NOSGEL "Ma'am pinapatawag n'yo daw po ako?" "Yes, what happen? Bakit may guest na nagreklamo sa front desk at ikaw ang nirereklamo?" tanong ni Ma'am Gina. Binalot na naman ang takot ng buong pagkatao ko, yung kabang naramdaman ko kanina ay bumalik na naman. "Nabungo ko po kasi siya, pero hindi ko naman po sinasadya, iniiwasan ko nman po sya. Nakatalikod po kasi yung guest kaya harap niya sa cart po siya bumanga. Humingi po ako ng pasensya pero nag hysterical pa din po siya." nahihiyang paliwanag ko. "Ganun ba, ipagdasal mo lang na hindi mainit ulo ni sir Enzo ngayon, pinapatawag ka sa opisina niya. Ikaw pa alng ang pinatawag sa opisina ng CEO kaya kahit ako nagulat." nag aalalng ani ni Ma'am Gina. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad palabas, kahit natatakot ay pinilit kong maging

