NOSGEL AFTER 5 YEARS "Farah, Farhan, bilisan ninyong kumilos malalate na ako. Padating na ag school bus ninyo." sigaw ko sa mga anak ko. Kahit dito na kami nakatira sa Dubai, sanay silang magsalita ng tagalog. Lahat kasi kami dito sa bahay ay Filipino kaya walang nagsasalita ng banyaga. "Mom, si Farah po ang matagal, she's so maarte kasi." Reklamo na naman sa akin ng anak kong lalaki. "I'm not maarte Farhan, I'm being kikay lang because im a girl kaya im slow. Lola make ipit pa kasi my hair." maarteng sabi ng anak kong babae. Araw-araw kaming ganito dito sa bahay, boses ko lang ang malakas sa umaga dahil bago pumasok ang dalawang anak ko ay nagbabangayan muna sila. "Hurry up, you two! Don't argue anymore; the bus will be here in just 10 minutes." muli kong sigaw sa kanila para mag m

