THIRD PERSON
"Bro, seryoso ka ba susundan natin ang nosgel na yun sa Baclaran Church?" tanong ni Enzo ky Ervin.
"Why not? Gusto kong tulungan yung taong maubos ang paninda niya. Hindi naman tayo mag papakita mag uutos lang ako ng pwede bumili ng paninda niya. That's it!" sabi ni Ervin kay Enzo.
Tinatanaw nila Ervin si Nosgel sa malayo habang nag titinda ito, hindi namamalayan ni Enzo na napapangiti na siya. The woman is full of energy as she calls out to people to buy from her. Halata sa kanya na masaya siya sa ginagawa niya at hindi niya ikinahihiya ang kanyang trabaho.
Nakita ni Ervin ang isang dalaga na medyo maayos ang pananamit at muka naman mabait kaya tinawag niya ito.
"Miss! Can i ask a favor? Pwede ba kitang bigyan ng pera at bumili ka ng sampaguita sa babaeng yon yung maganda at mahaba ang buhok." pakiusap ni Ervin sa dalaga. "Bibigyan kita ng 500 para pambili paki bigay na din sa kanya ang sukli. Ang sampaguita ialay mo na lang at paki hling na sana maging girlfriend ko siya." dagdag pa na sabi ni Ervin sa dalaga.
Pumayag naman ang dalaga at kinuha ang 500 pesos mula kay Ervin saka ito nag lakad papunta kay Nosgel at bumili ng sampaguita.
"Why don't you go down and buy all her sampaguita's so we can leave here?" naiinis na sabi ni Enzo sa knyang kaibigan.
"Dude, relax ayaw kong malaman niya na tinutulungan ko siya. Baka ikagalit niya yon pag nalaman niya a ng mga kagaya niya ay mga taong maprinsipyo." sabi ni Ervin habang pailing iling ng kanyang ulo.
Ilan pang mga tao ang hiningian niya ng tulong hanggang sa tuluyan ng maubos ang paninda ni Nosgel. Iba ang pakiramdam ni Ervin ng mga oras na iyon dahil natulungan niya ang babaeng nakakaroon na ng puwang sa puso niya. Akala nila ay uuwi na ang dalaga pero ikinagulat nila ng lumapit ito sa isa pang dalaga na sampaguita vendor at tinulungan niya itong magbenta. Napangiti si Ervin dahil sa ginawang gesture ni Nosgel.
"See, i've told she has a good heart. Hindi niya yan gagawin ang tumulong sa iba kung masamang babae sya at muka siyang pera. Enzo hindi lahat ng mahirap ay kagaya ng mga naging ex mo." sabi ni Ervin kay Enzo.
"Let's go, nagugutom na ako at nilalamok, iba din naman ang trip mo. Nagiging stalker naba tayo ngayon ng babae, baka mabigo ka kay Nosgel, Bro. Nakita mo ba kanina kung kanino siya nakatingin at kinikilig." natatawang sabi ni Matt sa kanyang kaibigan.
"Don't worry she's not my type," agad naman na sagot ni Enzo. Hinintay lang nila na makaalis si Nosgel at agad na ding pinasibat ni Ervin ang sasakyan papunta sa bar. Sa bar na din sila oorder nag pagkain dahil ginabi na sila kakasunod kay Nosgel.
Pagkarating nila ng bar ay agad silang dumiretso sa VIP ROOM na laging nakalaan para sa kanila. Umorder sila ng pagkain at ang alak na paborito nilang inumin.
"Bro, your birthday's coming up soon. Where are you planning to celebrate?" tanong ni Ervin.
"Hindi ko alam pero sila mommy ang nag aayos ng party, I think sa hotel gaganapin ang party. Kilala nyo naman ako hindi ako mahilig sa mga party, kung hindi lang dahil kay mommy hindi kahit hindi na ako mag celebrate ng birthday ko. Besides, aalis kami ni Ayana a day after my birthday she want to go to Amanpulo kaya sasamahan ko siya." sagot sa kanila ni Enzo.
Habang nagkakasiyahan silang tatlong magkakaibigan ay tumunog ang cellphone ni Enzo. Kinapa niya ang kanyang bulsa para tignan kung sino ba ang natawag.
"Hello hon, where are you?" tanong ng kausap ni Enzo.
"I'm here at the bar with Matt and Ervin." sagot naman ni Enzo.
"Hon, magpapaalam lang sana ako, I'm going to Singapore for three days with my friends. Babalik ako sa birthday mo para mag celebrate kasama ka." malambing na sabi naman ng kasintahan ni Enzo na si Ayana sa kabilang linya.
"Bro, sigurado ka bang kaibigan ang kasama niyan ni Ayana? Hindi mo man lang ba tinanong kunng sino ang mga kaibigan niya ang kasama niya?" muling tanong ni Matt.
"Is there a problem with my girlfriend?" tanong ni Enzo.
"Nothing, napapansin lang namin na madalas umaalis ang girlfriend mo, knowing na nagakaka problema ang company nila."
"Napag usapan na naming dalawa yan once na maikasal kami tutulungan ko sila sa pag bangon ng kumpanya nila.
---------------->
FLASH BACK
Palabas ng airport anag magkaibigang Matt at Ervin galing sila sa kanilang business trip sa Japan. Hindi nila kasama si Enzo na umuwi dahil naiwan pa ito dahil may importante pa siyang meeting na kailangang attend-an. Palabas na sila ng immigration ng may mapansin silang babae na may kasamang lalaki.
"Bro, is that Ayana? Enzo's girlfriend?" tanong ni Matt sa kanyang kaibigan.
Agad naman na lumingon si Ervin para tignan ang tinutukoy ni Matt.
"Anong ginagawa niyan dito? Sino ang kasama niya?" nagtatakang tanong ni Ervin.
"Let's go, let's check kung saan siya pupunta." yaya ni Matt kay Ervin saka sila diretsong lumabas ng airport.
Pagkakita nila sa driver nila ay agad nilang pinasundan ang kotseng sinasakyan ni Ayana. Nakita nilang pumasok sa isang hotel si Ayana at ang lalaking kasama niya. Gusto pa sana nilang sundan hanggang sa loob pero hindi na nila ginawa.
"I knew it, niloloko din niya si Enzo." gigil na sabi ni Ervin.
"That bastard! Sabi na nga ba kagaya din siya ng iba na kahit may yaman na ay hindi pa din kuntento. Tiyak na pera lang din ang habol niya kay Enzo." nagpipigil ng galit na sabi ni Matt.
"Hindi natin pwedeng sabihin kay Enzo ang nakita natin, baka kung anong gawin noon pag nalaman niya ang ginagawang panloloko sa kanya ng girlfriend niya." Ani naman ni Ervin.
Napagkasunduan nila na hahayaan nilang si Enzo ang makaalam ng totoo. Alam nila kung ilang beses nang naloko ng mga babae ang kaibigan nila kaya hirap na itong mag tiwala. Nakikita nila kung gaano kamahal ni Enzo si Ayana dahil lahat ng gusto ng dalaga ay ginagawa ni Enzo.
END OF FLASH BACK
Natapos silang mag inom madaling araw na kaya umaga na nakauwi si Enzo sa kanyang penthouse sa hotel.
Maaga naman nagising si Nosgel, para pumasok sa kanyang trabaho. Sa kakaisip niya na naman kay Enzo muntik na siyang malate ng gising. Pagkarating niya sa hotel ay nagmamadali siyang pumunta sa kanyang locker.
"Nosgel, umakyat ka sa taas at pakilinis ang unit ni sir Enzo." bungad sa akin ni Ma'am GIna.
"Ako po ba ma'am?" gulat kong tanong.
"Bakit may iba pa bang Nosgel dito, diba ikaw lang naman?" sagot niya.
"Ay, pasensya na po ma'am gulat lang po ako." nahihiya ko namang sabi.
"Pakikuha na lang ang key card sa reception para makapasok ka sa loob. Ayusin mo ang paglilinis at maselan si Sir, isa pa wag na wag mong ililipat ang pwesto ng mga gamit doon. Mag lilinis ka lang at wala kang pakikialamang gamit maski isa." bilin sa akin ni Ma'am Gina.
Pagkatapos niyang magbihis ay dumiretso na sya reception para kunin ang key card saka dumaan sa house keeping department para kunin ang mga gagamitin sa paglilinis sa penthouse ni Enzo. Habang naglalakad sya ay sari sari ang kanyang naiisip, " nadoon kaya si Enzo? Sana nandoon siya para naman masilayan ko ang gwapo niyang muka." bulong ni Nosgel sa isip niya.
Nasa tapat na siya ng pinto ng penthouse ni Enzo, inilapat niya ang key card at bumukas ito. Napahawak ang dalawang kamay ni Nosgel sa kanyang bibig para pigilan ang pagtili nito. Amoy na amoy niya ang masculinity sa buong lugar, hindi mo mapapagkailang lalaki nga ang nakatira sa penthouse. Hinakbang niya na ang paa niya papasok para umpisahan ang paglilinis. Hindi siya mapakali sa nakikita niya, kada damit na madampot niya ay inilalapit niya ito sa dibdib niya at saka parang pabangong inaamoy. Isa isa niyang dinadampot ang mga kalat at pinupunasan ang lahat na madaanan ng mata niya. Nasa living na siya nang makakita na naman siya ng mga damit na nagkalat.
"Wala ba siyang laundry basket at kalat kalat ang mga damit niya?" tanong ni Nosgel sa isip niya. Matapos niyang damputin ang mga polo at pantalon ay may bigla siyang nakita na nagpa ngiti sa kanya. Nilapitan niya ito at dinapot ang boxer brief na nakasampay sa malapit sa tv rock. Hinawakan niya sa magkabilang dulo ang brief at napapangiti pa siya dahil sa kalokohan na nasa isip niya. Akmang ilalapit na niya ang brief sa kanyang ilong upang amuyin ng biglang may nagsalita sa likuran niya na ikinagulat niya.
"What are you doing?" sabi ng isang baritonong tinig na nagpagulat kay Nosgel.
"Ay, kabayo!" gulat niyang sabi. Sa gulat niya ay naihagis niya ang brief pataas at sumabit ito sa chandelier, agad siyang napatakip ng bibig niya saka tumingala dahil hindi bumagsak ang brief n naitapon niya.
Halos sabay silang tumingala ni Enzo at pareho nilang nakita na nakasabit ang brief ng binata sa chandelier na nasa sala.