ENZO Noong araw na umalis si Nosgel ay parang gumuho ang buhay ko, sinubukan kong makiusap sa kanya para huwag siyang umalis pero buo na ang desisyon niya. Bago ang araw nang pag alis niya ay may natanggap akong tawag mula sa lalaking hindi nagpakilala. "Kung gusto mo pang pigilan ang asawa mo, puntahan mo siya sa airport. Ngayon ang araw ng alis niya, baka mapigilan mo pa siya." sabi ng lalaki sa akin. Noong una'y hindi ako naniwala dahil hindi naman siya nagpakilala, pero ng tawagan ko si Cjay ang kanyang kapatid ay nakumpirma ko nga na pupunta na siya ng ibang bansa. Agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko para magpasama sa kanila sa airport. Hindi nila ako hinayaang mag drive kaya nagkasundo kami na susunduin nila ako dito sa penthouse ko. Simula ng nagkagulo kami ni Nosgel ay um

