Chapter 3 Meet and greet

1569 Words
Angel P.o.v. "Angel, gising na." I just ignored her. I don't want to get up, inaantok pa ako eh. "Angel, tumayo ka na d'yan. Magagalit na naman ang Daddy mo pag na-late ka.." Narinig kong sabi ni Yaya Merced, pero imbis na matinag nag-talukbong ako ng kumot. "Hay naku! ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. bumangon ka na, maya-maya ha?" "Okay." Antok pang sagot ko. Narinig ko ang pag-sara ng pinto. Hay salamat lumabas na si Yaya. Ewan ko ba sa ugali ko, ayoko kasing pinipilit sa ayaw kong gawin. Yeah, may pagka-stubborn ako. Mas lalo akong nag-mamatigas pag gan'on. Tok.tok.tok. "Angel, baby? wake up na." Malambing na sabi niya, pero may awtoridad sa boses nito, na kapag hindi ako tumayo, sangkatutak na sermon nanaman aabutin ko. That's my Dad. Pag siya na ung tumatawag sa'kin at nang-gigising, napipilitan na talaga akong bumangon. Ayaw niya kasi ung nala-late. Napaka-punctual kasi ng Daddy ko. Sobrang aga nitong umalis minsan ng bahay, kaya hindi ko na siya naabutan pag-gising ko. "Yes Dad, Sunod na lang po ako sa dining." "Okay, hurry." Napa-buntong hininga na lang ako. Sa totoo lang, 'di ako morning person. I hate to wake up early, pero no choice. I need to get up. Hayy. Ang hirap kasi mag-adjust pag napa-haba ung bakasyon eh. Bumangon na ko sa kama at kinuha na ung towel ko para mag-shower at makapag bihis na rin. . . Pagdating sa school, nakita ko na agad sila Jasmine, Rose at si Jeff. Late akong nakapag-enroll. Ang dami pa kasing Ek-ek doon sa dati kong school eh. lumipat talaga ako dito, mas maganda raw kasi mag-aral ng culinary sa school na 'to, tska para kasama ko na rin ung dalawa kong minions haha! Bad! Si jeff ung ahm...Boyfriend ko? Hindi ako sure noh? Hindi ko kasi talaga siya feel. Napilitan lang ako. Well mahabang kwento. "Hey, how are you?" Sabay beso nila. "Ito may hang-over pa sa bakasyon." Tamad na tamad na sagot ko. "Hi Baby, i miss you." Sabay yakap ni Jeff sa'kin. Hindi ako gumanti sa yakap niya. I just rolled my eyes. "Tara kain muna tayo sa cafeteria, maaga pa naman eh." Yaya ni Rose. May mga napapa-tingin na estudyanteng babae kay Jeff. Hindi ko naman sila masisisi, kasi sikat na varsity player ng basketball team si Jeff At masasabi kong gwapo naman talaga siya. Matangkad at maporma. Kaso wala eh, walang spark. Kung hindi nga lang ako nahiya sa mga ka-team mates niya, hindi ko siya sasagutin. Paano ba naman kasi, tanungin ba naman ako sa harap ng buong team ng "Would you be my girlfriend?" Lahat ng atensyon eh na sa'kin. Ayoko naman na mapahiya siya. Nag effort pa talaga siyang kuntsabahin ung buong team para lang mapasagot ako. Kaya kahit mabigat sa loob ko eh, go na lang. Baka matutunan ko din siyang mahalin. Pagdating namin sa cafeteria. "Baby, anong gusto mong food?" Malambing na tanong ni Jeff. "Sandwich na lang at coffee." "Okay, i'll be right back." Sabay wink niya pa. Pa-cute talaga ang mokong. Naagaw ng pansin ko ung isang girl na matangkad at maputi. Naka-suot ng plain white shirt, skinny jeans. naka-black chucks at jansport na backpack. Friday nga pala ngayon, kaya pwedeng hindi mag-uniform. Ung tindig na 'yon parang familiar. She's wearing eye glasses. Cute! Mahaba ung buhok, lagpas balikat. May pagka-boyish maglakad. Ang siga eh. May kasama siyang isang Girl na may pagka-boyish rin. Mukhang napapa-tingin sakanya ung mga...Girls? at nagpapa-cute pa kamo. Hala! Ang haharot! Pero parang wala naman siyang pakialam sa mga nag-papapansin sakanya. Busy siya sa pag-inom ng chuckie na choco drink. It's cute though. 'Di ko masyadong makita ung mukha niya, kasi natatakpan ng buhok. Palabas na sila ng cafeteria, kaya habol tingin na lang ako sakanya. "baby?" Pukaw sa'kin ni Jeff. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. Busy ako doon kay astig girl eh. "Ha?, yes?" Wala sa wisyong tanong ko. "Kumain ka na, malapit na mag-start ung klase mo." Sabay abot ng sandwich ni Jeff. Napatingin ako kela Jas at Rose na nakatitig pala sa'kin. "Bangag ka pa?" Tanong ni Rose habang umiinom ng juice. Hindi ko na lang pinansin ung tanong niya. After naming kumain, naglakad na kami papunta sa classroom. Hindi ko alam bakit ako na e-excite. New classmates, new school. It's gonna be fun! . . Rain P.o.v. Nesfruta talagang trafic 'to! Buti naka motorbike ako. Pwede akong sumingit-singit sa kalsada. Dapat lang talagang magaling ka sumuot sa mga makikipot na daan at malupit na ninja moves pag may sumisingit na truck at kotse. Pinag-awayan pa namin ni Carmen ung pagbili ko ng motorbike. Delikado raw kasi at dahil matigas ung ulo ko, hinayaan na lang niya. Bait ko noh? Pinag-ipunan ko naman ung pinambili no'n eh. Ayoko kasing humihingi ng pera kay Carmen. Gusto ko sarili kong pera ung pinambibili ko ng gamit na gusto ko. Nagbabantay ako ng computer shop nung isa kong tropa. Everynight lang naman after ng klase. Minsan dumidiretso na ko doon. Binibigyan niya ako ng one fifty. Not bad 'di ba? Pinark ko na ung motorbike ko na si Bikey, Bago ako pumasok ng campus. "Reng, wait mo ako!" Sigaw sa may likuran ko. Walang iba kundi ang kurimaw na si Joy. Hingal na hingal siyang lumapit sa'kin. "Oh, ba't para kang hinabol ng sampung demonyo?" "Kasi...Akala ko...Late na ko eh.." Sapo ung dibdib niya. "May 20 minutes pa tayo tongek!" "Pucha kasi itong relo ko, napaka advance pala! Lintik!" Inis na sabi niya. Naiiling at natatawa lang ako. "Punta muna tayong cafeteria, uhaw na uhaw na ko eh." Naglakad na kami papunta roon. "Hi, Avril." Bati nung isang estudyanteng Girl sa'kin. Nginitian ko nalang siya. Marami kasing tumatawag sa'kin na Avril. Nabanggit ko bang hawig daw ako ni Avril ehem Lavigne? 'Yon ang sabi nila. Same daw kami ng lips, mata pero light brown ung sa'kin at shape ng mukha. Mahaba din ung hair ko katulad ni Av. Oh 'di ba? maka "Av" ako noh? Feeling close lang? I like Avril rin kasi, kaya nga bumili ako ng skateboard eh. Nainggit ako sakanya. Oh bakit ba. Trip ko rin ung mga pormahan niya. Kaso Girly na siya ngayon eh. "Wow! dami mo talagang fans noh, Dude? Ang Avril ng pilipinas! Naks nemen.." Pang-aasar ni Joy. "Har-har. Bilisan mo baka ma-late na tayo." Sabay kaladkad sakanya. Pagkatapos namin bumili ng paborito kong choco drink, naglakad na kami papuntang classroom. Pagpasok namin, pumwesto na kami doon sa may dulo. Sakto namang dumating na ung Prof namin. "Okay class, you have a new classmate. Miss Delos Reyes, please introduce yourself." May pumasok na sexy at magandang babae na mahaba ung buhok. Wait... May...May kamukha siya. Napaisip ako...Hmmm. Saan ko nga ba siya nakita? "Hello guys, I'm Angel Delos Reyes. 18 Years old. I hope we can get along." Nakangiting sabi niya. Nakita ko paano siya titigan ng mga manyak kong classmates. Kala mo mga hayok sa magandang babae. Tss! Naghahanap siya ng mauupuan. Napalingon naman ako sa may kanan ko. Bakante. Pagharap ko, naglalakad na pala siya papalapit sa pwesto ko. Oh damn!! Parang slow motion lang. Hinahangin ung mahaba niyang buhok, habang naglalakad siya na parang model. Napatitig naman ako sa suot niyang mini-skirt at fitted na pink blouse.. Sexy! Umangat pa ung tingin ko sa mukha niya at ayon, nagtama ung mga mata namin and she smiles at me. Lumabas ang maliit niyang dimples sa gilid ng labi. Bigla akong napaiwas ng tingin. Bakit ba ako na te-tense? Pag-upo niya sa tabi ko, nalanghap ko agad ang strawberry sweet scent niya. Ung amoy na 'yon. Parang familiar. Nag-focus na lang ako sa prof namin. Okay na sana eh, kaso... "Hey." Kalabit ni Angel right? Napalingon ako sakanya at ayon nakasmile nanaman siya. 'di ba siya nangangalay sa kakangiti? "Pwede ba akong humiram sa'yo ng..Ahmm..Notes?" Mukhang nahihiya pa siya. Late na nga pala siya nakapasok. Last week pa kasi nag umpisa ung klase kaya dapat makahabol siya sa mga lessons. "S-sure. Sige bibigay ko sa'yo after class." Nakangiting sabi ko.. "Thanks." lumapad pa ung ngiti niya. Tumingin na ako ulit sa may harapan. Pero nakikita ko sa gilid ng mata na naka-titig pa rin siya sa'kin. Anong meron? may dumi ba ako sa mukha? bigla tuloy akong na concious. Sumulyap ako sakanya, kaya napaiwas siya ng tingin. Ang weird. "Dude, Ang ganda ng new classmate natin ah?" Pasimpleng bulong sa'kin ni Joy. Pag chix talaga, ealang pinapalampas itong si Kurimaw eh. "Shut up! mamaya ka na lumandi. Makinig ka sa Prof, para 'di ka kolelat sa quiz." Bulong ko din sakanya.. Napakamot nalang siya sa batok at nakinig na sa Prof. Lagi nalang kasi siyang nangongopya sa'kin. Kamuntik-muntik na rin kaming mahuli ng Prof namin. Buti na lang alerto bente kwarto ako, kundi baka pati test paper ko matapon sa basurahan. "Okay class, dismiss." Thank you Lord natapos rin ang boring na subject na 'to. Niligpit ko na ung mga gamit ko. "Hi, Angel, I'm Joy nga pala." Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Joy na nakatayo sa harap ni Angel. Ang bilis talaga nito sa babae. "Hello.." Nakangiting bati naman niya. Hihiramin niya nga pala ung notes ko. Kinuha ko ung notebook ko at inabot ko sakanya. "Thanks. Balik ko na lang sa monday." "Okay. No problem." Tumayo na ko at sinukbit ung backpack ko ng bigla niya kong hawakan sa kamay. Ang lambot ng kamay niya. Tila may bultaheng dumaloy rito. "Wait. Ano palang name mo?" Ang lambing ng boses niya, napaka feminine. "Rain." "Rain? As in ulan?" "Yep." Tinitigan niya pa ako, na parang may inaalala siya or something. Wagas kasi maka-titig eh. "You know what, may kamukha ka." Tila nag-iisip siya. "Ahh, kamukha 'yan ni Avril Lavigne." Singit naman ni Joy. "Yeah.. Magkamukha nga kayo, cute." Nangi-ngiting sambit niya. Pero parang nag-iisip pa siya. "Nagkita na ba tayo before?" Tinitigan ko ung mukha niya. Tska ko lang napansin ung small mole sa ilalim ng lower lip nito. 'di kaya siya ung.....No it can't be! Ung naka....Naka one night stand ko? . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD