NATAPOS na siya sa pag rampa ng pangalawang lingerie, at ang last niya ay ang medyo bongga na lingerie, hindi lang kasi basta lingerie ito. may lace pa ito na parang dress at may props pang malaki sa likod niya, gray ang kulay nito at talagang namamangha siya sa pag gawa ng damit na yun. "tumawag ba sayo si felix?" tanong niya kay gab, hindi niya kasi alam kung nanonood ba ito. " no, hindi ko alam, wala akong alam! " tinaasan naman niya ito ng kilay dahil sa inasta. tapos umakto pa itong zini zipper ang bibig. napailing nalang siya sa kakulitan ng kaibigan. "oh my god! ang diyosa talaga... bet na bet ko tong suot mo ngayon!" sambit nito habang inaayos ang mahabang tela na nakalaylay sa sahig. "im proud of you... sundin mo ang puso mo at mas sasaya ka pa" kumunot lalo ang noo niya, paki

