Rain P.o.v. "Dude, nakikinig ka ba?" Tapik sa'kin ni Joy. Nakatulala lang kasi ako habang may malalim na iniisip.. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa amin ni Angel.. Lalo na ngayong alam na ni Jeff tungkol sa amin. Pwedeng-pwede niya kami isumbong sa parents ni Angel, kung gugustuhin niya. Kailangan ko na bang maghanda? "Ano nga ulit yon?" Blankong tanong ko. Inismiran naman ako ni Kurimaw habang sumisipsip ng softdrinks. Nakatambay kami sa tindihan ni Aling Cora. "Ang sabi ko tingnan mo si Ms. Labanos, oh." Nguso niya kaya napatingin na din ako. Ung kapitbahay naming chix.. "Kung ganyan naman ung magdidilig ng halaman araw-araw parang gusto ko nalang din maging halaman." Malanding saad pa niya habang ang lagkit ng tingin sa legs ni Neighbor. Kamanyak talaga. "Oo, sana lunurin k

