Chapter 69

1411 Words

MACY COLLIEN Napadilat ako bigla. Nasa isang silid ako. Hindi ko alam kung saan ako ngayon. Dahan-dahan akong bumangon para hanapin ang bag at phone ko. Pero hindi ko ito makita. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Naglakad ako papunta sa may pinto. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya naman lumabas na ako. At bumungad sa akin ang malawak at malaking bahay. Ang ganda at halatang mamahalin ang mga gamit na narito. Sigurado ako na bahay ni Michael ito. Kung hindi man ay bahay ng pamilya nila. “Good morning po, Ma’am.” Bati sa akin ng isang babae. “Good morning. Kaninong bahay ito?” tanong ko sa kanya. “Sa inyo po. Umalis po muna si Sir Michael. Ang sabi po niya ay uuwi rin po siya kaagad. Handa na po ang mesa. Mag-almusal na po kayo.” Nakangiti na sabi niya sa akin. “Sige, salamat.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD