRISTMAS season na. Sa susunod na araw ay Christmas Eve na. Hindi ako makapaniwala na isang linggo na lang ay sasalubungin na namin ulit ang panibagong taon para sa buhay naming lahat. Lahat kaming magkakaibigan ay pasado sa first semester. Masaya sa pakiramdam ngunit sa kabilang banda ay medyo kinakabahan, dahil panibagong semester na naman ang naghihintay sa amin at pahirap na nang pahirap. Umuwi na sina Jeremy at Nicca sa New York noong isang araw upang doon mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon. Samantalang sina Yna, Max, at Leah ay umuwi na rin sa kani-kanilang mga probinsya upang doon din mag-celebrate. Kasalukuyan kaming nasa isang mall ni Philip ngayon. Inutusan siya ng kanyang ina na mamili ng mga gamit. Sakto namang bibili ako ngayon ng mga gamit at pangregalo para bukas. Ma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


