THIRD PERSON Patapos na ang duty ni Nosgel sa hotel, inaayos niya na ang gamit niya at balak niyang iwan muna ito sa locker. Dadaanan niya na lang mamaya pag pauwi na sila ni Kath pagtapos ng party ni Enzo sa kanyang penthouse. Matapos niyang maiayos ay lumabas siya ng hotel para tignan kung nadoon na si Kath. Sakto naman ang paglabas niya, pababa na ng jeep si kath kaya kinawayan niya ito. "Bakla ano ready kana ba? Nandito na ung damit na isusuot mo, maliligo ka pa ba?" tanong sa kanya ni Kath. "Tara na, doon tayo sa office ni Maam Gina, doon ako makikiligo." pumasok na ang magkaibigan sa loob ng hotel at dumiretso sa Office ni Ma'am Gina. Kumatok si Nosgel sa pinto at nang marinig niya ang boses ng kanyang supervisor ay saka niya tuluyang binuksan ang nakapinid na pinto. "Ma'am, pwe

