MICHAEL I'm here in Taiwan. May business trip ako dito. Gusto ko sana na isama si Macy pero tumanggi siya. Kaya ako na lang mag-isa ngayon ang nandito. Ayaw ko na siyang magtrabaho pero matigas talaga ang ulo niya. Sa totoo lang ay inip na inip na ako. Ikalawang araw ko pa lang dito ay parang gusto ko ng umuwi sa Pinas. Hindi ako makatulog ng maayos dahil hindi ko katabi ang babaeng mahal ko. Nasanay na ako na kasama ko si Macy. Hinahanap-hanap ko ang natural na amoy ng katawan niya. Ang mainit niyang yakap at ang matamis niyang halik. Sh*t, ngayon lang ako sobrang naulol sa babae. Alam ko na nagulat siya sa sinabi ko na may ex-wife na ako. Iyon ang sikreto na gusto ko na lang ibaon sa limot. Nagkaroon ako ng asawa na ipinagpalit ako sa ibang lalaki. Pero noong sinabi ko na si Macy la

