NOSGEL Sumapit na ang araw na pinakahihintay namin ni Enzo, ang araw ng kasal naming dalawa. Alas diyes ng umaga ang kasal namin sa Manila Cathedral kaya maaga pa lang ay gising na kami. Ang mga abay at mga sponsors namin ay sa hotel na namin sila pinag check in kung saan mas malapit na sa simbahan para hindi na sila mahirapan. Pati ang mga anak namin ni Enzo ay nasa hotel na din kasama ang mga magulang ko. Tanging si Kath lang ang naiwan dito sa bahay kasama ang mommy ko. Sila ang makakasama ko sa aking pagpunta sa simbahan. "Anak, nakaligo ka naba? Nandito na ang glam team mo." sabi ni mommy sa labas ng pinto ko. Naglakad ako papalapit sa pinto at binuksan ko ito. "Kakatapos ko lang po, Mom." sagot ko. "Paakyatin ko naba sila, anak?" muling sabi ni Mommy. "Sige po, doon na lang po

