NOSGEL "Inis na inis ako sa bwisit na Enzo na yun, kung maka tawag ng tanga sa akin kala mo ang perfect niya. Grrrr...... Namumuo kana talaga sa akin Enzo kahit mahal kita bibingo ka na talaga." Inis kong sabi sa sarili ko, ung plano kong kausapin siya ay hindi ko na yata itutuloy dahil nakuha niya talaga ang gigil ko. Malapit ng mag uwian at isang room na lang ang lilinisin ko. Sinamahan na ako ni Brenda para daw mapadali tutal tapos na siya sa trabaho niya. "Nosgel, wala ka ba talaga balak sabihin kay Sir, yang ipinagbubutis mo?" "Meron naman sana, kaso nga nainis ako. Nagkasalubong kami kanina at gusto niyang mag usap kami sa office niya." "Ayun naman pala bakit di mo pa puntahan. Siya na ang nag aya baka na realize niya na mali na husgahan ka. Mukha naman mabait si Sir Enzo kaya

