MACY COLLIEN “I’m sorry,” umiiyak na sabi ko sa kanya. “Bakit ka nagsosorry sa akin? Wala kang kasalanan.” malumanay na sabi niya sa akin. Pinupunasan rin niya ang mga luha ko. “Nakakahiya ako diba? Sobrang nakakahiya ako?” tanong ko sa kanya. “Don’t say that. Kahit kailan ay hindi kita kinakahiya. I love you so much, baby. So, stop crying na.” malambing na sabi niya sa akin. “Tatanggalin mo na ba ako sa trabaho?” tanong ko sa kanya. “Bakit ko naman gagawin ‘yan? Sila ang tatanggalin ko. Dahil sa hindi magandang ugali na ipinakita nila.” sagot niya sa akin. “Parang… Parang hindi ko na kayang pumasok. Hiyang-hiya na ako, lalo na maraming nakakita sa akin.” sabi ko sa kanya. “Mas okay na hindi ka na pumasok para makapagpahinga kayo ni baby. Hayaan mo sila dahil tatanggalin ko silang

