ENZO Nandito ako ngayon sa Palawan kasama si Ayana, hindi na ako nagpaalam kay Nosgel dhil halos hindi na ako umuuwi sa bahay namin. Madalas kasi akong tinatawagan ni Ayana at nagpapasama sa akin. Nakakaramdam na din ako nang awa sa asawa ko, nakikita ko kung ano ang malaking kaibahan nila ni Ayana. "Let's go, babe, punta tayo nang bar. Let's enjoy this evening." aya sa akin ni Ayana habang nag bibihis siya nang damit na halos kita na ang kaluluwa niya. "Babe, pwede bang palitan mo ang damit mo. Masyadong revealing baka mapaaway ako." sita ko kay Ayana. "Babe, kailan kapa naging old fashion? Alam mong ganito na ako manamit noon pa." inis naman na sagot sa akin ni Ayana. Para wala nang talo ay hindi na ako kumontra sa sinabi niya. Ngayon ko mas nakikita ang kaibahan nilang dalawa ni N

