NOSGEL Nakalabas na ako ng hospital at dito ako tumuloy sa condo unit ni Mommy. May kasama din kaming nurse na mag aalaga sa akin kapag wala si Levi at si Mommy. Sila nanay naman ay ayaw umalis sa dami naming bahay kaya nakiusap ako kay mommy na kung pwede ay ipagawa na lang niya ito. Pumayag naman si Mommy kya ngayon ay under construction ang bahay namin. Narinig kong tumunog ang telepono ko. "Nosgel, tumatawg ang nanay mo." sabi sa akin ni Levi. Inilagay niya ito sa kamay ko at saka ko ito dinala sa aking tenga. "Kamusta ka na dyan, nak!" bungad ni Nanay. "Ayos lang naman po Nay, kayo po kamusta na?" "Ito abala pa dahil sa bahay na pinapagawa mo, hindi kita mapuntahan para dalawin wala kasing titingin sa mga nagawa dito." muling sagot ni nanay. "Okay lang po yun Nay, unahin nyo p

