ENZO / LORENZO Matapos ang isang maiinit na tagpo na nangyari sa amin ni Nosgel ay pinag iisipan ko nang bigyan ng chance ang pag sasama namin. Alam kong mahihirapan ako pero gusto kong subukan, hindi pa din ako kumbinsido na anak ko ang dinadala niya. Pero gusto kong sumugal na bigyan siya ng pagkakataon na patunayan sa akin na mali ang iniisip ko sa kanya. Nagisng ako na wala na siya sa aking tabi, kaya agad akong pumasok sa banyo para maligo at pagkatapos ay lumabas ang aking silid. "Nosgel," tawag ko, pero walang sumasagot, "nosgel," muli kong tawag sa kanya pero hindi pa din siya sumasagot. Hinanap ko siya sa kusina maging sa labas ng bahay at sa kanyang silid pero wala siya kaya muli ko siyang tinawag sa mas malakas na boses. "Nosgel! Nosgel!" sigaw ko. Nakita ko siya na lumabas

